News Release
Department of Labor and Employment
October 2, 2022

DOLE allots P455-M for ‘Karding’-hit regions

The Department of Labor and Employment (DOLE) has initially allocated P455.6 million for the ongoing implementation of its emergency employment program in Central Luzon and CALABARZON, which were ravaged by typhoon ‘Karding’ last week.

Through the Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers (TUPAD) program, informal sector workers in the said regions are employed for a minimum period of 10 days to assist in clearing, cleaning, de-clogging of canals, debris segregation, materials recovery, and other activities needed in the rehabilitation of their communities.

Labor Secretary Bienvenio E. Laguesma vowed continuous support to workers affected by the typhoon. He assured the provision of additional TUPAD funds if the initial allocation will not be sufficient and underscored the program’s enhanced implementation by providing skills training to beneficiaries.

DOLE Central Luzon Regional Director Geraldine M. Panlilio said a total of P365 million has been allocated for the program’s implementation in partnership with the local government units and their respective Public Employment Service Offices in the region.

Panlilio said 14,000 beneficiaries are currently engaged under the program, while 29,000 others are set to be employed next week. The DOLE Regional Office has also disbursed salaries of 31,333 TUPAD beneficiaries in Bulacan, Tarlac, and Bataan right after the typhoon’s onslaught last week.

To upgrade the skills of emergency employment beneficiaries, Panlilio said the DOLE Central Luzon is partnering with the Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) for the carpentry skills training of workers in Bulacan, Aurora, and Nueva Ecija.

“The beneficiaries will not only work for 10 days, but they will also gain carpentry skills. In this way, they will not only construct their own homes, but they might also be employed by construction companies,” said Panlilio as she highlighted that construction skills are in-demand because of the numerous construction projects in the region.

Meanwhile, DOLE CALABARZON Regional Director Exequiel Ronie A. Guzman said P90.6 million has been allocated initially for the emergency employment of informal sector workers who were affected by typhoon ‘Karding’ in the region.

This will benefit more than 19,800 workers in hard-hit areas of Polilio Island, Burdeos and several other towns of Quezon, Rizal, Laguna, Batangas and Cavite.

TUPAD is an institutionalized program implemented especially during calamities, typhoons, and disasters. It is a community-based amelioration program that provides emergency employment for displaced, underemployed, and seasonal workers for a minimum period of 10 days to a maximum of 30 days, depending on the nature of work to be performed. The salary of beneficiaries is based on the prevailing minimum wage in the region. END/ aldm

===========================================================

DOLE naglaan ng P455-M para sa mga rehiyong tinamaan ng bagyong ‘Karding’

Naglaan ang Department of Labor and Employment ng inisyal na P455.6 milyon para sa implementasyon ng emergency employment program sa Central Luzon at CALABARZON, na sinalanta ng bagyong ‘Karding’ noong nakaraang linggo.

Sa pamamagitan ng programang Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers (TUPAD), ang mga manggagawa sa impormal na sektor sa nasabing mga rehiyon ay magtatrabaho ng hindi bababa sa 10 araw upang tumulong sa paglilinis, pagtanggal ng mga bara sa kanal, paghihiwalay ng mga debris, at iba pang aktibidad na kailangan sa rehabilitasyon ng kanilang mga komunidad.

Nangako si Labor Secretary Bienvenio E. Laguesma na patuloy na susuportahan ang mga manggagawang naapektuhan ng bagyo.  Kanya ring tiniyak ang pagbibigay ng karagdagang pondo mula sa TUPAD kung hindi sapat ang inisyal na alokasyon at binigyang-diin ang pinahusay na implementasyon ng programa sa pagbibigay ng pagsasanay sa mga benepisaryo.

Ipinahayag ni DOLE Central Luzon Regional Director Geraldine M. Panlilio na naglaan ng kabuuang P365 milyon para sa implementasyon ng programa sa pakikipagtulungan ng lokal na pamahalaan at ng kani-kanilang Public Employment Service Office (PESO) sa rehiyon.

Ayon kay Panlilio, may 14,000 benepisyaryo ang kasalukuyang nasa ilalim ng programa, habang 29,000 iba pa ang nakatakdang magtrabaho sa susunod na linggo. Nagbigay rin ang DOLE Regional Office ng sahod sa 31,333 benepisaryo ng TUPAD sa Bulacan, Tarlac, at Bataan matapos ang pananalasa ng bagyo noong nakaraang linggo.

Upang maitaas ang kasanayan ng mga benepisaryo ng emergency employment, sinabi ni Panlilio na ang DOLE Central Luzon ay nakipag-ugnayan sa Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) para sa pagbibigay ng carpentry skills training sa mga manggagawa ng Bulacan, Aurora, at Nueva Ecija.

“Hindi lamang magtatrabaho ang mga benepisyaryo sa loob ng 10 araw, sasailalim din sila sa pagsasanay sa pagkakarpintero. Sa ganitong paraan, hindi lang sila magtatayo ng sarili nilang mga bahay, kundi maaari na rin silang makapagtrabaho sa mga construction company,” ani Panlilio kasabay ng pagpapahayag na in-demand ang construction skills dahil sa maraming construction projects sa rehiyon.

Samantala, sinabi ni DOLE CALABARZON Regional Director Exequiel Ronie A. Guzman na naglaan ng P90.6 milyon para sa emergency employment ng mga manggagawa sa impormal na sektor na naapektuhan ng bagyong ‘Karding’ sa rehiyon.

Makikinabang dito ang mahigit 19,800 na manggagawa sa mga naapektuhang lugar sa Polilio Island, Burdeos at iba pang bayan ng Quezon, Rizal, Laguna, Batangas at Cavite.

Ang TUPAD ay isang institutionalized program na ipinapatupad lalo na sa panahon ng kalamidad at bagyo. Ito ay isang community-based amelioration program na nagbibigay ng emergency employment sa mga nawalan ng trabaho, underemployed, at seasonal na manggagawa para sa minimum na 10 araw at hindi hihigit sa 30 araw, depende sa uri ng trabahong gagampanan. Nakabatay ang suweldo ng mga benepisyaryo sa umiiral na minimum na sahod sa rehiyon. END/ aldm/gmea

 

 

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry
1