News Release

Department of Labor and Employment

10 April 2019

 

DOLE orders total deployment ban of workers to Libya

 

Labor Secretary Silvestre Bello III on Wednesday has ordered a total deployment ban of overseas Filipino workers bound to Libya upon the advice of the Department of Foreign Affairs (DFA) amid the escalating violence in the North African country.

 

“Upon the advice of the DFA, we are imposing a deployment ban of workers to Libya to ensure their safety and security and to avoid getting caught in the escalating violence in Libya,” Bello said.

 

DFA on Monday raised Alert Level III in Tripoli and some areas within a 100-kilometer radius of the capital, which is considered as voluntary repatriation phase.

 

Bello said DOLE is still in close coordination with DFA to closely monitor the situation and to assess the possible repatriation of OFWs, as well as to ensure the workers’ safety and security.

 

“DOLE is ready to provide repatriation assistance to our Filipino workers who will signify interest to come home. An augmentation team will be dispatched this week to ensure the welfare of our workers, and assist their possible repatriation. Also, we are prepared for any exigency of forced repatriation if the situation deteriorates,” Bello said.

 

There are around 2,600 documented OFWs in Libya, who are mostly professionals, mostly composed of medical workers and skilled workers.

 

Aside from repatriation aid, reintegration assistance from Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) also awaits to OFWs who may be repatriated from Libya.

The implementation of the deployment ban will take effect until the situation normalizes, or until further advice by the DFA with which DOLE is closely coordinating with.

 

DOLE, meanwhile, is in constant assessment of the situation and will issue appropriate advisories from time to time. ###Abegail De Vega

 

====================================================

 

Total deployment ban ng manggagawa, ikinasa ng DOLE sa Libya

Iniutos ni Labor Secretary Silvestre Bello III nitong Miyerkules ang isang total deployment ban sa mga overseas Filipino workers na patungong Libya kasunod na rin ng mungkahi ng Department of Foreign Affairs (DFA) sa gitna ng tumitinding serye ng karahasan sa nasabing bansa.

“Kasunod ng mungkahi ng DFA, itinatakda namin ang deployment ban ng mga manggagawa sa Libya upang matiyak ang kanilang kaligtasan at seguridad at maiiwas sila sa nagaganap na karahasan sa Libya,” wika ni Bello.

Itinaas ng DFA nitong Lunes ang Alert Level III sa Tripoli at iba pang karatig na lugar sa loob ng 100-kilometer radius mula sa kapitolyo, at itinatakda bilang voluntary repatriation phase.

Ayon kay Bello, kasalukuyan pa ring nakikipag-ugnayan ang DOLE sa DFA upang masubaybayan ang sitwasyon at magsagawa ng posibleng repatriation ng mga OFW, at tiyakin ang kaligtasan at seguridad ng mga manggagawa.

“Handa ang DOLE na magbigay ng repatriation assistance sa mga Pilipinong manggagawa na nagpahayag ng kanilang interes na umuwi na. Magpapadala tayo ng augmentation team ngayong linggo upang matiyak ang kapakanan ng ating manggagawa at tulungan sila sa repatriation. Handa na rin tayong magsagawa ng forced repatriation kung lumala man ang sitwasyon,” dagdag pa ni Bello.

Mayroong 2,600 documented OFW sa Libya, at karamihan sa mga ito ay professional na kinabibilangan ng medical worker at mga skilled worker.

Liban sa repatriation, handa rin ang Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) na magbigay ng reintegration assistance sa mga OFW mula sa Libya.

Ang implementasyon ng deployment ban ay agad ring ipatutupad hanggang bumalik sa normal ang sitwasyon o magbigay ng abiso ang DFA sa DOLE.

Samantala, kasalukuyang nagsasagawa ng assessment sa sitwasyon ang DOLE at nakatakdang mag-isyu ng advisory sa mga susunod na araw.

###Abegail De Vega/ Paul Ang

 

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry