News Release
Department of Labor and Employment
August 22, 2021

HK to allow vaxed OFWs next week

Filipino workers vaccinated in the Philippines will be allowed entry in Hong Kong effective next week upon presentation of Bureau of Quarantine (BOQ) issued vaccination certificates, Labor Secretary Silvestre Bello III announced on Sunday.

Bello said the HK government has already agreed to let overseas Filipino workers who received COVID vaccines in the country to come and work starting August 30, provided they can present validated COVID vaccine certificates issued by the Bureau of Quarantine.

Some 3,000 OFWs who are awaiting deployment to HK are set to benefit from this development, Bello said.

OFWs will undergo quarantine in specified hotels, the cost to be shouldered by employers. The HK government is now in the process of coordinating with partner hotels where the OFWs will be quarantined.

It may be recalled that previously, only those vaccinated in HK are being allowed entry to HK. OFWs were not granted access since they have different vaccination certificates issued by LGUs.

The BOQ, through coordinative efforts by DOLE and the Philippine consulate in HK, prepared a draft vaccination certificate bearing the passport details of the OFWs as requested by HK. Pending inclusion of that detail in the yellow card, HK immigration will honor the vaccination certificates issued by the BOQ for incoming OFWs to HK. ###

=======================================

Bakunadong OFW, papayagan na sa HK sa susunod na linggo

Papayagan nang makapasok sa Hong Kong ang mga overseas Filipino worker (OFW) na nabakunahan sa Pilipinas, epektibo sa susunod na linggo, matapos nilang ipakita kanilang vaccination certificate mula sa Bureau of Quarantine (BOQ). Ito ang pahayag ni Labor Secretary Silvestre Bello III.

Ayon kay Bello, sumang-ayon na ang pamahalaang Hong Kong na payagan ang mga OFW na nabakunahan na dito sa Pilipinas na makapasok at makapagtrabaho simula Agosto 30, sa kondisyon na ipapakita nila ang kanilang COVID vaccine certificate na inisyu ng Bureau of Quarantine.

May humigit kumulang 3,000 OFW ang naghihintay na ma-deploy sa HK ang inaasahang makikinabang mula sa desisyong ito, sabi ni Bello.

Samantala, sasailalim pa rin ang mga OFW sa mandatory quarantine sa mga tutukuying hotel, at sasagutin ng employer ang gastusin. Nasa proseso na ng pakikipag-ugnayan ang pamahalaan ng HK sa mga katuwang na hotel kung saan sasailalim sa quarantine ang mga OFW.

Matatandaan noon na ang mga bakunadong OFW lamang sa HK ang pinapayagang makapasok dito. Hindi naman pinapayagang makapasok ang mga OFW sa dahilang iba-iba ang vaccination certificate na inisyu ng kani-kanilang lokal na pamahalaan.

Sa pakikipagtulungan ng DOLE, ang BOQ at ang konsulado ng Pilipinas sa HK ay naghanda na ng draft vaccination certificate kung saan nakasaad ang detalye ng pasaporte ng OFW ayon na rin sa hiling ng pamahalaan ng HK. Habang hindi pa nakasama ang detalyeng ito sa kasalukuyang ipinapatupad na ‘yellow card’, pansamantalang tatanggapin ng HK immigration ang vaccination certificate na inisyu ng BOQ para sa mga padating na OFW sa HK. ###

 

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry
12