News Release
Department of Labor and Employment
October 3, 2021

DOLE continues to intensify job support program for informal workers in Bicol

The Department of Labor and Employment’s regional office in Bicol Region continues to intensify the implementation of its flagship program, the Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers (TUPAD), benefitting thousands of displaced workers in the informal sector.

In Guinobatan, Albay, over P3.5 million in wages were disbursed to hundreds of displaced workers in a wage distribution ceremony held last September 22-23 in Barangay Ofrasion Pavillion.

About 719 beneficiaries from 31 barangays received salaries amounting to P4,960 for rendering 16 days of various services to their respective communities. The work rendered includes sanitation, disinfection and cleaning of their public areas and facilities.

Many of the beneficiaries were overjoyed upon receiving cash assistance from the labor department. “Nagpapasalamat po ako sa tulong ng ating gobyerno na mula pa noong nagkaroon ng pandemic, mahirap po talaga na wala akong pinagkakakitaan kaya malaking tulong po ang TUPAD nakarating dito sa lugar namin, nakatulong siya sa gastusin mula noong nawalan po ako ng trabaho. Malaking tulong po ang TUPAD sa pangangailangan ng pamilya,” Romeo Villocino, one of the beneficiaries said.

In Sipocot, Camarines Sur, a separate round of wage distribution ceremony benefitted 361 beneficiaries from 11 barangays as they received total wages of P1.6 million under the TUPAD program.

Regional Director Ma. Zenaida Angara-Campita led the wage distribution ceremony held last September 15 in partnership with the 1st Congressional District Office.

Each of the beneficiaries, who are from Barangay Azucena, Calabangan, Impig, Lipilip, Mangapo, Mantila, Salanda, San Isidro, San Vicente, South Villazar, and Taisan, received a total amount of P4,650 after rendering 15-days at work that includes disinfection of their respective barangays, cleaning their surroundings, repairing their homes, parks, schools, and other tasks ordered by their designated officials. They were provided with masks, face shields, and Personal Protective Equipment (PPE) to protect them from the Covid-19 virus.

“Magayon po na programa ang TUPAD, naka-tabang po samo na mga nawaran trabaho, dakulang bagay po na tabang sa panngasto mi sa aro-aldaw,” said Mary Rose Peñaflorida, one of the beneficiaries from Barangay Azucena.

Evangeline Matos, another 50-year-old recipient from Barangay Impig, Sipocot, Camarines Sur expressed her gratitude upon receiving her TUPAD salary. She said, “Salamat po sa DOLE-TUPAD mabakal mi na su mga pangangaipo mi sa laog kan harong, dakula na tabang po ini.”

In Legazpi, Albay, on the other hand, the labor department’s regional office facilitated last September 16-17 the signing of contracts with 419 beneficiaries of the TUPAD program.

The beneficiaries, from Barangays Maslog, Dapdap, Puro, Lamba, Arimbay, Bigaa, Bagong Abre, Dita, and San Joaquin, will be providing 10 days of work that include disinfection or sanitation of public facilities, de-clogging of canals, and beautification of their barangays. In return, each of them will be paid a total amount of P3,100 after completing the set work period.

RD Campita emphasized that the labor department is committed in providing effective temporary employment opportunities to needy workers in the region particularly to those who have lost their jobs or livelihood as a result of the pandemic. ###

===========================================

Para sa mga impormal na manggagawa sa Bicol
DOLE patuloy na paiigtingin ang suporta sa programang pantrabaho 

Patuloy na pinaiigting ng Department of Labor and Employment-Bicol Regional Office ang implementasyon ng pangunahing programa ng kagawaran na Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers (TUPAD), kung saan nakinabang ang libong manggagawa sa impormal na sektor na nawalan ng trabaho.

Sa Guinobatan, Albay, mahigit P3.5 milyon sahod ang naipamahagi sa daang manggagawang nawalan ng trabaho sa ginanap na seremonya noong Setyembre 22-23 sa Barangay Ofrasion Pavillion.

