Ipinahayag kahapon ng Kagawaran ng Paggawa at Empleo (DOLE) na pinahihintulutan nila ang 108 establisyamento sa Region 6 at 7 na gumawa at magtinda ng paputok at pyrotechnics, ayon kay Kalihim Silvestre H. Bello III.

Inalis ang work stoppage order (WSO) matapos masuring sumusunod ang mga nasabing establisyamento sa batas-paggawa at pamantayan sa kaligtasan at kalusugan sa trabaho.

“Matapos magsagawa ng pagsusuri ang mga kinauukulang DOLE Regional Office, nakita na ang 108 establisyamento ay sumusunod sa batas-paggawa at pamantayan sa kaligtasan at kalusugan ng manggagawa at iba pang naaayong batas, kautusan at regulasyon, dahil dito umabot na ng 174 ang kabuuang bilang ng mga establisyamento na tumutupad sa batas,” ani Bello.

Unang tinanggal ng DOLE ang WSO sa 66 establisyamento na gumagawa at nagtitinda ng paputok at pyrotechnics.

Ang mga manufacturer, sole proprietor, at dealer ng paputok at pyrotechnics na tinanggalan ng work stoppage order ay ang mga sumusunod:

Region 6: Pick-Up Shop Trading

Region 7: Rambolet Pyro Corporation; Anita B. Baguio; Augusta A. Cosep; Teove T. Samson: Joshua D. Berdin; Sixto B. Berdin; Monina Singson Pongasi; Leonora B. Viñalon; Anna Grace M. Baguio; Tessie Centino Alvarico; Shirley R. Rabac; Merlyn C. Paypa; Elmer L. Lubas; Eustiquia B. Berame; Cirinia Ybañez; Armando C. Benlot; Baby B. Quijal; Felicidad Potot; Richard Potot; Eduardo Cendana; EB & A Fireworks Industry; Biendovin B. Omandac; Ronald Bince; Remedios P. Tan; Divina N. Augusto; Corazon P. Inihao; Gemma D. Dico; Emilia G. Inihao; Flordiles O. Dico; Jessica C. Berdon; Charito W. Orboc; Zenaida C. Retubado; Vicena C. Daño; Rosalie C. Cedimo; Daryl B. Berdin; Delia A. Megabon; Theofe P. Berdon; Lorenza A. Doroy; Loreta M. Tabar; Salome D. Dungog; Elias Bensi; Valentina A. Berdin; Genda I. Pongasi; Flora O. Pongasi; Priscilla D. Blanco; Imelda Berdin; Marites J. Zanoria; Brenda Liza Seno; Alejandra T. Monteclar; Juliet M. Wahing Z; Ofelia Casul; Marites Adrias; Rosalie Cababahay; Irenea Gilapi; Jose Jay Cahayagan; Teresita Adrias; Cheryl Sudaria; Elpidia Potot; Charmaine Berdin; Avita Losdoc; Magdalena Suarez; Marietta Dejolde; Felnoria Tan; Regie Dungog; Rosalie Tampus; Teresa Hilapit; Justiniana Dungog; Rosalia Y. Atillo; Estrella P. Augusto; Rolan C. Paypa; Blesila N. Dialen; at Avila Pyrotechnics Firecrackers Manufacturer

Sinabi ni Bello na ang mga establisyamentong sumusunod sa pamantayan sa kaligtasan at kalusugan sa trabaho ang nabigyan ng lisensiya o permiso na gumawa at magtinda ng paputok at pyrotechnics mula sa Philippine National Police (PNP); Fire Safety Inspection certificate mula sa Bureau of Fire Protection (BFP); at Certificate of Attendance of Workers to the Safety Awareness Training na pinamahalaan ng Occupational Safety and Health Center (OSHC).

Ang pagpapatupad ng WSO ay magkasamang pagkilos ng DOLE, Philippine National Police (PNP), Bureau of Fire Protection (BFP), at ng lokal na pamahalaan.

Ipinaliwanag ni Bello na ang work stoppage order ay nag-aatas lamang ng pagtigil ng trabaho ng isang yunit, departamento, o ng buong operasyon ng establisyamento kung ito ay makikitaan ng hindi pagsunod sa pamantayan sa kaligtasan at kalusugan sa trabaho na magdudulot ng panganib sa lugar-paggawa.

Noong 24 Nobyembre 2016, nagpalabas ng Work Stoppage Order sa buong bansa si Kalihim Bello sa lahat ng establisyamentong gumagawa at nagtitinda ng pyrotechnics at paputok, matapos ang nangyaring pagsabog sa isang tindahan ng paputok sa Bulacan na naging sanhi ng pagkasawi ng limang katao at nakapinsala sa 30 iba pa.

END/CTM/GMEAre

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry