News Release
Department of Labor and Employment
October 12, 2021

DOLE awards P157M TUPAD aid to Zambo peninsula

The labor department recently provided livelihood assistance of P157 million to thousands of informal workers in Zamboanga peninsula as it intensifies implementation of its flagship program, the Tulong Panghanabuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers Program or TUPAD.

“The purpose of my visit here is to bring the help of the government to our countrymen in Zamboanga Peninsula, especially those who lost their jobs and livelihoods. President Duterte told me that the funds of DOLE are money of the people, that’s why you give it back to the people ”, Labor Secretary Silvestre Bello III said, as he led the distribution of wages to beneficiaries in Pagadian City and Zamboanga City last week.

Specifically, Bello distributed P25 milion to 5,129 workers in Zamboanga del Sur, P70 million to 20,844 workers in Zamboanga City, P25.6 million to 5,018 beneficiaries in Zamboanga del Norte, P24.4 million to 7,202 workers in Isabela, Basilan and P4 million to 1,119 workers in Zamboanga Sibugay. Beneficiaries received wages of around Php5,000 rendering community work for 15 days.

“Bien grande gayot este ayuda canamon especialmente ara cae pandemic. Ta rindi io gracias con Sec Bebot Bello y Tambien maga oficiales de gobyerno. Grande este cantidad para canamon.  (This is such a huge help to us in the time of pandemic. I thank Sec Bebot Bello and the government officials. This is a huge amount for us.),” shared Leslie Suali, a TUPAD beneficiary.

“Bueno gayot este maam cae ya pwede ayuda canaton este TUPAD. Puede came usa el cen para na familia mientras pandemic cae nuay kita trabaho ahora. Grande ayuda este canamon. (It’s very good that TUPAD was able to help us. I can use the amount to provide for my family during the time of the pandemic since I am unemployed as of the moment.),” said Miguel Rodeo, another TUPAD beneficiary.

TUPAD is a community-based package of assistance that provides emergency employment for displaced workers, underemployed and seasonal workers, for a minimum period of 10 days, but not to exceed a maximum of 30 days, depending on the nature of work to be performed.  ###

======================================== 

DOLE iginawad P157M tulong-TUPAD sa Zambo peninsula

Namahagi kamakailan ang labor department ng tulong-pangkabuhayan na nagkakahalaga ng P156 milyon sa may ilang libong manggagawang impormal sa Zamboanga peninsula habang pinagtitibay nito ang implementasyon ng pangunahing programang Tulong Panghanabuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers Program o TUPAD.

“Layunin ng aking pagbisita dito ay upang ihatid ang tulong ng ating pamahalaan sa ating mga kababayan sa Zamboanga peninsula, lalo na iyong mga nawalan ng trabaho at kabuhayan. Sinabi sa akin ni Presidente Duterte na ang pondo ng DOLE ay pera ng tao, kaya ibalik ninyo ito sa ating mamamayan,” pahayag ni Labor Secretary Silvestre Bello III, habang pinangunahan niya ang pamamahagi ng suweldo ng mga benepisaryo sa Pagadian City at Zamboanga City nitong nakaraang linggo.

Partikular na namahagi si Bello ng P25 milyon sa 5,129 manggagawa sa Zamboanga del Sur, P70 milyon sa 20,844 manggagawa sa Zamboanga City, P25.6 milyon sa 5,018 benepisaryo sa Zamboanga del Norte, P24.4 milyon sa 7,202 manggagawa sa Isabela, Basilan at P4 milyon sa 1,119 manggagawa sa Zamboanga Sibugay. Tumanggap ang mga benepisaryo ng sahod na humigit-kumulang na P5,000 para sa 15 araw na trabahong-pangkomunidad.

“Bien grande gayot este ayuda canamon especialmente ara cae pandemic. Ta rindi io gracias con Sec Bebot Bello y Tambien maga oficiales de gobyerno. Grande este cantidad para canamon. (Ito ay napakalaking tulong sa amin sa oras ng pandemya. Nagpapasalamat kami kay Sec. Bebot Bello at sa mga opisyal ng pamahalaan. Malaking halaga ito para sa amin.)” pagbabahagi ni Leslie Suali, benepisaryo ng TUPAD.

“Bueno gayot este maam cae ya pwede ayuda canaton este TUPAD. Puede came usa el cen para na familia mientras pandemic cae nuay kita trabaho ahora. Grande ayuda este canamon. (Mabuti at natulungan kami ng TUPAD. Magagamit ko ang halagang ibingay para sa aking pamilya ngayong oras ng pandemya dahil sa ngayon ay wala akong trabaho.)”, wika ni Miguel Rodeo, isa pang benepisaryo ng TUPAD.

Ang TUPAD ay isang community-based package na nagbibigay ng pansamantalang trabaho sa mga manggagawang nawalan ng trabaho, underemployed at seasonal worker, na hindi bababa ng 10 araw, at hindi hihigit ng 30 araw, depende sa uri ng trabahong gagampanan. ###

 

 

 

 

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry
1