News Release

Department of Labor and Employment

6 April 2019

 

DOLE orders probe of OFW abuse in Jeddah

 

The labor department has vowed to prosecute the employers, as well as run after the recruitment agencies who deceived some overseas Filipino jobseekers while one was allegedly raped by her agency representative in Jeddah.

 

Labor Secretary Silvestre Bello III directed the Philippine Overseas Employment Administration (POEA) to investigate the report submitted by the Philippine Overseas Labor Office (POLO) Jeddah Labor Attache Nasser Munder, as well as the involvement of some recruitment agencies.

 

In a report to Bello, Munder said four household service workers were forced to work for more than 10 hours in different households, and render another two hours of duty at the household of their employer. They were identified as Samra Musa Lidasan, Lyn Silongan Sali, Norhen Gayo Sarat, and Noraima Mamadra Bandara.

 

They hold legitimate Iqama, but were compelled to work as cleaners.

 

The four ran away from their employer and sought refuge at the Migrant Workers and Other Overseas Filipinos Resource Center (MWOFRC) in Jeddah on March 1, 2019.

 

Munder also reported an alleged rape case involving a 22-year old OFW only identified as ‘Saida’ by her agency representative on December 28, 2018.

 

The victim is staying at Bahay Kalinga while the case is being handled by the Assistance to Nationals Section of PCG Jeddah.

 

Both cases involved their Saudi Recruitment Agency (SRA) Madar Al Kharj Recruitment Agency, and Philippine Recruitment Agency (PRA) Iemploy Manpower Services Inc.

 

Munder has recommended the suspension and cancellation of the licenses of the concerned recruitment agencies.

 

Bello meantime directed the POEA to immediately report the developments and results of the investigation to authorize appropriate sanctions on both recruitment agencies.

 

The OFWs were also assured by the labor chief of the necessary assistance from POLO and POEA.

 

#Paul Ang

 

===============================================================

 

Pang-aabuso ng OFW sa Jeddah, iimbestigahan ng DOLE

Nanindigan ang Department of Labor and Employment (DOLE) na pakakasuhan ang mga employer, at hahabulin ang mga recruitment agency na nanloko sa ilang mga overseas Filipino worker habang ang isa ‘di umano’y ginahasa pa ng isang agency representative sa Jeddah.

Inatasan ni Labor Secretary Silvestre Bello III ang Philippine Overseas Employment Administration (POEA) na imbestigahan ang ulat na isinumite ni Philippine Overseas Labor Office (POLO) Jeddah Labor Attache Nasser Munder, maging ang pagkakasangkot rito ng ilang mga recruitment agency.

Sa report kay Bello, sinabi ni Munder na ang apat na household service worker ay sapilitang pinagtatrabaho ng higit sa 10 oras sa ibat ibang bahay at mamasukan pa ng karagdagang dalawang oras ng duty sa bahay naman ng kanilang employer. Kinilala ang mga OFW na sina Samra Musa Lidasan, Lyn Silongan Sali, Norhen Gayo Sarat, at Noraima Mamadra Bandara.

Ang mga OFW ay mayroong lehitimong Iqama subalit sapilitan silang pinagtatrabaho bilang mga cleaner.

Tumakas ang apat na OFW sa kanilang employer at humingi ng tulong sa Migrant Workers and Other Overseas Filipinos Resource Center (MWOFRC) sa Jeddah noong Marso 1, 2019.

Iniulat rin ni Munder ang ‘di umanong panggagahasa ng isang agency representative sa isang 22-taong gulang na OFW na kinilala lamang bilang ‘Saida’ noong Disyembre 28, 2018.

Kasalukuyan na ring tumutuloy sa Bahay Kalinga ang biktima habang ipinoproseso na ng Assistance to Nationals Section ng PCG Jeddah ang kanyang kaso.

Ang dalawang kaso ng mga OFW ay pawang kinasasangkutan ng parehong Saudi Recruitment Agency (SRA) na Madar Al Kharj Recruitment Agency, at ng Philippine Recruitment Agency (PRA) Iemploy Manpower Services Inc.

Inirekomenda na rin ni Munder ang suspension at kanselasyon ng mga lisensya ng mga nasabing recruitment agency.

Samantala, inatasan na ni Bello ang POEA na agad na ireport ang mga kaganapan at resulta ng imbestigasyon upang mapatawan ng karampatang parusa ang parehong recruitment agency.

Tiniyak naman ng kalihim na tutulungan ng POLO at POEA ang mga OFW.

 

#Paul Ang

 

 

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry
1