News Release
Department of Labor and Employment
January 7, 2021

DOLE supports Safeguard Duty on imported vehicles

The labor department on Thursday threw its support behind the imposition of a safeguard duty on imported passenger and light vehicles to protect workers in the automotive industry.

“This is a significant measure to protect workers and improve the labor market condition in the industry battered not just by the pandemic, but also the influx of imported vehicles,” Labor Secretary Silvestre Bello III said.

Bello cited data from the Labor Force Survey that showed employment in the automotive sector declined from a high of 109,000 in 2016 to 93,000 in 2019. This is despite the growth of the automotive market driven by high domestic consumption.

As a labor-intensive industry, he said, the potential for employment opportunities in the industry is significant.

Bello added this has been one of the considerations for pushing the Comprehensive Automotive Resurgence Strategy (CARS), and among the factors for identifying the industry as one of the Key Employment Generators under the manufacturing industry in the DOLE JobsFit 2022.

But this potential was reversed by massive importation over the years, he said.

“The convenience of importing vehicles in contrast to manufacturing the same in the country jeopardized the potential of the industry to contribute more in the labor market,” Bello said.

Through the imposition of a Safeguard Duty, he said, “we hope to encourage industry players to focus more on investing and developing the domestic market, including our human resources.”

“This is a significant step as the Government pursues its recovery efforts by focusing on manufacturing resurgence and upgrading of workforce,” Bello added. ###

==========================================================

Safeguard duty sa imported na sasakyan, suportado ng DOLE

Nagpahayag ng suporta ang Department of Labor and Employment kaugnay sa pagtatakda ng safeguard duty sa mga imported na passenger at iba pang maliliit na sasakyan upang maprotektahan ang mga manggagawa sa industriya ng automotive.

“Isa itong natatanging hakbangin upang maprotektahan ang ating mga manggagawa at linangin ang kondisyon sa merkado sa naturang industriya na naapektuhan hindi lamang ng pandemya, kung hindi pati na rin dahil sa pagdami ng mga imported na sasakyan,” wika ni Labor Secretary Silvestre Bello III.

Binanggit ni Bello ang datos mula sa Labor Force Survey na nagpapakita ng mga bilang sa trabaho sa sektor ng automotive na bumaba mula sa mataas na antas nitong 109,000 noong 2016 hanggang sa 93,000 nitong 2019. Ito ay sa kabila ng paglago sa merkado ng automotive at bunsod ng mataas na demand sa bansa.

Bilang isang labor-intensive industry, sinabi pa niya na ang potensyal na oportunidad sa trabaho sa industriya ay lubhang mahalaga.

Dagdag pa ni Bello, isa ito sa mga naging konsiderasyon ipang itulak ang Comprehensive Automotive Resurgence Strategy (CARS), at kabilang sa mga bagay na nagpakilala rito bilang isa sa Key Employment Generators sa ilalim ng manufacturing industry sa DOLE JobsFit 2022.

Gayunman, ang potensiyal na ito ay naantala dahil sa dami ng importasyon nitong mga nagdaang taon, ayon pa sa kalihim.

“Ang mabilis na pag-import ng mga sasakyan sa halip na mabuo ito sa sariling bansa ang naglagay rito sa alanganin upang makapagbigay ng malaking kontribusyon sa labor market,” ayon kay Bello.

Sa pamamagitan ng pagtatakda ng Safeguard Duty, wika niya ay, “maaaring humikayat sa iba pang mga kumpanya na pagtuunan ng pansin ang pagdaragdag ng pondo at paglinang ng domestic market, kabilang ang human resources.”

“Ito ay isang malaking hakbangin kasabay ng pagtutulak ng gobyerno upang makabangon sa pamamagitan ng paglinang sa manufacturing resurgence at pagpapaunlad sa workforce,” dagdag pa ni Bello. ###

 

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry