Mahigit sa 25,000 bakanteng trabaho ang handog ng Trabaho, Negosyo, Kabuhayan (TNK) job fair sa mga jobseekers, lalo na sa mga nagbalikbansa na overseas Filipino workers at nagnanais manatili na lamang sa kani-kanilang mga bayan.

May kabuuang 88 employers ang kalahok sa job fair na gaganapin sa River Bank Mall sa Marikina City mula Marso 3-4.

“Libo-libong bakanteng trabaho ang naghihintay sa mga lalahok sa jobfair at mayroon din mga oportunidad pangkabuhayan sa mga balikbayan nating overseas Filipino workers na makapagbibigay ng alternatibong trabaho,” sabi ni Labor Secretary Silvestre Bello III.

Ang magkasanib na job fair ng Department of Labor and Employment DOLE) at Department of Trade and Industry (DTI) ay naglalayong magbigay ng karagdagang oportunidad sa mga Filipinong naghahanap ng trabaho, lalo na sa mga bagong graduate, sa mga walang trabaho, displaced workers, at sa mga nagbalikbansang OFWs.

Karamihan sa mga lokal na bakanteng trabaho ay nagmula sa industriya  ng information and communication technology, hotel at restaurant/ tourism, health and wellness, wholesale and retail trade, construction, automotive, engineering at may iba pang mga serbisyo.

Hinihikayat ni Bello ang mga naghahanap ng trabaho na magparehistro muna sa PhilJobnet (http://philjobnet.gov.ph/) upang maiwasan ang pagkaantala kung pupunta sa job fair.

Pinaalalahanan ang mga aplikante na magdala ng 2×2 ID pictures; original at photocopies ng kanila pasaporte, curriculum vitae; NBI clearance; training certificate; certificate of employment; PRC license; diploma; at authenticated birth certificate.

“Ako ay nananawagan sa mga naghahanap ng trabaho na lumahok at samantalahin ang pagkakataon at oportunidad na inaaalok sa job fair,” pahayag ni Bello

END/ADV/MDD

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry
1