News Release
Department of Labor and Employment
May 1, 2021

DOLE inks interagency pact to hire more contact tracers

The Department of Labor and Employment (DOLE) and the Department of Interior and Local Government (DILG) forged an agreement with Metro Manila Development Authority (MMDA) for the hiring of contact tracers through its Tulong Panghanapbuhay sa ating Disadvantaged/Displaced Workers (TUPAD) program.

Labor Secretary Silvestre Bello III said the Memorandum of Agreement (MOA) aims to employ close to 6,000 contact tracers that will be tasked to help stop the spread of Covid 19 infections in the country.

“The government believes contact tracing is one of the key measures to arrest the mounting number of Covid 19 infections in the country,” Bello said.

He said a total amount of P280,714,644 chargeable to the 2021 General Appropriations Act funds of DOLE budget shall be used to employ 5,754 workers to be engaged as contact tracers.

Under the agreement, DOLE shall engage the workers as contact tracers under the TUPAD program in partnership with DILG and MMDA to augment the current number of contact tracers in the country.

On the other hand, the DILG will facilitate the creation of a selection committee for hiring of contact tracers under the TUPAD Program.

Meanwhile, the MMDA will be tasked to assist in the dissemination of information on the hiring of TUPAD contact tracers, monitor the implementation of the project, and help in the proper dissemination of information of the project.

Earlier, DOLE decided to shift its TUPAD program to contact tracing to help local governments handle the rise in Covid 19 cases.

TUPAD is DOLE’s safety net program to help cushion the impact of the COVID pandemic to the workers in the informal sector, particularly the unpaid family workers and self-employed with elementary occupations.

=============================================

Para sa karagdagang contact tracers
DOLE lumagda sa isang interagency pact 

Pumirma  ng kasunduan ang Department of Labor and Employment (DOLE),  ang Department of Interior and Local Government (DILG), at  Metro Manila Development Authority (MMDA) para sa pagkuha ng contact tracers sa ilalim ng programang Tulong Panghanapbuhay para sa ating Disadvantaged/Displaced Workers (TUPAD).

Ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III nilalayon ng Joint Memorandum of Agreement (MOA) na makakuha ng mahigit  5,000 contact tracers na naglalayong makatulong para pigilan ang pagkalat ng nakakahawang Covid-19 sa bansa.

“Naniniwala ang pamahalaan na ang contact tracing ay isa sa pangunahing paraan para pigilan ang pagtaas ng bilang ng nahahawa mula sa sakit na Covid 19 sa ating bansa,” wika ni Bello.

Sinabi niya na may kabuuang P280,714,644 pondo mula sa 2021 General Appropriations Act budget ng DOLE ang gagamitin para sa kukuning 5,754 manggagawa na magtatrabaho bilang contact tracer.

Sa ilalim ng kasunduan, kukuha ang DOLE, sa pakikipagtulungan ng DILG at MMDA, ng mga manggagawa na magtatrabaho bilang contact tracer para sa programang TUPAD upang madagdagan ang kasalukuyang bilang ng contact tracer sa bansa.

Sa kabilang banda, ang DILG ang mangangasiwa sa pagbuo ng selection committee na siyang kukuha ng contact tracer para sa programa,  samatalang ang MMDA naman  ay naatasang tumulong sa pamamahagi ng impormasyon sa pagkuha ng TUPAD contact tracer, bantayan ang implementasyon ng proyekto, at tumulong sa pamamahagi ng wastong impormasyon ukol sa proyekto sa National Capital Region (NCR).

Samantala, kasunod ng virtual signing ng Joint Memorandum of Agreement na ginanap kahapon, Labor Day, nagkaroon ng ceremonial deployment ng mga unang nakuhang contact tracer sa iba’t-ibang lungsod sa Metro Manila.

Matatandaang inilipat ng DOLE nitong nakaraang buwan ang programang TUPAD sa pagkuha ng mga contact tracer para tulungan ang mga lokal na pamahalan  na mapigilan ang pagtaas ng kaso ng Covid-19 sa bansa.

Ang TUPAD ay isang safety net program ng DOLE para sa mga manggagawa sa informal sector, partikular iyong mga nagtatrabaho sa kanilang pamilya at hindi nakatatanggap ng sahod; at iyong mga self-employed na manggagawa na may mababang kakayahan na naglalayong tulungan sila mula sa epekto ng pandemyang Covid-19.

 

 

 

 

 

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry
20