Lumalabas sa pinakahuling ulat ng pagsusuri ng Inter-Agency Task Force (IATF) on the Harmonization of National Government Performance Monitoring, Information and Reporting System na nakasunod ang Department of Labor and Employment sa mga panuntunan para makamit ang Transparency Seal (TS) ng nasabing ahensya.

 

Ang nasabing task force ay may mandato na suriin ang mga kondisyon upang maging karapat dapat na makatanggap ng Performance-Based Bonus (PBB) na binuo sa bisa ng Malacañang Administrative Order No. 25, series of 2011.

 

Ang Transparency Seal, na makikita sa mga website ng mga ahensya ng pamahalaan, ay naglalaman ng mandato at tungkulin, pangalan ng mga opisyal kasama ang kanilang posisyon at hawak na departamento, at ang kanilang mga contact information.

 

Ang TS rin ay naglalaman rin ng DBM-approved budget at ng mga kaukulang target para sa FY 2016, maging ang mga budget at financial accountability report.

 

Ang pangunahing programa at proyekto ng FY 2016 ay alinsunod sa limang panuntunang itinatakda sa ilalim ng Executive Order No. 43 na makikita rin sa TS, kabilang ang mga programa o proyekto para sa mga benepisyaryo na tinutukoy sa mga special provision; estado ng pagpapatupad, evaluation at assessment report.

 

Para naman sa optimum transparency, ang FY 2016 Annual Procurement Plan ng ahensya at Quality Management System (QMS) International Organization for Standardization (ISO) Certification para sa isang core process ng iba pang ahensyang nagbibigay ng mga sertipikasyon ay makikita rin sa TS section.

 

Ang sistema ng pagbibigay ng grado para sa mga ahensya ay nakasaad rin sa TS. Ang online publication naman ng mga ulat ng ahensya ay isa sa paraan upang mabigyang daan ang publiko na makakuha ng iba pang impormasyon para sa mas pina-igting na transparency.

 

Ang pagsusuri para naman sa iba pang kinakailangang elemento para sa PBB sa CY 2016 ay kasalukuyan pa ring umuusad.

 

END/Cris Soriano-Viray/ Paul Ang

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry