Hinikayat kahapon ni Labor and Employment Secretary Silvestre H. Bello III na gamitin ang serbisyong pang-empleo ng pamahalaan sa paghahanap ng trabaho upang mabawasan ang bilang ng walang trabaho sa ating bansa.

 

“Mas ilalapit namin ang serbisyong pang-empleo sa publiko. Maaaring tingnan ang mga bakanteng trabaho sa PhilJobNet at mag-aplay online. Makikita rin sa PhilJobNet ang iskedyul ng job fair sa online portal upang personal na magtungo sa mga job fair sa kani-kanilang lugar,” ani Bello.

 

Ang PhilJobNet ay isang internet-based job and applicant matching system ng Department of Labor and Employment.

 

Para sa mga naghahanap ng trabaho at nagnanais mag-aplay online, may nakatalang 7,660 bakanteng trabaho sa PhilJobNet para sa linggong ito. Nakatala din ang 1,823 akreditong employer na nag-aalok ng bakanteng trabaho at 23,062 aktibong naghahanap ng trabaho.

 

Kabilang sa mga pangunahing bakanteng posisyon ay ang call center agent – 3,456; customer service assistant – 719; professional nurse (general) – 495; service crew – 306; food server – 275; cashier – 262; staff nurse – 233; laborer – 200; truck driver – 195; at waiter (general) – 178.

 

Ang iba pang nakatalang bakanteng posisyon ay salesman – 178; manufacturing laborer – 151; market salesperson – 140; accounting assistant – 134; dental nurse – 130; non-formal education teacher – 129; customer relations officer – 123; office clerk – 120; hospital aide – 120; at physical therapist – 116.

 

Makikita rin sa PhilJobNet ang listahan ng special job categories tulad ng internship jobs; online o home-based jobs; government jobs; overseas jobs; at trabaho para sa mga nagtapos ng high school, kababaihan, senior citizens, differently-abled o persons with disabilities, mga manggagawang nawalan ng trabaho (lokal), at balikbayan o mga umuwing overseas Filipino worker (OFW).

 

Sino mang indibidwal na naghahanap ng trabaho at may edad na hindi bababa sa 15 taon ay maaaring mag-rehistro sa PhilJobNet, samantalang maaari namang mag-rehistro bilang employer ang anumang establisyamento na kinikilala ng Philippine business authorizing agencies at may kasalukuyang Tax Identification Number (TIN).

 

Makikita rin sa PhilJobNet ang iskedyul ng mga job fair sa buong bansa.

 

Para sa natitirang linggo ng Mayo, magsasagawa ng walong job fair ang DOLE sa pangangasiwa ng Bureau of Local Employment (BLE), sa pakikipagtulungan ng iba’t ibang lokal na pamahalaan, Public Employment Service Offices (PESOs), at ng higher education institutions (HEIs).

 

Pinaalalahanan ni Bello ang mga aplikante na magdala ng mga sumusunod na dokumento: resume o curriculum vitae (magdala ng karagdagang kopya para sa iba’t ibang aplikasyon); 2 x 2 ID pictures; certificate of employment para sa mga dating nagtatrabaho; diploma at/o transcript of records; at authenticated birth certificate.

 

Ang mga sumusunod ang iskedyul ng gaganaping job fairs:

 

Mayo 23–University of Southeastern Philippines Gymnasium and Cultural Center, Bo. Obrero, Davao City (Davao Region);

 

Mayo 24–Farmers Training Center, Musuan, Maramag, Bukidnon (Northern Mindanao);

 

Mayo 26–Cordon Community Center, Isabela (Cagayan Valley); Tacurong City Cultural and Sports Center, Sultan Kudarat (SOCCSKSARGEN); Oton Multi-Purpose Gym, Oton, Iloilo (Western Visayas);

 

Mayo 27–Brgy. Lahug Sports Complex, Cebu City (Central Visayas);

 

Mayo 31–University of Southern Mindanao Kabacan Gymnasium, Kabacan, North Cotabato (SOCCSKSARGEN); Capitol Atrium, Capitol Bldg., Bangued, Abra (Cordillera Administrative Region)

 

Para sa karagdagang bakanteng trabaho at iba pang serbisyong pang-empleo, maaaring mag-log on sa http://philjobnet.gov.ph/

 

END/aldm/GMEArce

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry