News Release
Department of Labor and Employment
October 16, 2021

DOLE accelerates TUPAD, DILP support in Northern Mindanao

The labor department continues to accelerate the provision of employment support for informal workers in Northern Mindanao as it recently undertook a five-day cash payouts of its flagship TUPAD (Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers) in the region.

Around 1,558 workers benefitted from the cash turnover events held in Plaridel town in Misamis Occidental.

The beneficiaries from 33 barangays of Plaridel, each received a salary of PhP6,000 each as payment for services rendered for 16 days. They were also provided with personal protective equipment (PPE), GSIS insurance, and other supplies.

In Lanao del Norte, informal workers were provided with PhP1.5M worth of livelihood grants under the DOLE Integrated Livelihood Program (DILP). Specifically, 21 informal workers and 4 organizations benefitted from the latest DILP undertaking.

Some of the beneficiaries received DOLE livelihood starter kits, worth PhP20,000.00 each, mostly for of sari-sari store, balot vending and hog raising.

Also, 4 workers’ associations received capital financial assistance ranging from Php200,000 to Php300,000 for the establishment of projects that include making of binisayang kakanin; fish-cage bangus; swine and hog production; and tilapia culture projects.

“Our deepest gratitude goes to the labor department for giving us the chance of receiving such wonderful gifts. Not everyone is given the opportunity to receive livelihood assistance, and we will do our utmost efforts to make these projects grow. These will help us financially and, at the same time, gain the trust of our government that we are willing to give our part in taking a step toward change and development through this program,” said Michelle Orquillas, a beneficiary of the program.

For her part, Governor Imelda Dimaporo told the beneficiaries: “This livelihood assistance can substantially assist you in reclaiming your livelihood that were affected by the pandemic. May you put it to good use so that it can grow and expand and help you and your families improve your financial circumstances in this new normal.” ###

===============================================

DOLE-TUPAD at DILP ipinamahagi sa Hilagang Mindanao

Patuloy ang labor department sa pagbibigay ng suportang pang-empleo para sa mga manggagawang impormal sa Hilagang Mindanao kung saan ipinamahagi kamakailan sa rehiyon ang limang-araw na cash payout mula sa programang TUPAD (Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers).

May 1,558 manggagawa ang nakinabang mula sa pamamahagi ng sahod na ginanap sa bayan ng Plaridel sa Misamis Occidental.

Nakatanggap ng PhP6,000 ang bawat benepisaryo mula sa 33 barangay ng Plaridel bilang kabayaran sa 16 na araw na serbisyong ginampanan. Binigyan din sila ng personal protective equipment (PPE), GSIS insurance, at iba pang kagamitan.

Sa Lanao del Norte, nakatanggap ang mga manggagawang impormal ng PhP1.5 milyong halaga ng tulong-pangkabuhayan sa ilalim ng DOLE Integrated Livelihood Program (DILP). Partikular na nakinabang ang 21 manggagawang impormal at apat na organisasyon mula sa DILP.

Ang ilan sa mga benepisaryo ay nakatanggap ng DOLE livelihood starter kit na nagkakahalaga ng P20,000 bawat isa, karamihan ay para sa sari-sari store, pagbebenta ng balot at pag-aalaga ng baboy.

Tumanggap din ang apat na asosasyon ng manggagawa ng tulong-pinansiyal mula PhP200,000 hanggang PhP300,000 para sa pagtatatag ng kanilang proyekto kasama ang paggawa ng binisayang kakanin; fish-cage bangus; pag-aalaga ng baboy; at tilapia culture.

“Lubos kaming nagpapasalamat sa labor department sa pagbibigay sa amin ng pagkakataon na makatanggap ng ganitong kagandang regalo. Hindi lahat ay nabibigyan ng oportunidad na makatanggap ng tulong-pangkabuhayan at gagawin namin ang lahat para umunlad ang proyektong ito. Makatutulong ito sa aming pangangailangang-pinansiyal, kasabay nito, makukuha din namin ang tiwala ng pamahalaan at handa kaming gampanan ang aming bahagi tungo sa pagbabago at pag-unlad sa pamamagitan ng programang ito,” wika ni Michelle Orquillas, isa sa mga benepisyaryo ng programa.

Sa kanyang bahagi, sinabi ni Governor Imelda Dimaporo sa mga benepisaryo: “Makatutulong sa inyo itong tulong-pangkabuhayan upang mabawi ang inyong pinagkakakitaan na naapektuhan ng pandemya. Nawa ay gamitin ninyo ito ng maayos upang ito ay inyong mapalago at mapalawak at makatulong sa inyo at sa inyong pamilya para mapaunlad ang inyong pinansiyal na kalagayan ngayong ‘new normal’.” ###

 

 

 

 

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry