News Release
Department of Labor and Employment
August 17, 2022

DOLE to help boost tourism jobs

The Department of Labor and Employment (DOLE) is pursuing a collaboration with the Department of Tourism (DOT) to boost employment in the hospitality industry.

Labor Secretary Bienvenido Laguesma said findings by the DOT revealed tourism stakeholders led by hotel establishments are lacking manpower.

According to Laguesma, the collaboration will involve the holding of job fairs in various parts of the country in coordination with the regional offices of DOLE and DOT and the local government units.

“It will be a series of job fairs to be held in various cities and provinces with initial focus in Metro Manila, Cebu and Davao,” Laguesma said.

The Labor chief said a memorandum of understanding (MOU) will be issued to formalize the collaboration of the two agencies for the job fairs.

“What we’re about to undertake aims to support the government’s economic recovery program by providing a platform for job seekers for job opportunities in various tourism sectors and allied services,” Laguesma said.

“Through the job fairs, we can help organizations find the best candidates for their vacancies, thus bridging industry gaps,” he added.

Dubbed ‘Trabaho Turismo Asenso’, the project is set to be launched on September 22-24, Laguesma said.

This early, Laguesma said DOLE is already coordinating with the Philippine Hotel Owners Association (PHOA) for the specific types of jobs required and the number of vacancies in the sector.

During their ‘listening tours’, the DOT learned establishments in the tourism industry significantly need more workers. ### OD

===================================================

DOLE tutulong sa pagpapalakas ng trabaho sa turismo

Makikipagtulungan ang Department of Labor and Employment sa Department of Tourism (DOT) para palakasin ang trabaho sa hospitality industry.

Sinabi ni Labor Secretary Bienvenido Laguesma na napag-alaman ng DOT mula sa pahayag ng mga stakeholder ng turismo, sa pangunguna ng mga hotel establishment, ang kakulangan sa mga manggagawa sa industriya.

Ayon kay Laguesma, kasama sa pakikipagtulungan ang pagdaraos ng mga job fair sa iba’t ibang bahagi ng bansa sa pakikipag-ugnayan sa mga regional offices ng DOLE at DOT at mga lokal na pamahalaan.

“Ito ay isang serye ng mga job fair na gaganapin sa iba’t ibang lungsod at lalawigan, kung saan  ang unang pagtutuunan ay ang ang Metro Manila, Cebu at Davao,” wika ni Laguesma.

Sinabi  ng Kalihim na maglalabas sila ng memorandum of understanding (MOU) para gawing pormal ang pagtutulungan ng dalawang ahensiya sa pagdaros ng job fair.

“Ang aming gagawin ay naglalayong suportahan ang programang pang ekonomiya ng pamahalaan sa pamamagitan ng pagbibigay ng isang plataporma para sa mga naghahanap ng trabaho at  oportunidad  sa iba’t ibang sektor ng turismo at mga kaalyadong serbisyo,” pahayag ni Laguesma.

“Sa pamamagitan ng mga job fair, matutulungan natin ang mga establisimyento na makahanap ng mga pinakamahusay na kandidato para sa kanilang mga bakanteng posisyon upang madugtungan natin ang mga kakulangan sa industriya,” dagdag niya.

Ang proyekto na tinaguriang ‘Trabaho Turismo Asenso’ ay nakatakdang ilunsad sa Setyembre 22-24, ani Laguesma.

Sinabi ni Laguesma na ngayon palang ay nakikipag-ugnayan na ang DOLE sa Philippine Hotel Owners Association (PHOA) para sa mga partikular na uri ng trabahong kailangan at ang bilang ng mga bakanteng trabaho sa sektor.

Sa kanilang mga ‘listening tour’, napag-alaman ng DOT na nangangailangan ng mas maraming manggagawa ang mga establisimyento sa industriya ng turismo. ### OD/ gmea

 

 

 

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry
3