News Release
Department of Labor and Employment
August 4, 2021

DOLE exempts Unilever from labor inspection

Labor Secretary Silvestre Bello III has exempted a global manufacturing firm from the regular labor inspection after it secured a safety seal from the labor department on Tuesday.

Unilever Philippines, Inc. joined a host of other big companies to be exempt from labor inspection following compliance with strict health and safety protocols in their workplaces. Also given the same privilege were CDO Foodsphere Inc., United Laboratories, and eight firms under the San Miguel Corporation group.

Bello said the exemption is a result of Unilever obtaining their Safety Seal Certification for complying with the health protocols and safety standards implemented by the government.

Aside from that, he also explains the benefits of a safety seal to a company or an establishment.

“A safety seal gives you the permission to add 10% of customers in your restaurant, so if it was maximum of 30, you can make it up to 40 persons maximum,” Bello explained.

Moreover, the Labor chief congratulates Unilever for being more compliant not only in health protocols but also in labor standards.

Bello spearheaded the awarding of Safety Seal Certification to Unilever in a brief program held at the company’s Manila office in United Nations Avenue.

Unilever Philippines, Inc. is the Philippine subsidiary of British-Dutch multinational company, Unilever. It is a manufacturer of laundry detergents and soaps, shampoos and hair conditioners, toothpastes, deodorants, skin care products, household cleaners, and toilet soaps.

The Safety Seal Certification is a voluntary certification scheme that affirms that an establishment is compliant with the minimum public health standards set by the government and uses or integrates its contact tracing with StaySafe.ph.

The DOLE issues the Safety Seal for the manufacturing, construction sites, utilities (electric, water, gas, air conditioning supply, sewerage, waste management), information and communication companies (private publication, news, movie production, TV and radio companies), and warehouses which practice the health protocols implemented by the government. ###

=========================================================

Unilever, hindi na sasailalim sa inspeksiyon sa paggawa – DOLE 

Ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III hindi na sasailalim ang isang global manufacturing firm mula sa regular na inspeksiyon sa paggawa matapos itong makatanggap ng safety seal mula sa labor department nitong Martes.

Kabilang na ang Unilever Philippines, Inc. sa marami pang kompanya na hindi na sasailalim sa inspeksiyon sa paggawa matapos itong sumunod sa mahigpit na health and safety protocol sa mga lugar-paggawa. Binigyan din ng kaparehong pribilehiyo ang CDO Foodsphere Inc., United Laboratories, at walong iba pang kompanya sa ilalim ng San Miguel Corporation group.

Sinabi ni Bello na ang exemption ay resulta ng pagkuha ng Unilever ng kanilang Safety Seal Certification para sa kanilang pagsunod sa health protocol and safety standard na ipinatutupad ng pamahalaan.

Bukod dito, kanya ring ipinaliwanag ang mga benepisyo ng safety seal sa kompanya o sa establisimyento.

“Ang safety seal ay nagbibigay sa inyo ng pahintulot na makapagdagdag ng 10 porsiyento ng customer sa inyong restaurant, kaya kung ito ay may maximum na 30, maaari ninyong gawing 40 katao ang maximum,” paliwanag ni Bello.

Binati rin ng labor chief ang Unilever dahil sa kanilang pagsunod hindi lamang sa health protocol kundi pati na rin sa mga batas-paggawa.

Pinangunahan ni Bello ang paggawad ng Safety Seal Certification sa Unilever sa isang maikling programa na ginanap sa tanggapan ng kompanya sa United Nations Avenue sa Lungsod ng Maynila.

Ang Unilever Philippines, Inc, ay isang Philippine subsidiary ng British-Dutch multinational company na Unilever. Ito ay gumagawa ng laundry detergent at soap, shampoo at hair conditioners, toothpaste, deodorant, skin care product, household cleaner, at toilet soaps.

Ang Safety Seal Certification ay isang voluntary certification scheme na nagpapatunay na ang isang establisimyento ay sumusunod sa minimum public health standard na itinakda ng pamahalaan at gumagamit o isinasama ang kanilang contact tracing sa StaySafe.ph.

Ipinagkakaloob ng DOLE ang Safety Seal sa manufacturing, construction site, utilities (electric, water, gas, air conditioning supply, sewerage, waste management), information and communication company (private publication, news, movie production, TV at radio company), at mga warehouse na sumusunod sa health protocol na ipinatutupad ng pamahalaan. ###

 

 

 

 

 

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry