News Release
Department of Labor and Employment
March 13, 2022

DOLE disburses Php8.35 million financial aid to 1,670 workers in Central Luzon 

The Department of Labor and Employment disbursed a total of Php8.35 million to 1,670 affected workers from 89 establishments in Central Luzon under the department’s COVID-19 Adjustment Measures Program (CAMP) 3.

Under the program, workers and individuals in the private sector affected by the declaration of Alert Level 3 are entitled to a one-time financial assistance of Php5,000.

The recipients represent the first batch of beneficiaries as the regional office is currently reviewing applications from more than 700 establishments covering 15,000 employees.

“Restrictions on mobility as a result of the Covid-19 pandemic has adversely affected businesses and the employment of many of our people. We hope that the financial support provided by the department cushions the impact and gives our workers a fighting chance,” Labor Secretary Silvestre Bello III said.

“We have anticipated this number of applications and understand the needs of our fellow Filipinos during this time. This is why we did our best to expedite disbursement,” Regional Director Geraldine Panlilio, for his part, said.

Mariles Ruiz, a beneficiary and a representative of Martinet School in Tarlac, commended the ‘fast and easy’ processing of their application. “Honestly speaking, madali at mabilis ang process ngayon compared nung unang CAMP. Tuwang-tuwa sila sa nag-assist sa amin at na-approve ito agad,” Mariles exclaimed. “We are so grateful for this opportunity. This is a great help for us and our families especially to our teachers,” she added.

A total of 711 beneficiaries are from Bulacan while 587 are from Pampanga, 180 from Zambales, 127 from Tarlac, 57 from Nueva Ecija and 8 from Bataan.

Bulacan was declared under Alert Level 3 effective January 4 while Pampanga, Bataan, and Zambales were placed under the same alert level on January 9. Tarlac and Nueva Ecija followed suit on January 14, two days earlier than the province of Aurora which was under Alert Level 3 by January 16.

All provinces in Central Luzon are now under the more lenient Alert Level 1, except for Nueva Ecija and Zambales. ###

===================================================

Php8.35M tulong-pangkabuhayan ipinamahagi ng DOLE sa 1,670 manggagawa sa Central Luzon

Namahagi ng kabuuang Php8.35 milyon sa 1,670 apektadong manggagawa mula sa 89 establisimyento sa Central Luzon ang Department of Labor and Employment, sa ilalim ng Covid-19 Adjustment Measures Program (CAMP) 3 nito.

Sa ilalim ng CAMP-3, ang mga manggagawa at indibidwal sa pribadong sektor na naapektuhan sa pagdedeklara ng Alert Level 3 ay maaaring makatanggap ng isang-beses na tulong-pinansiyal na Php5,000.

Ang mga nakatanggap ay kumakatawan sa unang batch ng mga benepisaryo dahil kasalukuyang sinusuri pa ng regional office ang mga aplikasyon mula sa mahigit 700 establisimyento na sumasakop sa 15,000 empleyado.

“Ang mga paghihigpit sa paggalaw dulot ng pandemyang Covid-19 ay lubhang nakaapekto sa mga negosyo at sa trabaho ng karamihan sa ating kababayan. Umaaasa kami na ang tulong pinansiyal mula sa ating kagawaran ay makatutulong upang mapagaan ang epekto at makapagbigay sa ating mga manggagawa ng pagkakataong makabawi,” pahayag ni Labor Secretary Silvestre Bello III.

“Inasahan namin ang bilang ng mga aplikasyon at naiintindihan namin ang pangangailangan ng ating kapwa Filipino ngayong panahon. Kaya nagsusumikap kaming mapabilis ang pamahahagi ng tulong,” pahayag ni DOLE Rgional Office 3 Director Geraldine Panlilio.

Pinuri ni Mariles Ruiz, isang benepisaryo at kinatawan ng Martinet School sa Tarlac, ang ‘mabilis at madaling’ pagproseso ng kanilang aplikasyon. “Honestly speaking, madali at mabilis ang pag-proseso ngayon kumpara noong unang CAMP. Tuwang-tuwa sila sa nag-assist sa amin at naaprubahan agad ito,” pahayag ni Mariles. “Labis kaming nagpapapsalamant sa pagkakataong ito. Malaking tulong ito para sa amin at sa aming mga pamilya lalo na sa aming mga guro,” dagdag niya.

May 711 benepisaryo ang mula sa Bulacan habang 587 ang mula sa Pampanga, 180 ang mula sa Zambales, 127 ang mula sa Tarlac, 57 ang mula sa Nueva Ecija at 8 naman ang mula sa Bataan.

Inilagay sa ilalim ng Alert Level 3 ang Bulacan noong Enero 4 habang ang Pampanga, Bataan, at Zambales ay isinailalim sa parehong alert level noong Enero 9. Sinundan ito ng Tarlac at Nueva Ecija noong Enero 14, dalawang araw na mas maaga kaysa sa lalawigan ng Aurora na nasa ilalim ng Alert Level 3 noong Enero 16.

Nasa ilalim na ngayon ng mas maluwag na Alert Level 1 ang lahat ng mga lalawigan sa Central Luzon, maliban sa Nueva Ecija at Zambales. ###

 

 

 

 

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry