News Release
Department of Labor and Employment
5 August 2019 

Gov’t, private sectors address impact of Industry 4.0

Highlighting the importance of tripartism in addressing transformations in the world of work, the labor department gathered representatives from the government, labor and employer sectors, and the media to address the impact of the Fourth Industrial Revolution or Industry 4.0.

Organized by the Bureau of Local Employment, a forum on the Fourth Industrial Revolution was held last week at the Century Park Hotel to serve as a platform to discuss the attributes and its nature, impact on the labor market, and how the Philippine government and the private sectors are responding and adapting to such changes.

The forum is in agreement with Labor Secretary Silvestre Bello III’s call during the 108th Session of the International Labor Conference in Geneva, Switzerland to assert the importance of human-centered labor agenda as well as tripartism and social dialogue in crafting specific policy responses amid transformations in the world of work.

Acting Secretary Ana Dione emphasized that the government is continuously exerting efforts to attain and sustain a competitive workforce that support and complement the demands of the ever-changing landscape of work.

“In an integrated, global and digital economy, the capability of a country to respond to the economic changes would determine its level of competitiveness which is enabled by a capable human capital that is built through sound education, training and human resource development policies,” she said.

Program Officer Dianne Lynn Respall of the International Labour Organization (ILO) discussed the characteristics of the Fourth Industrial Revolution and their human-centered agenda in responding to changes in the world of work.

Meanwhile, representatives from the Commission on Higher Education (CHED), Technical Education and Skills Development Authority (TESDA), Department of Trade and Industry (DTI), and the Department of Information and Communications Technology (DICT) presented the government initiatives and responses amid technological advancements that alter the world of work.

Director Maria Teresita Semana of CHED said that that they are harmonizing their program offerings with the need of the industries, adding that as early as 2012, artificial intelligence is already being integrated into the curriculum.

TESDA OIC-Chief Charlyn Justimbaste, meanwhile, emphasized the role of technical-vocational education in the Fourth Industrial Revolution.

She said that the agency is preparing through capacity-building and upskilling of TVET trainers, establishing TESDA Innovation Centers, developing higher qualification standards, strengthening the TESDA Online Program, and benchmarking best practices through international cooperation and agreements.

Both agencies underscored education reform and lifelong learning as tools in preparing for the Fourth Industrial Revolution.

Undersecretary Rafaelita Aldaba emphasized on DTI’s Inclusive Innovation Industrial Strategy (I3S), which aims to promote an innovation ecosystem in the Philippines, with different sectors partnering to generate more jobs and improved business opportunities.

Director Emmy Lou Versoza-Delfin, on the other hand, discussed DICT’s Digital PH Program, which aims to create IT hubs in the countryside, further develop the IT-BPM industry by providing various training, promote entrepreneurship through ICT, and provide freelance online opportunities in rural areas.

Representatives from the Employers Confederation of the Philippines and IndustriALL Global Union also presented their perspectives on the Fourth Industrial Revolution.

ECOP Governor Anton Sayo highlighted the need for industry-driven demand analysis, work-based learning, talent-need projections, apprenticeship programs, as well as upskilling and reskilling of the workforce.

On the other hand, IndustriALL Global Union National Program Coordinator Ramon Certeza highlighted the need for continuous engagement through industry-academe-employer-labor linkage; and the role of trade unions in social dialogue on sectoral just transition and active participation in the workplace monitoring.

In closing, BLE Director Dominique Tutay reminded that human capital should be at the center of the future of work and that there is a need to lessen the digital divide by ensuring that development also spur in the regional areas, and not in the National Capital Region alone.

END/aldm

================================================================

Epekto ng Industry 4.0, tutugunan ng pamahalaan, pribadong sektor 

Bilang pagbibigay-halaga sa papel ng tripartism sa pagbabago sa mundo ng paggawa, tinipon ng labor department ang mga kinatawan mula sa pamahalaan, sektor ng manggagawa at employer, at ang media upang tugunan ang epekto ng Fourth Industrial Revolution o Industry 4.0.

Sa pangunguna ng Bureau of Local Employment (BLE), isang pagtitipon ukol sa Fourth Industrial Revolution ang ginanap nitong nakaraang linggo sa Century Park Hotel para talakayin ang katangian nito, epekto sa merkado ng paggawa, at paano matutugunan ng pamahalaang Pilipinas at ng pribadong sektor ang mga ganitong pagbabago.

