News Release
Department of Labor and Employment
30 July 2019

Groups back creation of DOFW

Various groups of overseas workers expressed support to the proposed establishment of a Department of Overseas Filipino Workers, but warned against collapsing agencies and displacing seasoned officials and personnel who had specialized in overseas placement and workers’ welfare.

In a consultation in Manila on Thursday, Labor Secretary Silvestre Bello III said the sentiment and input of all stakeholders will be considered in the version of the proposed measure being prepared by the labor department for submission to Congress. Bello said President Duterte has tasked DOLE to come up with its draft proposal for the consideration of both houses of Congress.

“We will draft a separate version of the bill but before we submit it, we want to hear your voice and proposals. That department is intended for you [OFWs]. We should know your inputs and suggestions on this matter so we can balance things properly,” Bello told the OFW groups.

The labor chief encouraged the groups to form a technical working group which includes representatives from all OFW organizations for proper consolidation of their inputs and comments on the draft bill. They were given a copy of the proposed bill drafted by DOLE and were asked to send their comments and recommendations within two weeks.

Representatives of party-list groups Ako OFW and OFW Family Circle also expressed support to the drafting of the DOLE version of the bill and batted for the inclusion of Filipinos working abroad to be included in the technical working group.

Susan ‘Toots’ Ople, head of Blas F. Ople Policy Center, a non-government organization that assists distressed migrant workers, said the government should further study whether to abolish or not the agencies under DOLE.

“We now have an opportunity to see how we can improve the labor department and the services it can offer. The institutional memory and skills of the workers in the POEA and OWWA should be preserved and considered. If we will abolish these agencies, we are wasting valuable years of service of those workers, and who will train these new workers in the department?” Ople said.

President Rodrigo Duterte during his fourth State of the Nation Address (SONA) called on Congress to pass a law creating a department for OFWs.

In response to the call of the Chief Executive, House Speaker Alan Peter Cayetano and Davao City Rep. Paolo Duterte, and Senator Christopher ‘Bong’ Go have filed separate bills for the establishment of the department. #Paul Ang

====================================================

DOFW suportado ng mga grupo

Nagpahayag ng suporta ang iba’t ibang grupo ng mga overseas worker sa panukalang pagbuo ng Department of Overseas Filipino Workers, subalit nagpaabot rin sila ng pangamba sa maaaring pagtanggal ng mga kasalukuyang ahensiya at mga opisyal at tauhan nito na may malalim nang kasanayan sa overseas placement at sa kapakanan ng mga manggagawa.

Sa isang konsultasyon sa Maynila, sinabi ni Labor Secretary Silvestre Bello III na ang lahat ng sentimiyento at panukala ng mga stakeholder ay isinasa-alang alang sa bagong bersyon ng panukalang pagbuo sa ahensya na inihahanda na ng kagawaran upang isumite sa kongreso. Sinabi pa ni Bello na inatasan siya ni Pangulong Duterte na bumuo ng kanilang draft proposal para maipasa sa kongreso.

“Bubuo kami ng draft ng naiibang bersyon ng panukalang batas bago ito isumite at nais naming marinig ang inyong boses at mga panukala. Para sa inyo (OFW) ang departamentong ito. Dapat naming malaman ang inyong mga komento at suhestiyon sa bagay na ito upang mabalanse namin ang lahat,” wika ni Bello sa mga grupo ng OFW.

Hinikayat ng kalihim ang mga grupo na bumuo ng technical working group na kinabibilangan ng mga kinatawan mula sa lahat ng organisasyon ng OFW upang mapagsama lahat ng kanilang panukala at komento sa panukalang batas. Binigyan sila ng kopya ng panukalang batas na binuo ng DOLE at hinimok silang magpadala ng kanilang komento at rekomendasyon sa loob ng dalawang lingo.

Nagpahayag ng kanilang suporta ang mga kinatawan ng party-list group na Ako OFW at ang OFW Family Circle sa pagbuo ng panukalang batas na sariling bersyon ng DOLE at binanggit na dapat isama sa nasabing technical working group ang mga Pilipinong nagtatrabaho sa ibang bansa.

Ayon naman kay Susan ‘Toots’ Ople, head ng Blas F. Ople Policy Center, isang non-government organization na tumutulong sa mga nangangailangang migranteng manggagawa, dapat masusing pag-aralan ng gobyerno kung tuluyang bubuwagin ang mga ahensya sa ilalim ng DOLE.

“Ngayon ay mayroon na tayong oportunidad upang mapahusay ang labor department maging ang mga serbisyong inihahandog nito sa tao. Dapat lamang mapangalagaan at isaalang alang ang institutional memory at kasanayan ng mga manggagawa sa POEA at OWWA. Kung bubuwagin natin ang mga ahensyang ito, sasayangin lamang natin ang sakripisyo at ilang taong serbisyo ng mga manggagawa, at sino ang magsasanay sa mga bagong manggagawa ng kagawaran?” wika ni Ople.

Magugunitang hinimok ni Pangulong Rodrigo Duterte sa ikaapat nitong State of the Nation Address (SONA) ang kongreso na magpasa ng batas na bubuo ng isang departamento para sa mga OFW.

Bilang tugon sa panawagan ng Chief Executive, nagsumite ng iba’t ibang bersyon ng batas sina House Speaker Alan Peter Cayetano at Davao City Rep. Paolo Duterte, at Senator Christopher ‘Bong’ Go para sa pagtatayo ng Department of OFW.

#Paul Ang

 

 

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry