News Release
Department of Labor and Employment
April 23, 2021

DOLE warns public vs illegal POGOs

The Department of Labor and Employment is warning the public against the illegal recruitment being perpetrated by certain Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) in the country.

This was after the Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) verified that certain Chinese companies are operating in the country as POGO without license, accreditation, nor pending application with its Online Gaming and Licenses Department (OGLD).

In a report from the Philippine National Police-Anti-Kidnapping Group (PNP-AKG), a Taiwanese identified as Wu Keng-Hao, went to the country last February 26, 2021 to work for an online gaming company.

Wu told the police that he was lured to apply to work for POGO through a social media account of Chinese firm Yinghuang Yule which promised a 13,000 Renminbi (P97,000) monthly salary.

Upon arrival in the country, he was brought to a hotel in Pasay for the mandatory quarantine. He was later on kept in a budget hotel in Paranaque City and was turned into a POGO work slave’ after he was sold twice to two different Chinese groups, identified as Yinghuang Yule and 3 + 7 Company, who are not authorized to operate as POGO in the Philippines.

The report also said that the Taiwanese victim was only rescued by the police on March 2, 2021 after he called his relatives in Taiwan, who in turn sought the assistance of Taipei Economic and Cultural Office (TECO). It was TECO officials who informed the PNP-AKG on the ordeal experienced by the victim.

According to PNP-AKG, the “slave trade” has already been the modus of POGO firms during the past years. Chinese or Taiwanese nationals would be lured through social media accounts and will be recruited as POGO workers. These companies would often compensate them lower than what was agreed upon and if they refuse, they will be abducted and call their families for ransom.

Labor Secretary Silvestre Bello III warned the public of unscrupulous groups specifically those who promise to give attractive salary packages but have caused them serious financial and emotional problems.

To avoid being defrauded, the Labor Chief advised the public to be very careful in dealing with similar groups who are using social media in their recruitment activities.

Bello emphasized that “It would be prudent to verify first the registration of such companies with relevant government agencies prior to engaging with them.” # # #

========================================

DOLE binalaan ang publiko laban sa iligal na POGO

Naglabas ng babala ang Department of Labor and Employment sa publiko laban sa illegal recruitment na isinasagawa ng Philippine Offshore Gaming Operator (POGO) sa bansa.

Ito ay matapos tiyakin ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) na ilang kompanya ng Chinese sa ating bansa ang nagpapatakbo ng POGO ng walang lisensiya, akreditasyon, o nakabinbin ang aplikasyon sa Online Gaming and Licenses Department (OGLD).

Sa ulat mula sa Philippine National Police-Anti-Kidnapping Group (PNP-AKG), isang Taiwanese, na kinilala bilang Wu Keng-Hao, ang dumating sa ating bansa noong Pebrero 26, 2021 para magtrabaho sa isang online gaming company.

Sinabi ni Wu sa mga pulis na hinimok siyang mag-aplay ng trabaho sa POGO sa pamamagitan ng social media account ng isang Chinese firm Yinghuang Yule na nangako ng buwanang sahod na 13,000 Renminbi (P97,000).

Sa kanyang pagdating ng bansa, siya ay dinala sa isang hotel sa Pasay para sa mandatoryong quarantine. Matapos nito siya ay itinago sa isang budget hotel sa Paranaque City at pinagtrabaho bilang POGO worker matapos siyang ibenta ng dalawang beses sa dalawang magkaibang grupo ng Chinese, na kinilala bilang Yinghuang Yule at 3 + 7 Company, mga hindi awtorisadong magpatakbo ng POGO sa Pilipinas.

Nakasaad din sa ulat na ang biktimang Taiwanese ay nasagip ng mga pulis noong Marso 2, 2021 matapos itong tumawag sa kanyang kamag-anak sa Taiwan, na siyang humingi ng tulong sa Taipei Economic and Cultural Office (TECO). Ang mga opisyal ng TECO ang nagbigay ng impormasyon sa PNP-AKG sa dinanas ng biktima.

Ayon sa PNP-AKG, ang “slave trade” ang modus ng mga kompanyang POGO nitong mga nakaraang taon. Hihimukin ang mga Chinese o Taiwanese gamit ang social media account at ire-rekrut para magtrabaho sa POGO. Babayaran sila ng mga kompanyang ito ng sahod na mas mababa sa napagkasunduan at kapag sila ay tumanggi sila ay dudukutin at tatawagan ang kanilang pamilya para hingan ng ransom.

Binalaan ni Labor Secretary Silvestre H. Bello III ang publiko sa mga mapanlokong grupo partikular iyong mga nangangako ng magandang sahod ngunit bibigyan lamang sila ng problemang pinansiyal at emosyonal.

Para maiwasan na maloko, pinayuhan ng Kalihim ang publiko na maging maingat sa pakikipag-usap sa mga katulad na grupo na ginagamit ang social media para sa kanilang pagre-rekrut.

Binigyang-diin ni Bello na “Kailangan muna nilang iberipika ang rehistro ng mga ganitong kompanya mula sa mga kinauukulang ahensiya ng gobyerno bago makipag-transaksiyon sa mga ito.” # # #

 

 

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry