News Release
Department of Labor and Employment
August 30, 2021

DOLE helps 250 distressed OFWs find their way home

Labor Secretary Silvestre Bello III yesterday said 250 distressed overseas Filipino workers (OFWs) from Kuwait will arrive in the country on Tuesday after the government responded to the migrant workers’ urgent request for assistance.

Eighty of the troubled OFWs came from the Migrant Workers and Other Overseas Filipinos Resource Center (MWOFRC) while the remaining 170 are domestic and company workers, Bello said.

“These workers have either finished their contracts or have expiring exit visas and victims of various employment contract-related violations,” he said.

Bello said the unfortunate migrant workers were rescued through a Qatar Airways chartered flight arranged by the government.

He said the Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) covered the tickets of 50 distressed OFWs while the rest were shouldered by employers or companies.

“They are expected to be in the country at 4:50 pm on August 31. Government representatives will be at the airport to welcome them,” he added.

The Labor chief said just like the many OFWs who were repatriated by the government, the arriving migrant workers via flight QR 932 will receive other forms of assistance such as quarantine accommodation and transport services for their journey back to their respective families or places of origin.

“Of course, we will also have them tested for Covid at the expense of the government as part of the standard operating procedure to comply with safety and health protocols,” he said.

The Philippine Overseas Labor Office (POLO) in Kuwait said the chartered flight is DOLE’s response to the requests of OFWs who can’t go home on regular flights.

“This is due to the current restrictions and daily seat cap for arriving Filipino workers in the country,” Labor Attaché Nasser S. Mustafa said.

Mustafa lauded Bello for relentlessly finding ways to help migrant workers in difficult situations amid the pandemic.

“This continuing effort to achieve the country’s first massive repatriation campaign is truly inspired by the government’s commitment to serve our modern-day heroes. I thank Secretary Bello for being at the forefront of this great endeavor,” Mustafa said.

Meanwhile, the Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) has approved the request of the DOLE for exemption for the special flight. ###

============================================

250 OFW tinulungan ng DOLE na makauwi

Sinabi ni Labor Secretary Silvestre Bello III na may 250 overseas Filipino worker mula sa Kuwait ang nakauwi noong Martes, matapos tugunan ng pamahalaan ang kahilingang agarang tulong ng mga migranteng manggagawa.

Walumpu sa mga OFW ang galing sa Migrant Workers and Other Overseas Filipinos Resource Center (MWOFRC) samantalang ang 170 ay domestic at company worker, pahayag ni Bello.

“Ang mga manggagawang ito ay iyong natapos na ang kanilang kontrata o nag-expire na ang kanilang exit visa at mga biktima ng iba’t-ibang paglabag sa kontrata na may kaugnayan sa trabaho,” pahayag niya.

Sinabi ni Bello na nakauwi ang mga migranteng manggagawa sakay ng Qatar Airways chartered flight na inayos ng pamahalaan.

Sinabi din niya na ang Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) ang nagbayad sa tiket ng 50 OFW habang ang iba ay sinagot naman ng kanilang employer o kompanya.

“Dumating sila ng bansa noong Agosto 31, 4:50 ng hapon. Sinalubong sila sa airport ng mga kinatawan ng pamahalaan,” dagdag pa niya.

Sinabi ng Kalihim na tulad ng mga pinauwing OFW ng pamahalaan, ang mga dumating na migranteng manggagawa, sakay ng QR 932, ay tatanggap ng iba pang tulong tulad ng quarantine accommodation at transport service para sa kanilang biyahe pauwi sa kani-kanilang pamilya.

“Bibigyan din sila ng pagsusuri para sa Covid-19 at ang gastusin ay sagot ng pamahalaan, bilang bahagi ng standard operating procedure at pagsunod sa safety and health protocols,” wika niya.

Sinabi ng Philippine Overseas Labor Office (POLO) ng Kuwait na ang chartered flight ay bilang tugon ng DOLE sa kahilingan ng mga OFW na hindi makauwi sa pamamagitan ng regular flight.

“Ito ay dahil sa kasalukuyang paghihigpit at pagpapatupad ng daily seat cap para sa mga dumarating na Filipinong manggagawa sa ating bansa,” pahayag ni Labor Attaché Nasser S. Mustafa ng POLO-Kuwait.

Pinasalamatan ni Mustafa si Bello sa patuloy nitong paghahanap ng paraan upang matulungan ang mga migranteng mangggawa sa mahihirap na situwasyon sa gitna ng pandemya.

“Ang patuloy na pagsisikap ng bansa para makamit ang unang malawakang repatriation campaign ay tunay na inspirasyon sa pangako ng pamahalaan na paglingkuran ang ating mga “modern-day hero”. Pinasasalamatan ko si Secretary Bello sa pangunguna nito sa mga ganitong pagsisikap,” ani Mustafa.

Samantala, inaprubahan ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) ang kahilingan ng DOLE para sa exemption sa nasabing flight. # # #

 

 

 

 

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry
1