News Release
Department of Labor and Employment
May 9, 2021

DOLE revs up OFW hospital

The labor department has revved up the construction of the first-ever OFW hospital in the country that is seen for completion before year’s end, it was reported on Sunday.

Just last week, Labor Secretary Silvestre Bello III formed a top-level committee that will oversee the procurement of hospital equipment and hiring of medical personnel who will man the facility in Pampanga.

The Committee on the Construction of the OFW Hospital and Diagnostic Center Project under Administrative Order No. 89, series of 2021, is co-chaired by Undersecretaries Renato L. Ebarle and Ana C. Dione. The hospital is meant to benefit overseas Filipino workers and their dependents.

The Ebarle-Dione panel is composed of two Technical Working Groups: one for Human Resources to undertake the hiring of medical personnel who will manage and operate the hospital, and another one for Bidding and Procurement of Hospital Equipment. The latter is tasked to facilitate the bidding process and obtain appropriate budget for the maintenance and operation of the hospital, in coordination with the Health Department.

An agreement between the Provincial Government of Pampanga and the Department of Labor and Employment (DOLE) for the construction of the medical facility in Barangay Sindalan, San Fernando, Pampanga was sealed early last year. The construction was delayed due to the onset of the Covid pandemic.

Under the agreement, the provincial government will donate the property where the facility is being constructed.

Aside from DOLE and the Provincial Government of Pampanga, the Department of Health (DOH), the Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR), and the Bloomberry Cultural Foundation are also involved in the project.

Out of the P550 million budget for the 100–bed capacity hospital, P400 million from Bloombery was earmarked for the construction of the hospital building while the remaining P150 million from PAGCOR was allocated to procure hospital equipment.

The OFW Hospital is an initiative of Secretary Bello that is deemed to be among the legacies of the Duterte administration in recognition of the valuable contribution of our modern-day heroes in the growth of our economy. ####

=============================================

Konstruksiyon ng ospital para sa mga OFW, minamadali na ng DOLE 

 

Minamadali na ng labor department ang konstruksiyon ng kauna-unahang ospital sa bansa para sa mga OFW at inaasahang matatapos ito ngayong taon, pag-uulat nitong Linggo.

 

Nitong nakaraang linggo, nagbuo si Labor Secretary Silvestre Bello III ng isang top-level committee na siyang mamumuno sa pagbili ng mga gamit para sa ospital at pagkuha ng medical personnel na mangangasiwa sa pasilidad sa Pampanga.

 

Ang Committee on the Construction of the OFW Hospital and Diagnostic Center Project sa ilalim ng Administrative Order No. 89, series of 2021, ay parehong pamumunuan nina Undersecretaries Renato L. Ebarle at Ana C. Dione. Nilalayon na mabenipisyuhan ng ospital ang mga overseas Filipino worker at ang kanilang dependent.

 

Ang Ebarle-Dione panel ay binubuo ng dalawang Technical Working Group: isa para sa Human Resources na siyang mamumuno sa pagkuha ng medical personnel na siyang mamamahala sa operasyon ng ospital at ang isa pang committee ay para sa Bidding and Procurement of Hospital Equipment. Ang huling nabanggit ang siya ring naatasan na mangasiwa sa bidding process at pagkalap ng sapat na budget para sa pamamahala at operasyon ng ospital, sa pakikipagtulungan sa Health Department.

 

Isang kasunduan sa pagitan ng Provincial Government ng Pampanga at ng Department of Labor and Employment (DOLE)  para sa konstruksiyon ng medical facility sa Barangay Sindalan, San Fernando, Pampanga ang nilagdaan noong nakaraang taon. Naantala ang konstruksiyon dahil sa pandemyang Covid. 

 

Sa ilalim ng kasunduan, magbibigay ang provincial government ng lote kung saan itatayo ang pasilidad.

Maliban sa DOLE at ang Provincial Government of Pampanga, kasama rin sa proyekto ang Department of Health (DOH), ang Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR), at ang Bloomberry Cultural Foundation.

 

Sa P550 milyong budget para sa 100-bed capacity ng ospital, P400 milyon mula sa Bloombery ang inilaan para sa konstruksiyon ng gusali para sa ospital at ang natitirang P150 milyon mula sa PAGOR ang inilaan sa pagbili ng mga gamit para sa ospital.

Ang ospital para sa mga OFW ay inisyatibo ni Secretary Bello na inaasahang isa sa ipamamana ng administrasyong Duterte bilang pagkilala sa mahalagang kontribusyon ng ating mga bagong bayani sa pag-unlad ng ating ekonomiya. ####

 

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry