News Release
Department of Labor and Employment
April 30, 2023
DOLE distributes over P1.8 billion assistance to workers on Labor Day
Over P1.8 billion in wages and livelihood assistance is being distributed on May 1 by the Department of Labor and Employment (DOLE) to over 313,000 workers in a nationwide simultaneous awarding ceremony in celebration of Labor Day.
The amount includes the wages of informal sector workers employed under the Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers (TUPAD) program, livelihood assistance to vulnerable and marginalized workers under the DOLE Integrated Livelihood Program (DILP) or Kabuhayan Program, stipends of government interns under the DOLE-Government Internship Program (GIP), and salaries of young workers under the Special Program for Employment of Students (SPES).
These are among the labor department’s various programs in support of the government’s efforts “to reinvigorate job creation and accelerate poverty reduction by steering the economy back on a high-growth path.”
The total amount to be awarded is P1.877 billion to 313,943 beneficiaries.
Under TUPAD, a total of 267,665 beneficiaries will receive their wages amounting to P1,335,074,096.50; under DILP a total of 26,072 beneficiaries will receive livelihood aid amounting to P428,019,961.91; under GIP, 10,810 beneficiaries will receive their stipend amounting to P68,320,433.63; and under SPES, DOLE will distribute its share in the salaries of 8,469 beneficiaries amounting to P40,973,279.11.
The Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) will also distribute starter toolkits to 927 beneficiaries amounting to P4,860,943.
TUPAD is a community-based package of assistance that provides emergency employment to underemployed, laid-off, terminated, or self-employed workers, including farmers and fishermen, for a minimum of 10 days but not to exceed 90 days, depending on the nature of work to be done.
The beneficiaries include 17,740 TUPAD workers from the National Capital Region (NCR); 25,636 from the Cordillera Administrative Region (CAR); 21,954 from the Ilocos Region; 8,335 from the Cagayan Valley Region; 16,758 from Central Luzon; 7,439 from CALABARZON; 5,381 from MIMAROPA; 19,955 from the Bicol Region; 11,458 from Western Visayas; 18,045 from Central Visayas; 48,944 from Eastern Visayas; 8,931 from Zamboanga Peninsula Region; 28,130 from Northern Mindanao; 7,255 from Davao Region; 7,730 from SOCCSKSARGEN; and 13,974 from Caraga.
Meanwhile, under the DILP or the Kabuhayan Program, 26,072 vulnerable and marginalized workers nationwide will receive livelihood assistance amounting to over P428 million.
Kabuhayan Program opens economic opportunities to vulnerable and marginalized workers by providing them grant assistance on entrepreneurial ventures, for either individual or group undertaking.
Among the livelihood assistance to be awarded were related to food vending (Nego-Kart); fishing (fishing boats); farming (farm equipment, farm inputs, vegetable production); tailoring and dressmaking; food production (rice and corn production, bangus production, banana chips production, bakery, kakanin making, tablea making); and welding and vulcanizing services.
Meanwhile, the Department will also disburse over P68 million for the stipends of 10,810 youth interns under the GIP; and over P40 million as government share for the salaries of 8,469 workers under SPES.
The DOLE implements GIP and SPES to provide work opportunities to the youth and enable them to earn money or continue their studies.
The GIP provides three to six months of internship opportunity for high school, technical-vocational, or college graduates who want to pursue a career in public service in either local or national government.
The SPES, meanwhile, is DOLE’s youth employment-bridging program which aims to provide temporary employment to poor but deserving students, out-of-school youth, and dependents of displaced or would-be displaced workers to augment the family’s income to help ensure that beneficiaries are able to pursue their education.
This year’s Labor Day is observed with the theme, “Pabahay, Bilihing Abot-Presyo, Benepisyo ng Matatag na Trabaho Para sa Manggagawang Pilipino.” END/ aldm
==============================================
Mahigit P1.8 bilyon ipinamahagi ng DOLE sa mga manggagawa sa Araw ng Paggawa
Mahigit P1.8 bilyong sahod at tulong-pangkabuhayan ang ipinamahagi ngayong Mayo 1 ng Department of Labor and Employment (DOLE) sa mahigit 313,000 manggagawa sa pagdiriwang ng buong bansa sa Araw ng Paggawa.
Kasama sa halagang nabanggit ang sahod ng mga manggagawa sa impormal na sektor na nagtrabaho sa ilalim ng programang Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers (TUPAD), tulong-pangkabuhayan sa mahihirap at marginalized workers sa ilalim ng DOLE Integrated Livelihood Program (DILP) o Kabuhayan Program, sahod ng mga estudyante sa ilalim ng DOLE-Government Internship Program (GIP), at ng mga kabataang manggagawa sa ilalim ng Special Program for Employment of Students (SPES).