Ang pagtitipon ay naaayon sa panawagan ni Labor Secretary Silvestre Bello III sa ginanap na 108th Session ng International Labour Organization Conference sa Geneva, Switzerland kung saan kanyang ipinahayag ang kahalagahan ng human-centered labor agenda gayundin ang tripartism at social dialogue sa pagbubuo ng polisiya na tiyakang tutugon sa mga pagbabago sa mundo ng paggawa.

Binigyang-diin ni Acting Secretary Ana Dione ang patuloy na pagpupunyagi ng pamahalaan na makamit at mapanatili ang lakas-paggawa na susuporta at tutugon sa mga pangangailangan sa patuloy na pagbabago ng kalagayan ng paggawa.

“Sa integrated, global at digital economy, ang kakayahan ng bansa na tumugon sa pagbabago sa ekonomiya ang dedetermina sa antas ng kanyang competitiveness sa tulong ng kagalingang-pantao na itinatag sa pamamagitan ng mahusay na edukasyon, training at human resource development policies,” aniya.

Tinalakay ni Program Officer Dianne Lynn Respall ng International Labour Organization (ILO) ang katangian ng Fourth Industrial Revolution at ang kanilang human-centered agenda bilang tugon sa pagbabago sa mundo ng paggawa.

Samantala, ipinahayag naman ng mga kinatawan mula sa Commission on Higher Education (CHED), Technical Education and Skills Development Authority (TESDA), Department of Trade and Industry (DTI), at ng Department of Information and Communications Technology (DICT) ang kanilang mga inisyatibo at gawain sa gitna ng pag-unlad ng teknolohiya na nagpapabago sa mundo ng paggawa.

Sinabi ni Director Maria Teresita Semana ng CHED na kanilang itinutugma ang mga programa sa pangangailangan ng industriya, kung saan kanyang idinagdag na taong 2012 nang isinama ang artificial intelligence sa curriculum.

Binigyang-diin naman ni TESDA OIC-Chief Charlyn Justimbaste ang papel ng technical-vocational education sa Fourth Industrial Revolution.

Kanyang sinabi na naghahanda ang ahensiya sa pamamagitan ng pagbibigay ng capacity-building at upskilling ng TVET trainers, pagtatayo ng TESDA Innovation Centers, pagtataas ng qualification standards, pagpapalakas ng TESDA Online Program, at pagsasagawa ng benchmark ng best practices sa pamamagitan ng international cooperation at agreements.

Binigyang-halaga ng parehong ahensiya ang reporma sa edukasyon at habang buhay na pag-aaral bilang instrumento sa paghahanda para sa Fourth Industrial Revolution.

Binigyang-diin ni Undersecretary Rafaelita Aldaba ang Inclusive Innovation Industrial Strategy (I3S) ng DTI, na naglalayong itaguyod ang innovation ecosystem sa Pilipinas, kung saan magtutulungan ang iba’t ibang sektor para makalikha ng mas maraming trabaho at madagdagan ang oportunidad sa negosyo.

Sa kabilang banda, tinalakay ni Director Emmy Lou Versoza-Delfin, ang Digital PH Program ng DTI, na naglalayong makalikha ng IT hubs sa mga probinsiya, higit na mapalakas ang IT-BPM industry sa pamamagitan ng pagbibigay ng iba’t ibang pagsasanay, pagtataguyod ng entrepreneurship sa pamamagitan ng ICT, at pagbibigay ng oportunidad sa mga freelance online sa mga panlalawigang lugar.

Inilahad din ng mga kinatawan mula sa Employers Confederation of the Philippines (ECOP) at ng IndustriALL Global Union ang kanilang mga pananaw ukol sa Fourth Industrial Revolution.

Binigyang-pansin ni ECOP Governor Anton Sayo ang pangangailangan para sa industry-driven demand analysis, work-based learning, talent-need projections, apprenticeship programs, gayundin ang upskilling at reskilling ng mga manggagawa.

Sa kabilang banda, ipinahayag naman ni IndustriALL Global Union National Program Coordinator Ramon Certeza ang pangangailangan para sa tuloy-tuloy na pakikipag-ugnayan sa pamamagitan ng industry-academe-employer-labor linkage; at ang papel ng trade unions sa social dialogue ukol sa sectoral just transition at aktibong partisipasyon sa pagbabantay sa lugar-paggawa.

Bilang pagwawakas, pinaalalahanan ni BLE Director Dominique Tutay na kailangang nasa sentro ang human capital sa mundo ng paggawa at ang pangangailangan na mabawasan ang digital divide sa pamamagitan ng pagtitiyak na ang pagbabago ay makakarating din sa ibang rehiyon, at hindi lamang sa National Capital Region. END/aldm/gmea

 

 

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry