News Release
Department of Labor and Employment
October 29, 2022

DOLE to employers: Observe proper pay rules on October, November holidays

The labor department reminded employers in the private sector to comply with their legal obligation in providing proper wages to their workers for the declared holidays in October and November 2022.

This as Secretary Bienvenido E. Laguesma issued Labor Advisory No. 21, series of 2022, which specifies the proper computation of workers’ wages for the declared special (non-working) days on October 31 and November 1, special (working) day on November 2, and the regular holiday on November 30.

Proclamation No. 79 declares October 31 as a special (non-working) day, while Proclamation No. 1236 declares November 1 as a special (non-working) day for the commemoration of All Saints’ Day, November 2 as a special (working) day for All Soul’s Day, and November 30 as a regular holiday for Bonifacio Day.

The advisory prescribes that for the special (non-working) days on October 31 and November 1, the following pay rules shall apply:

If the employee did not work, the “no work, no pay” principle shall apply, unless there is a favorable company policy, practice, or collective bargaining agreement (CBA) granting payment on a special day.

For work done during the special day, he/she shall be paid an additional 30 percent of his/her basic wage on the first eight hours of work (basic wage x 130%).

For work done in excess of eight hours (overtime work), he/she shall be paid an additional 30 percent of his/her hourly rate on the said day (hourly rate of the basic wage x 130% x 130% x number of hours worked).

If an employee works on a special day that also falls on his/her rest day, he/she shall be paid an additional 50 percent of his/her basic wage on the first eight hours of work (basic wage x 150%).

For overtime work on a special day that also falls on his/her rest day, he/she shall be paid an additional 30 percent of his/her hourly rate on the said day (hourly rate of the basic wage x 150% x 130% x number of hours worked).

While for the declared special (working) day on November 2, the labor advisory states that should a worker report for duty, the employee is entitled to receive only his/her daily wage and no premium pay is required since it is considered an ordinary working day.

On the other hand, the following computation is required to be paid for workers who will perform their jobs during the regular holiday on November 30:

If the employee did not work, he/she shall be paid 100 percent of his/her wage for that day, provided he/she worked or was on leave of absence with pay on the day immediately preceding the regular holiday. The computation is basic wage x 100 percent.

Where the day immediately preceding the regular holiday is a non-working day in the establishment or the scheduled rest day of the employee, he/she shall be entitled to holiday pay if he/she worked or was on leave of absence with pay on the day immediately preceding the non-working day or rest day.

Meanwhile, for work done during the regular holiday, the employee shall be paid 200% of his/her wage for the first eight hours (basic wage x 200 percent).

For overtime work, he/she shall be paid an additional 30 percent of his/her hourly rate (hourly rate of the basic wage x 200% x 130% x number of hours worked).

If an employee worked on a regular holiday that also falls on his/her rest day, he/she shall be paid an additional 30 percent of his/her basic wage of 200 percent or (basic wage x 200 percent x 130 percent).

For overtime work on a regular holiday that also falls on his/her rest day, he/she shall be paid an additional 30 percent of his/her hourly rate on the said day (hourly rate of the basic wage x 200 percent x 130 percent x 130 percent x number of hours worked). END/ aldm

=======================================================

DOLE sa mga employer: Sundin tamang sahod sa holiday ngayong Oktubre, Nobyembre

Pinaalalahanan ng labor department ang mga employer sa pribadong sektor na sundin ang kanilang legal na obligasyon sa pagbibigay ng wastong sahod sa kanilang mga manggagawa para sa idineklarang holiday sa Oktubre at Nobyembre 2022.

Ito ay alinsunod  sa inilabas ni Secretary Bienvenido E. Laguesma na Labor Advisory No. 21, series of 2022, na nagtatakda ng wastong pasahod sa mga manggagawa para sa mga idineklarang special (non-working) days sa Oktubre 31 at Nobyembre 1, special (working) day sa Nobyembre 2, at ang regular holiday sa Nobyembre 30.