Bahagi ito ng iba’t ibang programa ng kagawaran sa paggawa bilang suporta sa mga pagsusumikap ng pamahalaan na “muling pasiglahin ang paglikha ng trabaho at pabilisin ang pag-angat mula sa kahirapan sa pamamagitan ng pagtutulak ng ekonomiya tungo sa pag-unlad ng ating bansa.”
Ang kabuuang halagang igagawad ay P1.877 bilyon para sa 313,943 benepisyaryo.
Sa ilalim ng TUPAD, may kabuuang 267,665 benepisyaryo ang tatanggap ng kanilang sahod na nagkakahalaga ng P1,335,074,096.50; sa ilalim ng DILP may kabuuang 26,072 benepisyaryo ang tatanggap ng livelihood aid na nagkakahalaga ng P428,019,961.91; sa ilalim ng GIP, 10,810 benepisyaryo ang tatanggap ng kanilang sahod na nagkakahalaga ng P68,320,433.63; at sa ilalim ng SPES, ipapamahagi ng DOLE ang bahagi sa sahod ng 8,469 benepisyaryo na nagkakahalaga ng P40,973,279.11.
Magbibigay naman ang Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) ng starter toolkits sa 927 benepisyaryo na nagkakahalaga ng P4,860,943.
Ang TUPAD ay isang community-based package of assistance na nagbibigay ng pansamantalang trabaho sa mga underemployed, natanggal sa trabaho, o self-employed na manggagawa, kabilang ang mga magsasaka at mangingisda, nang hindi bababa sa 10 araw ngunit hindi lalampas sa 90 araw, depende sa klase ng trabaho na kanilang gagampanan.
Kabilang sa mga benepisyaryo ng TUPAD ang 17,740 manggagawa mula sa National Capital Region (NCR); 25,636 mula sa Cordillera Administrative Region (CAR); 21,954 mula sa Ilocos Region; 8,335 mula sa Cagayan Valley Region; 16,758 mula sa Central Luzon; 7,439 mula sa CALABARZON; 5,381 mula sa MIMAROPA; 19,955 mula sa Bicol Region; 11,458 mula sa Western Visayas; 18,045 mula sa Central Visayas; 48,944 mula sa Eastern Visayas; 8,931 mula sa Zamboanga Peninsula Region; 28,130 mula sa Northern Mindanao; 7,255 mula sa Davao Region; 7,730 mula sa SOCCSKSARGEN; at 13,974 mula sa Caraga.
Samantala, sa ilalim ng DILP o Kabuhayan Program, 26,072 marginalized worker sa buong bansa ang tatanggap ng tulong-pangkabuhayan na nagkakahalaga ng mahigit P428 milyon.
Nagbibigay oportunidad pang-ekonomiya ang Kabuhayan Program sa mga marginalized worker sa pamamagitan ng tulong pang-negosyo para sa indibidwal o grupong gawain.
Kabilang sa mga iginagawad na tulong-pangkabuhayan ay may kinalaman sa pagtitinda ng pagkain (Nego-Kart); pangingisda (mga bangkang pangingisda); pagsasaka (mga kagamitan sa pagsasaka, farm inputs, produksyon ng gulay); pananahi; produksyon ng pagkain (bigas at mais, bangus, paggawa ng banana chips, panaderya, paggawa ng kakanin, paggawa ng tablea); at welding and vulcanizing services.
Samantala, ipamamahagi din ng Kagawaran ang mahigit P68 milyon bilang sahod ng 10,810 youth intern sa ilalim ng GIP; at mahigit P40 milyon bilang bahagi ng pamahalaan sa sahod ng 8,469 manggagawa sa ilalim ng SPES.
Ipinatutupad ng DOLE ang GIP at SPES para mabigyan ng oportunidad ang mga kabataan na makapagtrabaho at maipagpatuloy ang kanilang pag-aaral.
Sa ilalim ng GIP, sasailalim sa tatlo hanggang anim na buwang internship ang mga estudyante sa high school, technical-vocational, o nagtapos sa kolehiyo na nagnanais na magtuloy sa serbisyo-publiko sa lokal o pambansang pamahalaan.
Samantala, ang SPES ay isang youth employment-bridging program ng DOLE na naglalayong magbigay ng pansamantalang trabaho sa mahihirap ngunit karapat-dapat na mga mag-aaral, out-of-school youth, at mga dependent ng mga manggagawang nawalan ng trabaho upang madagdagan ang kita ng kanilang pamilya at matiyak na maipagpapatuloy ng mga benepisyaryo ang kanilang pag-aaral.
Ipinagdiriwang ang Araw ng Paggawa ngayong taon na may temang, “Pabahay, Bilihing Abot-Presyo, Benepisyo ng Matatag na Trabaho Para sa Manggagawang Pilipino.” END/ aldm