DOLE warns vs. fraud in livelihood, emergency assistance

 

The labor department on Monday warned the public against the modus of some unscrupulous groups and individuals who are asking for money in exchange for the availment of assistance on livelihood and emergency employment programs.

 

Labor Secretary Silvestre Bello III issued the warning after the department received reports of irregularities in the implementation of the DOLE Integrated Livelihood and Emergency Program (DILEEP), particularly the collection and solicitation of money from would-be beneficiaries by using DOLE’s Beneficiary Profile.

 

“Please be advised that the DOLE does not authorize any individual or group to collect or solicit money to avail of assistance under the DILEEP. We strongly condemn such practice, and recommend that the public not to respond to such solicitations,” Bello said.

 

He also said that there are no membership and transaction fees in facilitating the processing of pre and post project implementation documents under the said program.

 

The labor chief urged the public to report any fraudulent incidents or any information on the unscrupulous individual or groups to the nearest regional/provincial or field office.

 

DILEEP is a program supervised by the Bureau of Workers with Special Concerns that provides additional income and alternative employment to the poor, vulnerable and marginalized workers.

 

END/Abegail De Vega

 

=======================================

 

DOLE nagbabala laban sa pekeng livelihood, emergency assistance

Nagbabala ang Department of Labor and Employment (DOLE) sa publiko laban sa modus ng ilang tiwaling grupo at indibidwal na nanghihingi ng pera kapalit ng pagbibigay umano sa kanila ng mga tulong pangkabuhayan at emergency employment program.

Inisyu ni Labor Secretary Silvestre Bello III ang babala kasunod ng mga natanggap na ulat ng umano’y iregularidad sa pagpapatupad ng DOLE Integrated Livelihood and Emergency Program (DILEEP), partikular sa koleksyon at panghihingi ng pera sa mga benepisyaryo sa pamamagitan ng kanilang DOLE Beneficiary Profile.

“Inaabisuhan ng DOLE ang publiko na walang sinuman o grupo ang pinahihintulutang kumolekta o manghingi ng anumang kabayaran kapalit ng pagbibigay ng tulong sa ilalim ng DILEEP. Mahigpit naming kinokondena ang ganitong gawain at pinapayuhan ang publiko na huwag maniwala sa mga nanghihingi ng solicitation,” wika ni Bello.

Dagdag pa niya, wala ring membership o transaction fee upang maiproseso ang mga dokumento para sa pre at post project implementation sa ilalim ng nasabing programa.

Hinikayat ng kalihim ang publiko na agad na ireport sa pinakamalapit na regional/provincial o field office ang anumang kahalintulad na insidente o anumang impormasyon sa mga iligal na indibidwal o grupong ito.

Ang DILEEP ay isang programang pinamamahalaan ng Bureau of Workers with Special Concerns na nagbibigay ng karagdagang kita at alternatibong trabaho sa mga mahihirap, vulnerable at marginalized na manggagawa.

END/Abegail De Vega/ Paul Ang

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry