News Release
Department of Labor and Employment
12 July 2019

DOLE issues rules on free documentary requirements for first time jobseekers

To help first time jobseekers secure pre-employment documents, the Department of Labor and Employment, together with 18 other government agencies, issued the guidelines of the First Time Jobseekers Assistance Act.

Labor Secretary Silvestre Bello III said the landmark policy, which waives the fees for government-issued documents and clearances for first time jobseekers, will benefit around 1.3 million graduates annually who are seeking employment for the first time.

“The measure will definitely lessen the financial burden on first time jobseekers in obtaining their pre-employment documentary requirements, and gain decent employment within a shorter period of time,” the Labor Secretary said during the signing ceremony on Thursday at the DOLE Central Office in Manila.

DOLE Assistant Secretary Joji Aragon said that while this translates to P3 billion foregone government revenues, “the government looks at this investment to bring double or triple fold return in achieving a productive human capital and workforce for the nation.”

The IRR highlights the role of every barangay in the issuance of barangay certification for first time jobseekers, the Department of Information and Communications Technology in developing and maintaining the First Time Jobseekers database, the DOLE in heading the Inter-Agency Monitoring Committee, and all other agencies in a one-country team approach, to report to one another in the implementation and enforcement of the Act.

Under RA 11261, all government agencies and instrumentalities, including government-owned and controlled corporations, local government units, and government hospitals shall not collect fees or charges from a first time jobseeker, in connection with their application for and granting of licenses, proofs of identification, clearances, certificates or other documents usually required in the course of employment locally or abroad.

The first time jobseeker may avail the benefits only once, and for one copy of every document or transaction only.

To avail of the benefits, the jobseeker should be a Filipino citizen who is actively seeking employment, locally or abroad, for the first time, as certified by the barangay of which he/she is a resident.

The jobseeker shall secure and present the Barangay Certification stating that he/she is a first time jobseeker and a resident of the Barangay for at least six months.

The validity of availment of the benefits shall be one year from the issuance of the Barangay Certificate.

The first time jobseeker may be a graduate of an associate degree or a bachelor’s degree, a completer of a technical-vocational course, or a high school graduate who has completed the K-12 program.

Also eligible are the out-of-school youth, those not employed or engaged in education or training, students taking a leave of absence, or any person intending to work while enrolled in any school, college, university, or learning institution.

Among the covered government transactions are the barangay certification and clearance for first time jobseekers; police clearance; NBI clearance; medical certificate from public hospitals, except for laboratory tests and other medical procedures that are required in the grant of a medical certificate; birth and marriage certificate; transcript of academic records, certificate of graduation/completion, and/or diploma issued by state and local universities and colleges; and Taxpayer’s Identification Number.

Other documentary requirements covered are the CSC Certificate of Eligibility; PhilHealth ID; POEA Certificates; Mayor’s Clearance issued by Business Processing and Licensing Office; Prosecutor’s Clearance; Municipal and Regional Trial Court’s Clearances; MARINA Certificates; and TESDA National Certificates and Certificates of Competencies for those who actually underwent the process of TESDA’s Competency Assessment.

The IRR shall take effect 15 days after publication in the Official Gazette or in a newspaper of general circulation.

Bureau of Local Employment Director Dominique Tutay said that there are existing one-stop-shops for pre-employment documentary requirements nationwide, aside from those set up during job fairs, to accommodate first time jobseekers.

END/aldm

==============================================================

DOLE naglabas ng patakaran sa libreng documentary requirements para sa mga first time jobseekers

Naglabas ang Department of Labor and Employment, kasama ang 18 iba pang ahensiya ng pamahalaan, ng patakaran para sa First Time Jobseekers Assistance Act na naglalayong tulungan ang mga first time jobseeker na makakuha ng libreng pre-employment documents.

Sinabi ni Labor Secretary Silvestre Bello III na ang polisiya, kung saan hindi na babayaran ng mga first-time jobseeker ang mga dokumento at clearance na iniisyu ng pamahalaan, ay mabebenepisyuhan ang may 1.3 milyong gradweyt kada taon na naghahanap ng trabaho sa unang pagkakataon.

