Displaced Boracay workers urged to avail assistance

The labor department is reaching out to thousands of displaced workers affected by the temporary closure of Boracay to avail of the assistance package under its Adjustment Measures Program (AMP).

Labor Secretary Silvestre Bello III said only 3,600 affected workers have so far applied for the program out of the 19,000 registered workers, who are expected to avail of the assistance, which includes P4,200 monthly financial support for six months, employment facilitation, and training.

“We urge all displaced, suspended Boracay workers in the formal sector to avail of the financial assistance provided by our President. They should be informed that there is available assistance fund waiting for them, which can help them cope with the temporary closure of Boracay,” Bello said.

The AMP, translated into the Boracay Emergency Employment Program (BEEP), aims to enhance the employability and competitiveness of the beneficiaries, as well as mitigate the adverse economic impact of the island’s rehabilitation.

Interested applicants may submit their duly accomplished BEEP AMP Application Form; photocopy of certificate of employment; photocopy of any government-issued ID; and proof of Land Bank of the Philippines account to DOLE Regional Office VI, or any of its Field Offices.

For affected workers who have gone back to their respective hometowns, they may submit their applications to the nearest DOLE Regional/Field/Satellite Offices.

Meanwhile, Bello said that the informal sector workers and indigenous people affected by the closure of the island can also apply for assistance under its Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers (TUPAD) program, which provides emergency employment in a form of 10-day community work.

###Abegail De Vega

========================================================

DOLE, may tulong pinansiyal sa Boracay workers

Patuloy na nakikipag-ugnayan ang Department of Labor and Employment (DOLE) sa mga libo-libong manggagawang nawalan ng trabaho dahil sa pansamantalang pagsasara ng Boracay para mabigyan sila ng tulong-pinansiyal sa pamamagitan ng Adjustment Measures Program (AMP).

Ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III, mayroon pa lamang 3,600 apektadong manggagawa ang nag-aplay sa programa mula sa kabuuang 19,000 na nakarehistrong mga empleyado na inaasahang gagamitin ang nasabing tulong.

Kabilang sa tulong pinansyal ang P4,200 na ayuda kada buwan sa loob ng anim na buwan, employment facilitation, at mga pagsasanay.

“Hinihikayat namin ang lahat ng mga nawalan ng trabaho sa Boracay na nasa pormal na sektor na mag-aplay sa tulong pinansyal na inaalok ng Pangulo. Dapat nilang malaman na mayroong tulong pinansyal na naghihintay sa kanila upang makatulong na makabangon ang mga manggagawa sa pansamantalang pagsasara ng Boracay,” wika ni Bello.

Ang AMP Boracay Emergency Employment Program (BEEP), ay may layong palakasin ang pagkakataon ng mga manggagawa na magkaroon ng trabaho, linangin ang kanilang kapasidad at maibsan ang negatibong resulta sa ekonomiya ng rehabilitasyon ng isla.

Ang mga interesadong aplikante ay maaaring magsumite ng kanilang duly accomplished BEEP AMP Application Form; photocopy ng certificate of employment; photocopy ng anumang government-issued ID; at patunay ng isang account sa Land Bank of the Philippines sa DOLE Regional Office VI, o sa anumang mga Field Offices nito.

Para naman sa mga apektadong manggagawa na bumalik sa kani-kanilang mga bayan, maaari pa rin silang magsumite ng aplikasyon sa pinakamalapit na DOLE Regional/Field/Satellite Offices.

Samantala, sinabi ni Bello na ang mga manggagawa sa informal sector at indigenous people na naapektuhan ng pagsasara ng isla ay maaari ring mag-aplay ng tulong sa ilalim ng programang Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers (TUPAD), na nagbibigay ayuda naman para sa emergency employment sa pamamagitan ng 10-araw na community work.

Abegail De Vega/ Paul Ang

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry