News Release
Department of Labor and Employment
July 11, 2021  

DOLE repatriates 348 OFWs from UAE 

The government has repatriated 348 overseas Filipino workers (OFWs) from Dubai and Abu Dhabi in the United Arab Emirates (UAE), the fourth batch of repatriation since the IATF declared travel restrictions from seven countries, the labor department reported on Sunday.

In a report to Labor Secretary Silvestre Bello III, the Overseas Workers Welfare Administration and the Philippine Overseas Labor Office in Dubai said that the OFW repatriates left UAE on Saturday, July 10, and arrived Manila on Sunday morning via flight PR 8659 of the Philippine Airlines.

The cost of the chartered flight was shouldered by OWWA, Bello said.

The repatriation was undertaken in coordination with the Philippine Consulate General in Dubai, in efforts to bring home close to 2,000 OFWs and their families from the emirates. The first three batches of repatriation were undertaken by the Department of Foreign Affairs.

Four more DOLE-OWWA repatriation flights are set on July 12, 17, 27 and 30.

Bello said the repatriates include 67 pregnant OFWs, 30 OFWs with medical cases, six OFW wards housed at the Bahay Kalinga in Dubai, and two OFW wards housed at the Bahay Kalinga in Abu Dhabi.

The rest of the OFW passengers are those with cancelled flights or overstayers in UAE.

One of the passengers was a household service worker who sought shelter at POLO Dubai after chancing upon an OWWA personnel at the airport.

Her employer has bought her ticket and abandoned her at the Dubai airport on July 5. However, she failed to board her flight that day, which consisted of several layovers and connecting flights.

Expressing her delight over being included in the repatriation flight, she said: “Maraming salamat po at makakauwi na rin ako sa aking pamilya.”

The repatriated OFWs will undergo quarantine and will be transported to their respective hometowns after they were cleared and tested negative of COVID-19.

OWWA will take care of their hotel accommodation and food while waiting for the result of their COVID test. The DOLE attached agency will also facilitate their transport back to their provinces.

The Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases has allowed the conduct of special commercial flights to bring home OFWs who were stranded in the Middle East and other countries covered by the country’s inbound travel ban.

A Special Working Group was created to determine the implementing protocols for the special commercial flights, in coordination with the concerned airlines.

Among the members of the Special Working Group are OWWA, the Department of Health, the Bureau of Quarantine, the Department of Foreign Affairs, the Department of Transportation and its One-Stop-Shop, the Philippine Coast Guard, and the Department of Tourism. END/aldm

===========================================

348 OFWs mula UAE, napauwi ng DOLE 

Napauwi ng pamahalaan ang 348 overseas Filipino workers (OFWs) mula Dubai at Abu Dhabi sa United Arab Emirates (UAE), ang ika-apat na pinauwing batch mula nang ideklara ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF) ang travel restriction mula sa pitong bansa, ulat ng labor department nitong Linggo.

Sa ulat kay Labor Secretary Silvestre Bello III, sinabi ng Overseas Workers Welfare Administration at ng Philippine Overseas Labor Office sa Dubai na umalis ng UAE ang mga OFW noong Sabado, Hulyo 10, at dumating ng Maynila ng Linggo ng umaga sakay ng PR 8659 ng Philippine Airlines.

Sinagot ng OWWA ang gastusin para sa chartered flight, ani Bello.

Isinagawa ang pagpapauwi sa pakikipagtulungan ng Philippine Consulate General sa Dubai, na nilalayong maiuwi ang may 2,000 OFW at kanilang pamilya mula sa UAE. Ang unang tatlong batch ng mga umuwing OFW ay pinangasiwaan ng Department of Foreign Affairs.

May apat pang nakatakdang repatriation flight ang DOLE-OWWA kahapon, Hulyo 12 at sa Hulyo 17, 27 at 30.

Sinabi ni Bello na kabilang sa mga umuwi ang 67 buntis na OFW, 30 OFW na may kasong-medikal, anim na OFW na nakatira sa Bahay Kalinga sa Dubai, at dalawang OFW na nakatira sa Bahay Kalinga sa Abu Dhabi.

Ang iba pang mga pasaherong OFW ay iyong nakansela ang kanilang biyahe o overstayer sa UAE.

Isa sa mga pasahero ay dating household service worker na humiling na tumira sa POLO Dubai, matapos makilala ang isang kawani ng OWWA sa airport.

Binili siya ng tiket ng kanyang employer na binubuo ng ilang layover at connecting flight, at iniwanan sa Dubai airport noong Hulyo 5. Ngunit nabigo siyang sumakay ng araw na iyon.

Dahil sa kanyang kasiyahan na makasama sa mga uuwing OFW, nasabi nito na: “Maraming salamat po at makakauwi na rin ako sa aking pamilya.”

Sasailalim sa quarantine ang mga umuwing OFW at ihahatid sila sa kani-kanilang bayan matapos na sila ay mabigyan ng clearance at may negatibong resulta sa Covid-19.

Sasagutin ng OWWA ang kanilang pansamantalang titirhan at pagkain habang naghihintay ng resulta ng kanilang COVID test. Ang ahensiya rin ng DOLE ang mangangasiwa sa kanilang pag-uwi sa kani-kanilang probinsiya.

Pinayagan ng IATF ang pagsasagawa ng special commercial flights upang maiuwi ang mga OFW na nai-stranded sa Middle East at iba pang bansa na sakop ng inbound travel ban ng bansa.

Nagbuo ng Special Working Group na magpapatupad ng protocol para sa special commercial flights, sa pakikipagtulungan ng mga kinauukulang airlines.

Kasama sa miyembro ng Special Working Group ang OWWA, Department of Health, Bureau of Quarantine, Department of Foreign Affairs, Department of Transportation at ang kanilang One-Stop-Shop, Philippine Coast Guard, at ang Department of Tourism. END/ aldm/ gmea

 

 

 

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry
2