News Release
Department of Labor and Employment
November 8, 2021

DOLE sets inoculation of 2k OFWs

The Labor Department is set to conduct another round of inoculation of overseas Filipino workers (OFWs) on Wednesday at the Labor Governance Learning Center (LGLC), DOLE Building in Intramuros Manila.

Labor Secretary Silvestre Bello III said some 2,000 doses of AstraZeneca Covid-19 vaccines donated by the government of Brunei to the Philippines have been allocated for the inoculation of OFWs who are set for deployment.

Bello expressed his gratitude to the government of Brunei on behalf of the Philippines for the vaccine donation.

“I personally thank the Brunei government for donating the vaccines for our general population, specifically our OFWs. This will not only help accelerate the administration of the vaccines to thousands of Filipinos but will fast-track the deployment of our OFWs abroad,” Bello said.

The vaccination is on a first come, first served basis, but those OFWs who will be deployed in Brunei will be prioritized.

Bello added that the recruitment agencies in the country have been directed to bring unvaccinated OFW-applicants to the designated vaccination site.

The labor chief has sought the assistance of the Local Health Department of the City of Manila to administer the vaccination.

On another development, Bello denied reports on the imposition of a deployment ban of health care workers, particularly nurses. Since the deployment cap of 6,500 has already been reached, the Philippine Overseas Employment Administration (POEA) announced the temporary suspension of deployment.

“We have already reached the current ceiling of 6,500 on the deployment of health care workers. However, OFWs under the Balik Manggagawa, government-to-government arrangements, and those who will be deployed in the United Kingdom are exempted from the suspension,” Bello clarified.

He also said that the lifting of the suspension is subject to the evaluation of the current situation on the deployment of healthcare workers by concerned government agencies.

“The Labor Department will confer the matter with the Professional Regulation Commission, the Philippines Nurses Association (PNA) and the Department of Health (DOH) should there be a need for the increase of say, another 1,500 in the existing cap,” the Labor Chief said.  ##

====================================================

DOLE nagtakda ng pagbabakuna para sa 2K OFW
Nakatakdang magsagawa ng panibagong pagbabakuna ang Labor Department para sa mga overseas Filipino worker (OFW) ngayong Miyerkules, na gaganapin sa Labor Governance Learning Center (LGLC), DOLE Building sa Intramuros, Manila.
Ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III may donasyong 2,000 doses ng AstraZeneca Covid-19 vaccine ang pamahalaang Brunei sa Pilipinas na ilalaan para sa pagbabakuna ng mga OFW na nakatakdang i-deploy sa ibang bansa.
Nagpasalamat si Bello, sa ngalan ng Pilipinas, sa pamahalaang Brunei para sa donasyon na bakuna.
“Personal akong nagpapasalamat sa pamahalaang Brunei sa pagbibigay ng bakuna para sa pangkalahatang populasyon, partikular sa ating mga OFW. Hindi lamang ito makakatulong para sa mabilis na pagbabakuna sa libu-libong Filipino, mapapabilis din nito ang pagde-deploy ng ating mga OFW sa ibang bansa,” wika ni Bello.
“First come, first served” ang gagawing pagbabakuna, ngunit bibigyan ng prayoridad ang mga OFW na ide-deploy sa Brunei.
Idinagdag ni Bello na ang mga recruitment agencies sa bansa ay inatasan na dalhin ang mga hindi pa bakunadong aplikanteng OFW sa mga itinalagang vaccination site.
Hiniling ng Kalihim ang tulong ng Local Health Department ng Lungsod ng Maynila para sa pagbibigay ng bakuna.
Sa isa pang pangyayari, pinabulaanan ni Bello ang mga ulat tungkol sa pagpapataw ng deployment ban sa mga health care worker, partikular ang mga nars. Dahil umabot na sa 6,500 ang deployment cap kaya nag-anunsiyo ang Philippine Overseas Employment Administration (POEA) ng pansamantalang suspensiyon ng deployment.
“Naabot na natin ang limitasyon na 6,500 sa pagde-deploy ng mga health care worker. Gayunpaman, hindi kasali sa suspensiyon ang mga OFW na nasa ilalim ng Balik Manggagawa, government-to-government arrangement, at iyong ide-deploy sa United Kingdom,” paglilinaw ni Bello.
Kanya ring sinabi na ang pagtanggal sa suspensiyon ay batay sa pagsusuri sa kasalukuyang sitwasyon sa pagde-deploy ng mga health care worker ng mga kinauukulang ahensiya ng pamahalaan.
“Isasangguni ng Labor Department sa Professional Regulation Commission, Philippines Nurses Association (PNA) at sa Department of Health (DOH) ang usapin kung kinakailangang itaas pa ng 1,500 ang kasalukuyang limitasyon,” pahayag ng Labor Chief.  ##

 

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry
2