News Release
Department of Labor and Employment
November 5, 2019


DOLE ups aid to quake victims

The labor department raised to P200 million the initial employment assistance for workers affected by last week’s earthquakes in Mindanao.

Labor Secretary Silvestre Bello III also requested the board of the Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) to approve the release of cash assistance to families of OFWs in the area.

During his visit to quake-stricken areas on Sunday, Bello directed senior officials and DOLE regional offices to expedite emergency employment for displaced workers and livelihood assistance to workers in the informal sector which he estimated may reach P500 million.

“Last Sunday, I was in Davao City and met with our regional directors and [OSHC] Director Noel Binag, and we discussed the extent of the damage of the earthquake with other agencies,” he said.

He added, “We may need more than P500 million to cover all those needing assistance and emergency employment in the affected areas.” In the meantime, he said, “We can use up over P200 million of our available assistance funds for this purpose.”

Bello also said that following his request, OWWA is set to provide calamity assistance for the families of OFWs who are active OWWA members in the quake-hit areas.

“The OWWA board has decided to give P3,000 per family of OFW in the areas hit by the earthquake, so, for those who have OFW relatives, please tell them that they are entitled to a financial assistance from OWWA,” he said.

For more information on availing the said assistance, qualified beneficiaries were advised to visit their nearest OWWA or DOLE regional and field offices, or call the OWWA hotline 1348.

Bello earlier dispatched senior labor officials and quick response teams to areas in Mindanao severely hit by the 6.5 magnitude earthquake to assess the situation and provide assistance to the affected workers. #Paul Ang

==============================================

Tulong ng DOLE sa mga biktima ng lindol, itinaas

Itinaas ng Department of Labor and Employment sa P200 milyong piso ang inisyal na employment assistance para sa mga manggagawa na apektado ng lindol sa Mindanao noong nakaraang linggo.

Hiniling rin ni Labor Secretary Silvestre Bello III sa board ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) na ma-aprubahan ang paglalabas ng cash assistance para sa pamilya ng mga OFW sa nasabing lugar.

Sa pagbisita niya sa mga lugar na tinamaan ng lindol nitong Linggo, inatasan ni Bello ang mga senior official at DOLE regional office na pabilisin ang pagbibigay ng emergency employment para sa mga manggagawang nawalan ng trabaho at tulong pangkabuhayan para sa mga manggagawa sa impormal na sektor na tinatayang aabot sa P500 milyong piso.

“Nitong Linggo nagtungo ako sa Davao City upang makipagpulong sa mga regional director at kay [OSHC] Director Noel Binag, at pinag-usapan namin ang lawak ng pinsalang idinulot ng lindol kasama ang iba pang mga ahensya,” wika ni Bello.

Dagdag pa niya, “Kakailanganin pa natin ng higit sa P500 milyon upang matulungan ang lahat ng mga nangangailangan at makapagbigay ng emergency employment sa mga apektadong lugar.” Sinabi pa niya na, “Maaari nating magamit ang tinatayang P200 milyong pondo para sa layuning ito.”

Ayon kay Bello kasunod ng kanyang kahilingan, nakatakdang magbigay ng calamity assistance ang OWWA sa mga pamilya ng OFW na mga aktibong miyembro ng OWWA sa mga lugar na tinamaan ng lindol.

“Nagdesisyon ang OWWA board na magbigay ng P3,000 kada pamilya ng OFW sa mga lugar na tinamaan ng lindol, at para sa mga may kamag-anak na OFW, pakisabihan niyo sila na mayroon silang matatanggap na financial assistance mula sa OWWA,” ayon pa kay Bello.

Para sa karagdagang impormasyon upang makakuha ng nasabing tulong, hinihikayat na bumisita ang mga kuwalipikadong benepisyaryo sa pinakamalapit na OWWA o DOLE regional at field office, o tumawag sa OWWA hotline 1348.

Una ng nagpadala si Bello ng mga senior labor official at quick response team sa mga lugar sa Mindanao na tinamaan ng 6.5 magnitude na lindol upang masuri ang sitwasyon at makapagbigay ng tulong sa mga apektadong manggagawa. #Paul Ang

 

 

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry
1