News Release
Department of Labor and Employment
January 13, 2022

DOLE extends over P3.5-M aid to needy Tarlac workers

Labor Secretary Silvestre Bello III fulfilled his promise to return to Tarlac province on Wednesday where he distributed more government assistance to informal workers displaced by the pandemic.

Bello led the awarding of P3.528 million payouts from the Tulong Panghanapbuhay sa ating Disadvantaged/Displaced workers (TUPAD) program to 880 COVID-hit farmers, tricycle drivers and vendors.

The Labor Secretary was in the province last year to extend government aid via TUPAD, the cash-for-work program of the Department of Labor and Employment (DOLE).

Tarlac officials led by Governor Susan Yap thanked Bello for the immediate and timely help from DOLE.

Since many more of their constituents needed help, the local executives appealed for more assistance from the state to which Bello responded by vowing to revisit Tarlac this year.

Under TUPAD, beneficiaries are given work specified by the local government. They are paid in cash to help them cope with crisis.

During yesterday’s event, each of the beneficiaries received P4,200 as pay for their participation in community clean-up drive.

The recipients are from the local governments of Tarlac City, Gerona, Victoria and San Jose.

“As long as we have the means, DOLE will never get tired of helping our needy workers. Likewise, we will always support LGUs that are responsively performing their mandate to aid our people during hard times,” Bello said. ###

=====================================

DOLE ipinamahagi mahigit P3.5-M tulong sa mga nangangailangang manggagawa ng Tarlac

Tinupad ni Labor Secretary Silvestre Bello III ang kanyang pangako na muling babalik sa lalawigan ng Tarlac noong Miyerkules kung saan ipinamahagi niya ang karagdagang tulong mula sa pamahalaan para sa mga manggagawa mula sa impormal na sektor na nawalan ng trabaho dulot ng pandemya.

Pinangunahan ni Bello ang paggawad ng P3.528 milyong payout mula sa programang Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged /Displaced Workers (TUPAD) sa 880 magsasaka, tricycle driver at tindero na naapektuhan ng COVID.

Noong nakaraang taon, nagpunta si Labor Secretary sa nasabing lalawigan para ipamahagi ang tulong ng pamahalaan sa pamamagitan ng TUPAD, ang cash-for-work program ng Department of Labor and Employment (DOLE).

Pinasalamatan si Bello ng mga opisyal ng Tarlac, sa pangunguna ni Gobernador Susan Yap, sa agaran at napapanahong tulong mula sa DOLE.

Dahil marami pa sa kanilang mga nasasakupan ang nangangailangan ng tulong, humiling ng karagdagang tulong ang mga lokal na opisyal ng lalawigan kung saan tumugon si Bello sa pamamagitan ng pangakong muling bibisitahin ang Tarlac ngayong taon.

Sa ilalim ng TUPAD, ang mga benepisyaryo ay binibigyan ng trabahong tinukoy ng lokal na pamahalaan. Babayaran sila ng cash upang matulungan silang makayanan ang kasalukuyang krisis.

Sa kaganapan kahapon, bawat isa sa mga benepisyaryo ay nakatanggap ng P4,200 bilang kabayaran sa kanilang ginampanang trabaho sa community clean-up drive sa loob ng sampung araw.

Ang mga benepisaryo ay mula sa lokal na pamahalaan ng Tarlac City, Gerona, Victoria at San Jose.

“Hangga’t kaya natin, hindi magsasawang tumulong ang DOLE sa ating mga nangangailangang manggagawa. Gayundin, patuloy nating susuportahan ang mga LGU na tumutugon sa kanilang mandato na tumulong sa ating mga kababayan sa panahon ng kahirapan,” pahayag ni Bello. ###

 

 

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry