News Release
Department of Labor and Employment
September 2, 2021

DOLE aid reaches 2.9M workers 

A total of 2.9 million displaced workers from the formal and informal labor sectors have benefitted from the Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/ Displaced Workers (TUPAD) program of the Department of Labor and Employment (DOLE).

Labor Secretary Silvestre “Bebot” Bello III disclosed this in an interview with the media after the ceremonial program for the payout of 1,500 TUPAD assistance in Candaba, Pampanga on Thursday.

He said the Department already disbursed a total of P12-billion as salaries of the displaced workers who were hired by the government for temporary employment in exchange for community services.

During his speech, Bello advised the beneficiaries to make sure that they will receive the exact amount, if not, they must not take it.

“Pagka hindi 4,200 ang mare-receive niyo, huwag niyong tanggapin. Kailangan kumpleto ang ibigay sa inyo. Four thousand two hundred, ‘yan ang suweldo ninyo sa pagtrabaho ninyo ng sampung araw (If you will not receive a total of P4,200, don’t take it. They should give you the exact amount. Four thousand two hundred pesos is your overall salary for working within 10 days),” Bello said.

The standard rate for TUPAD payout in Region 3 is P420/day or a total of P4,200 for 10 days.

Six million nine hundred nine thousand pesos (P6,909,000) was distributed earlier today (September 2) to TUPAD beneficiaries in Candaba.

Out of the said number of beneficiaries 1,043 are from the Kapampangan area named Mandasig while 457 came from Tagalog dominated area Bahay-Pari.

The event was hosted by the provincial and municipal governments of Pampanga and Candaba, respectively. Present during the occasion were Governor Dennis D. Pineda, Mayor Rene Maglanque, Vice Mayor Michael V. Sagum, among others. ###

========================================

2.9M manggagawa natulungan ng DOLE

May 2.9 milyong manggagawa sa pormal at impormal na sektor ang nabenepisyuhan ng programang Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers (TUPAD) ng Department of Labor and Employment (DOLE).

Ipinahayag ni Labor Secretary Silvestre “Bebot” Bello III sa isang interbyu ng media matapos ang ginanap na seremonya ng pamamahagi ng tulong sa 1,500 benepisaryo ng TUPAD sa Candaba, Pampanga nitong Huwebes.

Ayon sa Kalihim, may kabuuang P12-bilyon ang naipamahagi ng Department bilang sahod ng mga manggagawang nawalan ng trabaho na nabigyan ng pamahalaan ng pansamantalang trabaho kapalit ng community service.

Sa kanyang talumpati, pinayuhan ni Bello ang mga benepisaryo na tiyakin na eksaktong halaga ang kanilang tatanggapin, kung hindi, huwag nila itong kunin.

“Kapag hindi 4,200 ang matatanggap ninyo, huwag niyo itong tanggapin. Kailangan kumpleto ang ibibigay sa inyo. Apat na libo at dalawang daan, ‘yan ang suweldo ninyo sa pagtrabaho ninyo ng sampung araw,” wika ni Bello.

Ang karaniwang rate para sa TUPAD payout sa Region 3 ay P420 kada araw o kabuuang P4,200 para sa sampung araw.

Anim na milyon at siyam na raang piso (P6,909,000) ang naipamahagi noong Setyembre 2 sa benepisaryo ng TUPAD sa Candaba.

Mula sa nasabing bilang ng benepisaryo, 1,043 ay mula sa lugar ng Kapampangan na pinangalanang Mandasig habang ang 457 ay mula sa lugar ng mga Tagalog na Bahay-Pari.

Ang okasyon ay pinamunuan ng pamahalaang panlalawigan at municipal ng Pampanga at Candaba, ayon sa pagkakabanggit. Dumalo rin sina Governor Dennis D. Pineda, Mayor Rene Maglanque, Vice Mayor Michael V. Sagum, bukod sa iba pa. ###

 

 

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry
5