News Release
Department of Labor and Employment
June 2, 2021

DOLE urges biz sector to acquire safety seal

Private establishments may now apply for a safety certification to confirm their compliance with minimum public health standards set by the government.

In a statement, Labor Secretary Silvestre Bello III said businesses bearing the safety seal assure that they are practicing the minimum health protocols, such as social distancing and the use of a contact-tracing application, particularly the StaySafe.PH application, among others.

StaySafe.PH is the country’s official health condition reporting, contact tracing, and social distancing system authorized by the Interagency Task Force on Management of Emerging Infectious Diseases and the National Task Force Against COVID-19.

Promote safe economy

Bello said the safety seal initiative is vital in the national goal of safely reopening the economy.

“With the safety seal certification program in place, we are assuring the public, especially our workers, that they are safe and protected outside their homes, even if we allow our economy to fully reopen,” the labor chief said.

“While the application is voluntary, I highly encourage our private business owners to seek for the safety certification to help increase public confidence,” Bello urged, further noting that obtaining the safety seal is free of charge.

The Department of Labor and Employment (DOLE) will issue the certification for establishments in the manufacturing, construction, utilities, information and communication, and warehousing industries.

Other designated issuing authorities are the Department of Trade and Industry, Department of Tourism, Department of Interior and Local Governance, Philippine National Police, and the different local government units.

Boost worker’s confidence

Labor Assistant Secretary and Bureau of Working Conditions Director Ma. Teresita Cucueco said earlier that the safety seal will also boost worker’s confidence in the safety at their workplace.

“If their companies comply with the minimum public health standards, protocols, and other requirements of the safety seal, workers would be more confident to say that ‘yes, our workplace is safe and when I go to work, I will be assured that my risk to acquire COVID will be very low,’” Cucueco said.

To ensure strict and continual compliance to health protocols, the certification will only be valid for six months from the date of its issuance—except for tourism establishments, which certifications are valid for a year—and has to be renewed a month before expiration.

Establishments who wish to apply for the safety seal certification may visit SAFETY SEAL CERTIFICATION or inquire via the DOLE Hotline 1349. Carla P. San Diego

=================================================

 

DOLE hinimok ang mga negosyante na kumuha ng safety seal

Maaari nang mag-apply ng safety seal certification ang mga pribadong establisimyento bilang tanda na sumusunod sila sa minimum public health standards na itinakda ng pamahalaan.

Sa isang pahayag, sinabi ni Labor Secretary Silvestre H. Bello III na tinitiyak ng mga negosyong napagkalooban ng safety seal certificate na sumusunod sila sa minimum health protocols, tulad ng social distancing at paggamit ng contact-tracing application, partikular ang StaySafe.PH application, bukod pa sa iba.

Ang StaySafe.PH ang opisyal na tagapag-ulat ng kondisyong pangkalusugan ng bansa, contact tracing at social distancing system na pinahintulutan ng Interagency Task Force on the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF) at ng National Task Force Against COVID-19.

Itaguyod ligtas na ekonomiya 

Sinabi rin ni Bello na ang safety seal ay isang mahalagang inisyatibo ng pamahalaan na naglalayon maging ligtas ang muling pagbubukas ng ekonomiya.

“Sa pamamagitan ng safety seal certification program, tinitiyak natin sa publiko, lalo na sa ating mga manggagawa na sila ay ligtas at protektado sa sandaling lumabas sila ng kanil-kanilang tahanan, at kahit pa pahintulutan natin ang ganap na muling pagbubukas ng ating ekonomiya,” wika ng kalihim.

“Bagamat boluntaryo ang aplikasyon, hinihikayat ko ang ating mga pribadong negosyo at establisimiyento na kumuha ng safety certification para tumaas ang kumpiyansa ng publiko”, paghimok ni Bello. “Libre naman po ang pagkuha ng safety seal certification”, dagdag pa ng kalihim.

Ang Department of Labor and Employment (DOLE) ang siyang mag-iisyu ng sertipikasyon sa mga establisimiyento sa sektor ng manufacturing, construction, utilities, information and communication, at warehousing industry.

Ang iba pang tanggagpan ng pamahalaan na itinalagang mag-isyu nito ay ang Department of Tourism (DOT), Department of Interior and Local Government (DILG), Philippine National Police (PNP), at ang mga local government units (LGUs).

Palakasin ang kumpiyansa ng mga manggagagawa

Una nang ipinahayag ni Labor Assistant Secretary at Bureau of Working Conditions Director Ma. Teresita Cucueco na ang safety seal ay makakapagpalakas ng kumpiyansa ng mga manggagagawa na sila ay ligtas sa kani-kanilang lugar paggawa.

“Kung ang kanilang kompanya ay sumusunod sa minimum public health standards, protocols, at iba pang mga kinakailangan  para sa safety seal, mas kumpiyansa ang mga manggagawa na sabihing, “Oo, ligtas ang aking pinagtatrabahuhan, at sigurado ako  na mababa ang tsansa  na mahahawa ako ng COVID-19,” pahayag  pa ni Cucueco.

Upang matiyak ang mahigpit at tuloy-tuloy na pagsunod sa health protocols, may bisa  lamang ang sertipikasyon sa loob ng anim na buwan mula sa petsa ng ito ay ma-isyu—maliban sa mga establisimiyento sa turismo, kung saan ang sertipikasyon ay epektibo sa loob ng isang taon—at dapat ma-renew isang buwan bago ito mag expire.

Para sa mga establisimiyento na nagnanais mag-apply ng safety seal certification, pinapayuhan silang bisitahin ang SAFETY SEAL CERTIFICATION website ng Bureau of Working Conditions o tumawag sa DOLE Hotline 1349.   Carla P. San Diego/gmea

 

 

 

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry
51