News Release
Department of Labor and Employment
October 5, 2021

DOLE keeps Cagayan fishermen afloat amid gnawing pandemic

Labor Secretary Silvestre Bello III led the distribution of 224 motorboats worth more than P20 million in Cagayan Province to keep local fishermen afloat amid the continuing onslaught of the pandemic.

A total of 672 crisis-hit fishermen in 12 coastal towns of the province received the mechanized fishing boats through the Department of Labor and Employment’s Integrated Livelihood Program (DILP) during separate awarding ceremonies in Claveria and Aparri.

Aside from the two localities, distraught fishermen from Sta. Praxedes, Sanchez Mira, Pamplona, Abulug, Ballesteros, Buguey, Camalaniugan, Sta. Teresita and Gonzaga also benefitted from DILP.

DILP is one of DOLE’s many assistance programs aiming to support the country’s fishermen by providing them the necessary tools to boost their income.

In his speech, Bello inspired the beneficiaries to continue fighting the pandemic. He said the new motorboats should help the fishermen survive the challenges posed by Covid-19.

“The government is here to extend assistance to our needy people and to keep your hopes alive. It is battling the virus at all fronts including Cagayan Province,” Bello said.

“Use the boats given to you by the government to earn income. Take care of them so you can continue providing for your families even during these challenging times,” he added.

Insured by the Government Service Insurance System (GSIS), the motorboats are made of fiberglass material. They were purchased through the P20,160,000 fund released by DOLE Regional Office II.

Joining Bello during the special occasions were Transport Secretary Arthur Tugade, Governor Manuel Mamba, and DOLE executives led by Regional Director Joel M. Gonzales.

Also present in the events were local chief executives Mayor Bryan Dale G. Chan of Aparri, Mayor Nelson P. Robinion of Sta. Ana, Mayor Esterlina A. Aguinaldo of Sta. Praxedes, Mayor Asela Sacramed of Sanchez Mira, Mayor Digna Puzon-Antonio of Pamplona, Mayor Lloyd Antiporda of Buguey, Mayor Angelica Dela Cruz of Camalaniugan, Mayor Rodrigo De Gracia of Sta. Teresita and Mayor Marilyn S. Pentecostes of Gonzaga.

Echoing the message of Bello, Tugade called on the beneficiaries to use the government assistance as a way to make another ‘fresh start’.

“Capitalize on this opportunity to enhance your livelihood and sustain it for years to come,” Tugade said.

Last year, a group of 300 fishermen also received 100 new motorboats through the implementation of DILP.

Meanwhile, Bello spearheaded the relentless distribution of financial assistance in Tuguegarao City to help its workers affected by the pandemic.

A total of 786 Covid 19-hit workers received P2.9 million in financial aid from DOLE at the Cagayan State University (CSU) Carig Campus through the Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers (TUPAD) program.

The payout ceremony was attended by Cagayan 3rd District Representative Joseph Lara and Cagayan Vice Governor Boy Vargas. ###

===============================================

Para makaahon mula sa pandemya
Mangingisda sa Cagayan tinutulungan ng DOLE

Pinangunahan ni Labor Secretary Silvestre H. Bello III ang pamamahagi ng 224 bangkang de-motor na nagkakahalaga ng mahigit P20-milyon sa Lalawigan ng Cagayan upang tulungan ang mga lokal na mangingisda na makaahon mula sa pandemya.

May 672 mangingisda mula sa 12 bayan ng lalawigan ang tumanggap ng bangkang de-motor mula sa Department of Labor and Employment Integrated Livelihood Program (DILP) sa ginanap sa magkahiwalay na seremonya sa Claveria at Aparri.

Bukod sa dalawang lokalidad, nakinabang din sa programang DILP ang mga mangingisda mula sa Sta. Praxedes, Sanchez Mira, Pamplona, Abulug, Ballesteros, Buguey, Camalaniugan, Sta. Teresita at Gonzaga.

Ang DILP ay isa sa mga programa ng DOLE na naglalayong suportahan ang mga mangingisda ng bansa sa pamamagitan ng pagbibigay sa kanila ng mga kinakailangang kasangkapan upang palakasin ang kanilang kabuhayan.

Sa kanyang talumpati, nagbigay inspirasyon si Bello sa mga benepisaryo na magpatuloy na labanan ang pandemya. Sinabi niya na ang mga bagong bangkang de-motor ay makakatulong sa mga mangingisda upang malampasan ang mga pagsubok dulot ng Covid-19.

“Narito ang pamahalaan upang magbigay ng tulong sa mga nangangailangan at panatilihing buhay ang inyong pag-asa. Nilalabanan ng pamahalaang ito ang virus sa lahat ng bahagi ng Pilipinas, kabilang ang lalawigan ng Cagayan,” pahayag ni Bello.

“Gamitin ninyo ang mga bangkang ibinigay sa inyo ng pamahalaan upang kumita. Alagaan ninyo ang mga ito upang patuloy ninyong masuportahan ang inyong pamilya lalo na ngayong panahon na nahaharap tayo sa mga pagsubok,” dagdag niya.

Ang mga bangkang de-motor na gawa sa fiberglass ay nakaseguro sa Government Service Insurance System (GSIS). Ito ay binili mula sa P20,160,000 pondong ibinigay ng DOLE Regional Office II.

Kasama ni Bello sa espesyal na okasyong ito sina Transport Secretary Arthur Tugade, Cagayan Governor Manuel Mamba, at opisyal ng DOLE sa pangunguna ni Regional Director Joel M. Gonzales.

Dumalo rin ang mga opisyal ng lokal na pamahalaan na sina Mayor Bryan Dale G. Chan ng Aparri, Mayor Nelson P. Robinion ng Sta. Ana, Mayor Esterlina A. Aguinaldo ng Sta. Praxedes, Mayor Asela Sacramed ng Sanchez Mira, Mayor Digna Puzon-Antonio ng Pamplona, Mayor Lloyd Antiporda ng Buguey, Mayor Angelica Dela Cruz ng Camalaniugan, Mayor Rodrigo De Gracia ng Sta. Teresita at Mayor Marilyn S. Pentecostes ng Gonzaga.

Bilang tugon sa mensahe ni Bello, nanawagan si Tugade sa mga benepisaryo na gamitin ang mga tulong mula sa pamahalaan bilang paraan para sa isa pang “bagong pagsisimula”.

“Gamitin ninyo ng husto ang oportunidad na ito upang palakasin ang inyong kabuhayan at mapanatili ito sa mahabang panahon,” wika ni Tugade.

Noong nakaraang taon, isang grupo na kinabibilangan ng 300 mangingisda ang nakatanggap ng 100 bangkang de-motor sa ilalim ng programang DILP.

Samantala, pinangunahan ni Bello ang pamamahagi ng tulong-pinansiyal sa Tuguegarao City upang tulungan ang mga manggagawa nito na naapektuhan ng pandemya.

May 788 manggagawang tinamaan ng Covid-19 ang nakatanggap ng P2.9 milyon tulong-pinansiyal mula sa DOLE na ginanap sa Cagayan State University (CSU) Carig Campus mula sa programang Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers (TUPAD).

Kasama rin sa seremonya sina Cagayan 3rd District Representative Joseph Lara at Cagayan Vice Governor Boy Vargas. ####

 

 

 

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry