News Release
Department of Labor and Employment
April 11, 2023

DOLE to spearhead Labor Day with gov’t aid, Kadiwa, nationwide job fairs 

In celebration of the 121st Labor Day, the Department of Labor and Employment has lined-up three major activities to honor the Filipino workers – the Kadiwa ng Pangulo Para sa Manggagawa, the awarding of government assistance to workers, and the conduct of nationwide simultaneous job fairs.

The activities will be held on May 1 in 16 regional sites, with the National Capital Region (NCR) as the main event site.

In partnership with the Department of Trade and Industry (DTI) and the Department of Agriculture (DA), the labor department will host the Kadiwa ng Pangulo Para sa Manggagawa to help workers access commodities at lower prices.

Kadiwa, which is spearheaded by DA, enables the farming community to sell goods directly to consumers without the trader-intermediaries, allowing them to reap higher profits while still offering quality products at an affordable price to consumers.

The labor department will also lead the payout of assistance/salaries to beneficiaries of the Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers (TUPAD) program, Special Program for Employment of Students (SPES), and Government Internship Program (GIP) across the regions.

Meanwhile, to facilitate employment, simultaneous job fairs will be conducted in various SM and Robinsons malls nationwide, with the main job fair site in NCR.

This early, the Department is encouraging jobseekers to be ready with their application requirements, such as resume or curriculum vitae, certificate of employment for those formerly employed, diploma, and transcript of records.

Other government agencies, such as the DTI, Technical Education and Skills Development Authority (TESDA), Professional Regulation Commission (PRC), Department of Foreign Affairs (DFA), and Department of Migrant Workers (DMW); and pre-employment service agencies, like the Philippine Statistics Authority (PSA), National Bureau of Investigation (NBI), Bureau of Internal Revenue (BIR), Social Security System (SSS), Pag-IBIG, Philhealth, and Philippine Postal Corporation will provide services during the event.

This year’s Labor Day is observed with the theme, “Pabahay, Bilihing Abot-Presyo, Benepisyo ng Matatag na Trabaho Para sa Manggagawang Pilipino.” END/ aldm

=================================================

DOLE, pangungunahan ang Labor Day sa pamamahagi ng tulong ng pamahalaan, KADIWA, job fair sa buong bansa 

Sa pagdiriwang ng ika-121 Araw ng Paggawa, tatlong pangunahing aktibidad ang inihanda ng Department of Labor and Employment para parangalan ang mga manggagawang Pilipino – ang Kadiwa ng Pangulo Para sa Manggagawa, ang paggawad ng tulong ng pamahalaan sa mga manggagawa, at ang pagsasagawa ng sabay-sabay na job fair sa buong bansa.

Gaganapin ito sa ika-1 ng Mayo sa 16 na rehiyon, kung saan ang National Capital Region (NCR) ang pangunahing lugar ng selebrasyon.

Sa pakikipagtulungan ng Department of Trade and Industry (DTI) at ng Department of Agriculture (DA), pangungunahan ng labor department ang pagsasagawa ng Kadiwa ng Pangulo Para sa Manggagawa upang matulungan ang mga manggagawa na makabili ng mga produkto sa abot-kayang presyo.

Ang Kadiwa, na pinamumunuan ng DA, ay nagbibigay-daan sa mga magsasaka upang direktang maibenta ang kanilang mga produkto sa mga mamimili nang walang tagapamagitan, at nagbibigay sa kanila ng mas malaking kita habang nag-aalok ng mga de-kalidad na produkto sa abot-kayang halaga sa mga mamimili.

Pangungunahan din ng labor department ang pamamahagi ng tulong sa pamamagitan ng suweldo sa mga benepisyaryo ng programang Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers (TUPAD), Special Program for Employment of Students (SPES), at Government Internship Program (GIP) sa buong rehiyon.

Samantala, para mas mabilis ang pangangasiwa ng trabaho, magsasagawa ng magkakasabay na job fair sa iba’t-ibang SM at Robinson’s mall sa buong bansa, kung saan ang pangunahing job fair site ay sa NCR.

Hinihikayat na ng Kagawaran ang mga naghahanap ng trabaho na maging handa sa mga kinakailangang dokumento sa kanilang aplikasyon, tulad ng resume o curriculum vitae, certificate of employment para sa mga dating nagtatrabaho, diploma, at transcript of records.

Magbibigay din ng kani-kanilang serbisyo ang iba pang ahensya ng pamahalaan, tulad ng DTI, Technical Education and Skills Development Authority (TESDA), Professional Regulation Commission (PRC), Department of Foreign Affairs (DFA), at Department of Migrant Workers (DMW); at pre-employment service agencies, tulad ng Philippine Statistics Authority (PSA), National Bureau of Investigation (NBI), Bureau of Internal Revenue (BIR), Social Security System (SSS), Pag-IBIG, Philhealth, at Philippine Postal Corporation sa nasabing okasyon.

Ang selebrasyon sa Araw ng Paggawa ngayong taon ay may temang, “Pabahay, Bilihing Abot-Presyo, Benepisyo ng Matatag na Trabaho Para sa Manggagawang Pilipino.” END/ aldm/ gmea

 

 

 

 

 

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry