News Release
Department of Labor and Employment
August 24, 2021

DOLE to probe union busting in mobile firm

The Department of Labor and Employment (DOLE) yesterday vowed to investigate allegations of union busting in a mobile phone company.

Labor Secretary Silvestre Bello III said he wants to find out if there is truth to claims that former employees of Vivo Tech, Inc. were terminated because they formed a union.

Earlier, more than 200 disgruntled employees of Vivo Tech staged a protest rally at DOLE in Intramuros to call the attention of labor officials.

During the mass action, the workers said Vivo Tech fired a total of 689 regular employees without legal basis. “The company’s alibi is that we were retrenched due to business losses but that’s untrue,” one of the protesters said.

“How can that be when each of us were selling 50 units of cellphones equivalent to P300,000 per month? They’re earning. Our termination from work has no legal cause,” another protester said.

It was learned the workers recently formed a union and had a collective bargaining agreement (CBA) with the management of the company. However, the firm failed to comply with its obligations.

They lamented that instead of resolving the matter, the management fired them before conducting mass hiring through a manpower agency.

“That’s a very sad story during the pandemic. But we need to get all the information about this so we can act on it accordingly,” Bello, who is working at home in Isabela to complete his quarantine after testing positive for COVID-19, said.

“Before anything, I call on the dismissed workers to formally file a complaint at DOLE so we can fully execute our job on the matter,” Bello said.

The Labor chief said the company will be dealt with accordingly if it turns out to be a union buster. ###

=========================================

DOLE iimbestigahan union busting sa mobile firm

Nangako ang Department of Labor and Employment (DOLE) na iimbestigahan ang alegasyon na union busting sa isang mobile phone company.

Sinabi ni Labor Secretary Silvestre Bello III na nais niyang malaman kung may katotohanan sa pahayag ng dating empleyado ng Vivo Tech, Inc. na tinanggal sila sa trabaho dahil nagbuo sila ng unyon.

Una dito, mahigit 200 apektadong empleyado ng Vivo Tech ang nagsagawa ng protesta sa DOLE, sa Intramuros, Maynila  para mapansin ng mga opisyal ng kagawaran.

Sa kanilang protesta, sinabi ng mga manggagawa na tinanggal ng Vivo Tech nang walang legal na batayan ang 689 regular na empleyado nito. “Ang alibi ng kompanya ay na-retrench kami dahil nalulugi ang negosyo ngunit hindi ito totoo,” pahayag ng isa sa mga nagpoprotesta.

“Paano ito mangyayari kung ang bawat isa sa amin ay nakakapagbenta ng 50 unit ng cellphone na katumbas ng P300,000 kada buwan? Kumikita sila. Ang pagtanggal sa amin sa trabaho ay walang legal na dahilan,” sinabi ng isa pang nagpoprotesta.

Napag-alaman na ang mga manggagawa kamakailan ay bumuo ng unyon at nagkaroon ng collective bargaining agreement (CBA) sa management ng kompanya. Gayumpaman, nabigo ang kompanya na sundin ang kanilang obligasyon.

Ikinalungkot nila na sa halip na lutasin ang problema, tinanggal sila ng management bago ito nagsagawa ng mass hiring sa pamamagitan ng manpower agency.

“Nakakalungkot ang kuwentong ito ngayong panahon ng pandemya. Ngunit kailangan nating makuha ang lahat ng impormasyon ukol dito bago tayo magsagawa ng nararapat na hakbangin,” wika ni Bello, na nagtatrabaho sa kanyang tahanan sa Isabela para makumpleto ang kanyang quarantine matapos itong maging positibo sa COVID-19.

Ayon pa sa kalihim, “Bago ang lahat, nananawagan ako sa mga manggagawang natanggal sa trabaho na pormal na mag-sumite ng kanilang reklamo sa DOLE upang ganap naming maisagawa ang aming trabaho ukol sa bagay na ito.”

Sinabi din ng kalihim na may kakaharaping parusa ang kumpaniya sakaling mapatunayan na mayroon itong paglabag o ito ay “union buster” na labag sa itinatakda ng batas. ###

 

 

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry
5