Halos 719 benepisaryo mula sa 31 barangay ang nakatanggap ng sahod na nagkakahalaga ng P4,960 para sa 16 na araw na pagbibigay ng iba’t ibang serbisyo sa kani-kanilang komunidad. Kasama sa mga gawaing ginampanan ay ang sanitasyon, pagdidisimpekta at paglilinis ng pampublikong lugar at pasilidad.

Lubos na nasiyahan ang mga benepisaryo matapos tanggapin ang tulong-pinansiyal mula sa labor department. “Nagpapasalamat po ako sa tulong ng ating gobyerno na mula pa noong nagkaroon ng pandemic, mahirap po talaga na wala akong pinagkakakitaan kaya malaking tulong po na nakarating dito sa lugar namin ang TUPAD, nakatulong ito sa gastusin mula noong nawalan po ako ng trabaho. Malaking tulong po ang TUPAD sa pangangailangan ng pamilya,” pahayag ni Romeo Villocino, isa sa mga benepisaryo.

Sa Sipocot, Camarines Sur, isang hiwalay na seremonya sa pamamahagi ng sahod ang ipinagkaloob sa 361 benepisaryo mula sa 11 barangay kung saan tumanggap sila ng kabuuang sahod na P1.6 milyon sa ilalim ng programang TUPAD.

Pinangunahan ni Regional Director Ma. Zenaida Angara-Campita ang seremonya ng pamamahagi ng sahod nitong Setyembre 15 sa pakikipagtulungan ng 1st Congressional District Office.

Tumanggap ang bawat benepisaryo mula sa Barangay Azucena, Calabangan, Impig, Lipilip, Mangapo, Mantila, Salanda, San Isidro, San Vicente, South Villazar, at Taisan, ng kabuuang P4,650 matapos ang 15-araw na trabaho kabilang ang pag-disimpekta ng kani-kanilang barangay, paglilinis ng kanilang kapaligiran, pagkumpini ng kanilang tahanan, parke, paaralan, at iba pang gawain na iniatas ng itinalagang opisyal. Binigyan sila ng masks, face shields, at Personal Protective Equipment (PPE) upang maprotektahan sila mula sa Covid-19 virus.

“Magayon po na programa ang TUPAD, naka-tabang po samo na mga nawaran trabaho, dakulang bagay po na tabang sa panngasto mi sa aro-adlaw,” wika ni Mary Rose Peñaflorida, isa sa mga benepisaryo mula sa Barangay Azucena.

Ipinahayag din ni Evangeline Matos, isa pang 50-taong-gulang na benepisaryo mula sa Barangay Impig, Sipocot, Camarines Sur ang kanyang pasasalamat matapos tanggapin ang kanyang sahod mula sa TUPAD. Aniya, “Salamat po sa DOLE-TUPAD mabakal mi na su mga pangangaipo mi sa laog kan harong, dakula na tabang po ini.”

Sa Legazpi, Albay, pinangasiwaan ng labor department regional office noong Setyembre 16-17 ang paglagda sa kontrata ng 419 benepisaryo ng programang TUPAD.

Gagampanan ng mga benepisaryo mula sa Barangay Maslog, Dapdap, Puro, Lamba, Arimbay, Bigaa, Bagong Abre, Dita, at San Joaquin, ang 10-araw na trabaho kabilang ang pag-disimpekta at sanitasyon ng pampublikong pasilidad, paglilinis ng kanal, at pagpapaganda ng barangay. Bilang kapalit, ang bawat isa sa kanila ay babayran ng kabuuang halaga na P3,100 matapos kumpletuhin ang itinakdang bilang ng pagtatrabaho.

Binigyang-diin ni RD Campita na patuloy na nagsusumikap ang labor department upang mabigyan ng oportunidad ang mga nangangailangang manggagawa sa rehiyon ng pansamantalang trabaho partikular iyong nawalan ng trabaho o pangkabuhayan dulot ng pandemya. ###

 

 

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry
1