News Release
Department of Labor and Employment
November 24, 2019

DOLE now accessible via mobile app

Keeping tab with the Department of Labor and Employment is now within one’s fingertips as it rolls out a mobile application that offers various services and features for Filipino workers worldwide.

Labor Secretary Silvestre Bello III said the DOLE mobile application will serve as a tool for workers, particularly for the overseas Filipino workers, for easy access to latest news and regulations at work, and immediate contact to the department and to the Philippine Overseas Labor Offices (POLO) in their respective countries.

“This application is intended to provide a major channel for our workers and OFWs to get in touch with DOLE and the POLO. Through the use of modern technology, they can relay their labor related concerns and complaints,” Bello said.

The application can be downloaded free-of-charge from the Google Play Store for Android devices and the App Store for Apple devices.

One of the major features of the application is the ‘Wage Calculator’ which will enable the users to compute their wages with their overtime, holiday pays, and the corresponding deductions.

Workers and OFWs will also be able to have immediate access to the labor departments’ hotline numbers, and contact details of labor offices abroad in times of emergency and immediate response. Aside from this, the application can also assist workers to locate the nearest DOLE (branch or POLO) office based on their Global Positioning System (GPS) location.

A ‘submit an inquiry’ form is available which allows users to send an inquiry, a report, or complaints/violations of their employers to the department for appropriate action.

With the use of their mobile devices, workers will now be informed of their rights and benefits at work by checking into the ‘Handbook for Workers’ Statutory Monetary Benefits – 2019 Edition.’

Latest news and announcements posted from the DOLE’s website, bureaus and attached agencies, and a ‘hot jobs’ button which has a link to PhilJobNet’s website for a more convenient job vacancy viewing and application of candidates, can also be accessed in the application.

The mobile app is one of the developments in client service delivery that will be formally launched during the 86th anniversary of the department next month.

#Paul Ang

=========================================================

DOLE, abot kamay na sa tulong ng mobile app

Abot kamay na ng publiko ang Department of Labor and Employment kasunod ng paglulunsad nito ng isang mobile application na nag-aalok ng iba’t ibang serbisyo nito sa mga Pilipinong manggagawa sa buong mundo.

Ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III, ang DOLE mobile application ay magbibigay daan sa mga manggagawa, partikular sa mga overseas Filipino worker upang dagling mabatid ang mga napapanahong balita at regulasyon sa trabaho at magkaroon ng mabilis na koneksyon sa departamento at sa mga Philippine Overseas Labor Offices (POLO) sa kani-kanilang mga bansa.

“Ang application ay layong magbigay ng pangunahing daan para sa mga manggagawa at OFW upang mapalapit sa DOLE at sa POLO. Sa pamamagitan ng paggamit ng makabagong teknolohiya, maaari na nilang idulog ang kanilang mga hinaing na may kaugnayan sa paggawa at iba pang reklamo,” wika ni Bello.

Maaari ng ma-download ng libre ang application sa Google Play Store para sa mga Android devices at sa App Store para naman sa mga Apple devices.

Isa sa pangunahing tampok ng application ay ang ‘Wage Calculator’ na magbibigay daan sa mga gagamit nito na makalkula ang kanilang suweldo kasama ng overtime, holiday pay, at iba pang mga kaltas sa sahod.

Magkakaroon na rin ng koneksyon ang mga manggagawa at OFW sa mga hotline number, at contact details ng mga labor office sa ibang bansa sa oras ng pangangailangan at agarang tulong. Liban pa rito, tutulungan rin ng application ang mga manggagawa na mahanap ang pinakamalapit na sangay ng DOLE o ng POLO batay sa kanilang Global Positioning System (GPS) location.

Mayroon ring ‘submit an inquiry’ form kung saan ang mga gagamit ay maaaring magpadala ng kanilang katanungan, report, o reklamo/ mga paglabag ng kanilang mga employer sa departamento para sa naaayong aksyon.

Sa tulong ng kanilang mga mobile devices, magkakaroon na ang mga manggagawa ng kaalaman sa kanilang mga karapatan at benepisyo sa pamamagitan ng pagtungo sa ‘Handbook for Workers’ Statutory Monetary Benefits – 2019 Edition.’

Nakalathala rin dito ang mga balita at anunsyo na nakapaskil sa website ng DOLE, mga bureau at attached agency, at isang ‘hot jobs’ button na mayroong link patungo sa website ng PhilJobNet upang mas madali silang makahanap ng bakanteng trabaho na maaari nilang aplayan sa tulong ng mobile application.

Ang naturang mobile app ay isa sa mga hakbangin upang paunlarin ang pagbibigay serbisyo ng kagawaran at nakatakda itong pormal na ilunsad sa gaganaping ika-86 na anibersaryo ng DOLE sa susunod na buwan.

#Paul Ang

 

 

 

 

 

 

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry
111