News Release
Department of Labor and Employment
July 29, 2020

DOLE flies home 354 distressed OFWs from KSA

Some 354 distressed overseas Filipino workers from Saudi Arabia are arriving in Manila on Wednesday onboard a chartered flight arranged by the Department of Labor and Employment (DOLE).

Labor Secretary Silvestre Bello III said he has instructed the Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) to provide all necessary assistance to the arriving OFWs. The chartered flight, PAL flight PR655, is expected to land at about 12:30 pm.

In a report to Bello, Labor Attache Nasser Mustafa said majority of the passengers are distressed OFWs from Philippine Overseas Labor Office’s Bahay Kalinga in Riyadh, and from temporary shelters maintained by the POLOs in the Eastern Region of Saudi Arabia.

The repatriation of the OFWs is in line with the department’s efforts to provide assistance to OFWs adversely affected by the COVID-19 pandemic.

“Unfortunately, some of our OFWs have been greatly impacted by the pandemic and we hope that our repatriation efforts would bring them comfort as they will soon join their families and loved ones,” Bello said.

According to Bello, also included in the flight are 12 workers from Jussur Emdad, 45 workers from Arkad Co., as well as 14 OFWs previously employed by Abdullah Aldossary, Azmeel Contracting Co., Rakan Trading, which are all based in the Eastern Region of Saudi Arabia.

These OFWs joined a number of OFWs who have worked for Freyssinet, Jussur Emdad, Samana Company and Rent Human Resources as well as walk-in OFWs whose exit visas were facilitated by the labor office in Riyadh, he added.

This developed as DOLE has so far transported more than 111,400 returning OFWs to their respective provinces. Comprising the last batch of OFWs to be sent home are 3,035 workers who took their rides in OWWA-arranged buses and other means of transportation on Monday.   -###

==============================================================

354 OFW mula sa KSA, napauwi ng DOLE

Umabot sa 354 mga overseas Filipino worker mula sa Saudi Arabia ang nakabalik sa Maynila nitong Miyerkules sakay ng chartered flight na isinaayos ng Department of Labor and Employment (DOLE).

Ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III, inatasan niya ang Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) na ibigay ang lahat ng kinakailangang tulong para sa mga darating na OFW. Ang chartered flight na PAL PR655 ay dumating sa bansa nang 12:30 ng tanghali.

Sa ulat kay Bello, sinabi ni Labor Attache Nasser Mustafa na karamihan sa mga pasahero ay mga OFW mula sa Bahay Kalinga sa Philippine Overseas Labor Office sa Riyadh, at mula sa temporary shelter na pinamamahalaan ng POLO sa Eastern Region ng Saudi Arabia.

Ang repatriation ng mga OFW ay alinsunod sa hakbangin ng kagawaran upang magbigay ng tulong sa mga OFW na apektado ng COVID-19 pandemic.

“Kahit pa marami sa ating mga OFW ang apektado ng pandemic, umaasa kami na ang hakbangin namin upang sila ay mapauwi ay makabawas sa kanilang pasanin dahil makakasama na muli nila ang kani-kanilang mga pamilya at mahal sa buhay,” wika ni Bello.

Sinabi pa ni Bello na kabilang sa flight ang 12 manggagawa mula Jussur Emdad, 45 mula sa Arkad Co., kasama rito ang 14 na OFW na unang nagtrabaho sa Abdullah Aldossary, Azmeel Contracting Co., Rakan Trading, at lahat ay nakadestino sa Eastern Region ng Saudi Arabia.

Ang mga OFW ay kasama sa bilang ng mga nagtrabaho para sa Freyssinet, Jussur Emdad, Samana Company at Rent Human Resources at mga walk-in OFW na ang mga exit visa ay naiproseso ng labor office sa Riyadh, dagdag pa niya.

Ang hakbangin na ito ng DOLE ay kasama sa naitalang 111,400 mga napauwing OFW sa kani-kanilang mga probinsya. Binubuo naman ng huling batch ng mga OFW na mapapauwi ay ang 3,035 manggagawa na naihatid gamit ang mga bus ng OWWA at iba pang pamamaraan ng transportasyon nitong Lunes.

###Paul Ang

 

 

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry
31