“Sa paraang ito tiyak na mababawasan ang pinansiyal na alalahanin ng mga aplikanteng naghahanap ng trabaho sa unang pagkakataon para sa kinakailangang pre-employment documentary requirements, at makakuha ng disenteng trabaho sa maigsing panahon,” ani Labor Secretary sa ginanap na signing ceremony nitong Huwebes sa DOLE Central Office sa Maynila.

Sinabi ni DOLE Assistant Secretary Joji Aragon na bagamat P3 bilyon ang mawawala sa pamahalaan, “naniniwala ang pamahalaan na babalik ang puhunang ito ng doble o triple sa pagkakaroon ng produktibong manggagawa.”

Nakasaad sa IRR ang papel ng bawat barangay sa pagbibigay ng barangay certification para sa mga first time jobseekers, ang Department of Information and Communications Technology sa pagbubuo at pangangasiwa ng First Time Jobseekers database, ang DOLE sa pamumuno sa Inter-Agency Monitoring Committee, at lahat ng iba pang ahensiya para sa one-country team approach, sa pag-uulat ng bawat ahensiya sa implementasyon at  pagpapatupad ng nasabing panukala.

Sa ilalim ng RA 11261, lahat ng government agencies and instrumentalities, kasama ang government-owned and controlled corporations, local government units, at government hospitals ay hindi kokolekta ng bayad mula sa first time jobseeker, para sa kanilang aplikasyon at pagbibigay ng kanilang lisensiya, proofs of identification, clearances, certificates at iba pang dokumento na karaniwang kinakailangan para sa kanilang pagtatrabaho dito o sa ibang bansa.

Isang beses lamang ito puwedeng pakinabangan ng first time jobseeker, at Isang kopya lamang sa bawat dokumento o transaksiyon.

Para matanggap ang nasabing benepisyo, kailangan na ang aplikante ay Filipino, at aktibong naghahanap ng trabaho, lokal o sa ibang bansa, sa unang pagkakataon at sinertipikahan ng barangay kung saan sila ay residente.

Kinakailangang kumuha at isumite ng aplikante ang Barangay Certification kung saan nakasaad na siya ay first time jobseeker at residente ng Barangay nang hindi bababa ng anim na buwan.

Ang benepisyo ay balido sa loob ng isang taon mula sa petsa ng inisyu ang Barangay Certificate.

Ang first time jobseeker ay maaaring nagtapos ng associate degree o ng bachelor degree, nagtapos ng technical-vocational course, o high school graduate na nakakumpleto ng K-12 program.

Maaari ring tumanggap ng nasabing benepisyo ang mga out-of-school youth, mga walang trabaho o hindi sumasailalim sa education o training, mga estudyante na naka-leave of absence, o sinuman na nagnanais magtrabaho habang naka-enrol sa alinmang paaralan, kolehiyo, unibersidad, o learning institution.

Kabilang sa mga government transactions ang barangay certification at clearance para sa first time jobseekers; police clearance; NBI clearance; medical certificate mula sa public hospitals, maliban sa laboratory test at iba pang medical procedures na kailangan sa pagbibigay ng medical certificate; birth at marriage certificate; transcript of academic records, certificate of graduation/completion, at/o diploma na inisyu ng state at local universities and colleges; at Taxpayer’s Identification Number.

Ang iba pang documentary requirements na sakop nito ay CSC Certificate of Eligibility; PhilHealth ID; POEA Certificates; Mayor’s Clearance issued by Business Processing and Licensing Office; Prosecutor’s Clearance; Municipal and Regional Trial Court’s Clearances; MARINA Certificates; at TESDA National Certificates at Certificates of Competencies para sa mga sumailalim sa Competency Assessment ng TESDA.

Magkakabisa ang IRR 15 araw matapos itong maipalathala sa Official Gazette o sa pahayagan na may malawak na sirkulasyon.

Sinabi ni Bureau of Local Employment Director Dominique Tutay na may mga one-stop-shops na sa buong bansa para sa pre-employment documentary requirements, maliban pa sa mga itinatayong one-stop shop tuwing job fair para, sa mga first time jobseekers.

END/aldm/gmea

 

 

 

 

 

 

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry
1