Idineklara sa Proclamation No. 79 na  special (non-working) day sa Oktubre 31, samantalang Idineklara sa Proclamation No. 1236 ang Nobyembre 1 bilang special (non-working) day para sa pag-alala sa Araw ng mga Patay, Nobyembre 2 bilang special (working) day para sa Araw ng mga Kaluluwa, at Nobyembre 30 bilang regular holiday sa pagdiriwang ng Araw ni Bonifacio.

Nakasaad sa advisory na para sa special (non-working) day sa Oktubre 31 at Nobyembre 1, ang mga sumusunod na patakaran ang dapat sundin:

Kung hindi nagtrabaho ang empleyado, ang “no work, no pay” ang dapat sundin, maliban na lamang kung may polisiya o CBA ang kompanya na nagbibigay ng sahod para sa nasabing araw.

Para sa trabahong ginampanan sa nasabing araw, babayaran siya ng karagdagang 30 porsiyento ng kanyang sahod para sa unang walong oras na pagtatrabaho (basic wage x 130%).

Para sa pagtatrabaho ng higit sa walong oras (overtime work), babayaran siya ng karagdagang 30 porsiyento ng kanyang orasang kita sa nasabing araw.

Kung nagtrabaho ang empleyado sa nasabing araw at ito rin ay araw ng kanyang pahinga, babayaran siya ng karagdagang 50 porsiyento ng kanyang arawang sahod para sa walong unang oras ng pagtatrabaho (basic wage x 150%).

Para sa mahigit walong oras na kanyang trinabaho sa nasabing araw at ito rin ay araw ng kanyang pahinga, babayaran siya ng karagdagang 30 porsiyento ng kanyang orasang kita sa nasabing araw (hourly rate of the basic wage x 150% x 130% x number of hours worked).

Para sa idineklarang special (working) day sa Nobyembre 2, nakasaad sa labor advisory na kung magtatrabaho ang empleyado sa nasabing araw, babayaran lamang siya ng kanyang arawang sahod at wala siyang matatanggap na premium pay dahil ito ay itinuturing na ordinaryong araw ng pagtatrabaho.

Sa kanilang banda, ang mga sumusunod ang dapat sundin para sa sahod ng mga manggagawang magtatrabaho sa Nobyembre 30, regular holiday:

Kung hindi siya nagtrabaho, babayaran siya ng 100 porsiyento ng kanyang sahod para sa nasabing araw, ngunit kinakailangang nagtrabaho o may leave of absence with pay sa araw na sinundan ng regular holiday.  Ang computation ay basic wage x 100 percent.

Kung ang araw na kasunod ng regular holiday ay araw ng  walang trabaho sa establisimyento o ito ay nakatakdang araw ng pahinga ng empleyado, dapat siyang bayaran ng holiday pay kung siya ay nagtrabaho o naka leave of absence with pay sa araw na sinundan ng regular holiday.

Samantala, sa trabahong ginampanan sa regular holiday, babayaran ang empleyado ng 200 porsiyento para sa unang walong oras ng pagtatrabaho (basic wage x 200 percent).

Para sa overtime, babayaran siya ng karagdagang 30 porsiyento ng kanyang orasang kita (hourly rate of the basic wage x 200% x 130% x number of hours worked).

Kung nagtrabaho ang empleyado ng regular holiday at ito rin ay araw ng kanyang pahinga, dapat siyang bayaran ng karagdagang 30 porsiyento ng kanyang orasang kita ng 200 porsiyento (basic wage x 200 percent x 130 percent).

Para sa pagtatrabaho ng higit sa walong oras sa regular holiday at ito rin ay araw ng kanyang pahinga, siya ay babayaran ng karagdagang 30 porsiyento ng kanyang orasang kita sa nasabing araw (hourly rate of the basic wage x 200 percent x 130 percent x 130 percent x number of hours worked). END/ aldm/gmea

 

 

 

 

 

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry
41