NEWS RELEASE
DEPARTMENT OF LABOR AND EMPLOYMENT
1 JUNE 2020
 
DOLE brings home 25,002 OFWs

MANILA, Philippines — Over 25,000 overseas Filipino workers (OFWs) stranded in different quarantine facilities have been successfully transported to their respective hometowns, the Department of Labor and Employment reported on Monday.

The labor department accomplished the ‘hatid probinsiya’ for OFWs exactly one week after President Rodrigo Duterte ordered the immediate release of some 25,000 COVID-19-cleared OFWs.

Labor Secretary Silvestre H Bello III said as of May 31, 2020, a total of 25,002 stranded OFWs have been released from quarantine facilities.

Of the said figure, 9,595 were transported by air; 7,900 traveled by land, and 385 returned by sea.

Meanwhile, 6,574 were fetched by their relatives from their temporary accommodation.

Those who have returned home includes around 8,000 seafarers who were stranded in 26 cruise ships in Manila Bay.

Around 200 of these seafarers, however, remain on board as they await their test results, and for safe manning purposes.

The DOLE, through the Overseas Workers Welfare Administration (OWWA), and in coordination with other government agencies, Philippine recruitment agencies (PRAs) and local manning agencies (LMAs), provided accommodation, food and transportation assistance to the stranded OFWs. # # #

=========================================

25k OFW napauwi ng DOLE

MANILA, Philippines — Higit 25,000 overseas Filipino workers (OFW) na stranded sa iba’t ibang quarantine facility ang matagumpay na natulungang makauwi sa kani-kanilang mga bayan, ayon sa ulat ng Department of Labor and Employment nitong Lunes.

Napagtagumpayan ng DOLE ang ‘hatid probinsiya’ para sa mga OFW sa loob ng isang linggo makaraang iutos ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mabilis na pagpapauwi sa 25,000 COVID-19-cleared na OFW.

Ayon kay Labor Secretary Silvestre H. Bello III, hanggang Mayo 31, 2020, may kabuuang 25,002 stranded na mga OFW ang nakalabas na sa mga quarantine facility.

Mula sa nasabing bilang, 9,595 dito ang napauwi sa pamamagitan ng air-travel; at 7,900 ang land-travel, habang 385 naman ang nakabalik ng by-sea.

Samantala, 6,574 sa kanila ay sinundo ng kanilang mga kamag-anak mula sa mga pansamantalang tinutuluyan.

Habang nakauwi na sa kanilang tahanan ang nasa 8,000 seafarer na nai-stranded sa 26 na cruise ship sa Manila Bay.

Nasa 200 namang seafarer dito, ang hindi pa nakakababa ng barko ang hinihintay pa ang resulta ng kanilang test, at para sa tinatawag na ‘safe manning purposes.’

Ang DOLE, sa pamamagitan ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA), sa pakikipagtulungan ng iba pang ahensya ng pamahalaan, Philippine recruitment agencies (PRAs) at local manning agencies (LMAs), ay nagbibigay ng matutuluyan, pagkain at tulong sa transportasyon para sa mga stranded na OFW.

# # #Paul Ang

 

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry
7