News Release
Department of Labor and Employment
26 October 2019

DOLE expands internship coverage

To encourage more individuals to pursue a career in government service, the labor department has expanded the coverage of the Government Internship Program or GIP.

In Department Order No 204-A series of 2019, Labor Secretary Silvestre Bello III allowed individuals aged 31 years old and above to also apply for the program. To qualify, they must have no work experience or with intermittent work experience; laid-off or terminated due to closure of establishments; or displaced due to natural or manmade disasters.

The program may also be extended to victims of armed conflict, rebel returnees, persons with disability, and indigenous peoples.

Previously, the DOLE-GIP is open only to beneficiaries aged 18 to 30 years old. The new qualifications add up to the already established requirements for GIPs who must have no work experience and at least graduates of high school/senior high school or its equivalent level under the Alternative Learning System, or graduates of a technical-vocational course.

The GIP beneficiaries are tasked to assist DOLE and its partner agencies in duties that are not highly-technical in nature, such as encoding of registrants in the PESO Employment Information System; and profiling of child laborers, PWDs, and senior citizens in concerned barangays.

Among DOLE’s partner agencies in the program are the executive, legislative, and judicial bodies at the regional and national levels, Public Employment Service Offices (PESOs), public hospitals and public schools or educational institutions, government financial institutions, government-owned and controlled corporations, and local government units.

The internship period shall be for a minimum of three months to a maximum of six months and the salary is equivalent to the existing minimum wage of the region where the beneficiary will be employed.

The intern shall also be entitled to an insurance coverage, which shall not be deducted from the beneficiary’s allowance, based on the premium agreed by DOLE and the Government Service Insurance System. Beneficiaries may also be re-admitted upon recommendation of the partner agencies.

END/aldm

===========================================================

Internship coverage pinalawak ng DOLE

Upang mas hikayatin ang mga indibidwal na magtrabaho sa gobyerno, pinalawak ng Department of Labor and Employment ang saklaw ng Government Internship Program o GIP.

Sa Department Order No. 204-A series of 2019, pinapahintulutan ni Labor Secretary Silvestre Bello III ang mga indibidwal na may edad 31 pataas na mag-aplay sa nasabing programa. Para maging kwalipikado, kinakailangang wala pa itong karanasan sa pagtatrabaho; natanggal sa trabaho dahil sa pagsasara ng establisyamento; o nawalan ng trabaho dulot ng kalamidad.

Maaari na ring matanggap sa nasabing programa ang mga biktima ng armed conflict, rebel returnee, person with disability, at indigenous people.

Noon ang DOLE-GIP ay para lamang sa mga benepisaryong may edad 18 hanggang 30 taon. Ang bagong kwalipikasyon ay karagdagan sa mga kinakailangan upang maging bahagi ng GIP na wala pang karanasan sa trabaho at kinakailangang nagtapos man lang ito ng high school/senior high school o ang katumbas nito sa ilalim ng Alternative Learning System, o nagtapos ng kursong technical-vocational.

Maaatasan ang benepisaryo ng GIP na tumulong sa DOLE at sa partner agency nito sa mga gawain na hindi masyadong teknikal, tulad ng pag-encode ng registrant sa PESO Employment Information System; at pag-profile ng batang-manggagawa, PWD, at senior citizen ng mga kinauukulang barangay.

Kabilang sa mga katuwang na ahensiya ng DOLE sa nasabing programa ang executive, legislative at judiciary sa regional at national level, Public Employment Service Offices (PESOs), public hospital at public school o educational institutions, government financial institutions, government-owned and controlled corporations, at local government units.

Ang internship period ay may minimum na tatlong buwan hanggang anim na buwan at ang sahod ay katumbas ng kasalukuyang minimum na sahod sa rehiyon kung saan magtatrabaho ang benepisaryo.

Makakatanggap din ang intern ng insurance coverage, na hindi kakaltasin mula sa allowance ng benepisaryo, batay sa premium na pinagkasunduan ng DOLE at ng Government Service Insurance System. Maaari rin muling tanggapin ang benepisaryo ayon sa rekomendasyon ng partner agency.

END/aldm/gmea

 

 

 

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry