Mas maraming Filpino nurse ngayon ang magkakaroon ng oportunidad na magtrabaho bilang healthcare professional sa Germany sa ilalim ng Triple Win Project sa pagitan ng labor department at ng pamahalaan ng Germany, ayon sa ulat kamakailan ng Philippine Overseas Employment Administration.

 

Batay sa advisory, naghahanap ang International Placement Service of the Government Federal Employment Agency (ZAV/BA) ng 400 kwalipikadong aplikante para malagyan ang mga bakanteng nurse na itatalaga sa ICU, general, at geriatric care wards.
Ang Triple Win Project ay kasunduan ng pamahalaan sa pagitan ng Philippine Overseas Employment Administration (POEA) sa ilalim ng pamumuno ng Department of Labor and Employment (DOLE) at ng Federal Republic of Germany.

 

Makakatanggap ang kwalipikadong nurse ng paunang buwanang sahod na €1,900 (kabuuan) at pagtaas na €2,300 matapos siyang kilalanin bilang kwalipikadong nurse.

Upang maging kwalipikado, ang aplikante ay dapat na Filipino at permanenteng naninirahan sa Pilipinas, may apat na taong professional education sa Bachelor of Science in Nursing, aktibo ang kaniyang Philippine Nursing License at may hindi bababa sa dalawang taong karanasan bilang nurse sa ospital, rehabilitation center at care institution.

Kinakailangan din na ang aplikante ay mayroong German language proficiency at nakahandang sumailalim sa German language training sa Pilipinas upang makamit ang Level B1 (na babayaran ng employer) o mayroong B1 o B2 language proficiency level ayon sa Common European Framework of Reference for Languages.
Nakasaad din sa advisory na sasagutin ng employer ang visa at ang tiket sa eroplano mula Pilipinas patungong Germany sa mga natanggap na nurse at tutulungan ang mga empleyado na makahanap ng maayos na matitirhan. Ngunit sagot na ng napiling nurse ang gastusin sa kanilang tirahan.

Maaaring mag-rehistro online ang mga kwalipikadong aplikante sa www.eregister.poea.gov.ph at personal na isumite ang mga kinakailangang dokumento, tulad ng cover letter at curriculum vitae na may colored passport size picture sa salitang English at, kung maaari, sa salitang German; High School diploma (notarized copy); diploma ng nursing degree (notarized copy); board certificate mula sa Professional Regulation Commission; certificates of employment mula sa dating employers (notarized copy); certificate of German language skills, kung mayroon; at kopya ng balidong passport.

 

Kinakailangang isumite ng aplikante ang mga nasabing dokumento na naka-fastener sa isang folder na may tatak na “Triple Win RSF No. 17003” sa Manpower Registry Division, Windows S and T, Ground Floor, Blas F. Ople Bldg. (dating POEA Bldg.), Ortigas Avenue corner EDSA, Mandaluyong City.

 

Dagdag pa dito, kinakailangang ipakita ng aplikante ang mga orihinal na dokumento para sa pagpapatunay na tama ang nakasaad na impormasyon bago ito ipadala sa employer.

 

Maaaring isumite ng aplikante ang kaniyang aplikasyon sa o bago Mayo 15, 2017.

#Paul Ang/GMEArce

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry