News Release
Department of Labor and Employment
July 26, 2020

Dead OFWs deserve all honors – Bello

The thousands of overseas workers who perished around the world deserve all the honors the government could give, Labor Secretary Silvestre Bello III said on Sunday.

The labor chief made the statement as the government moves to wind up its repatriation of the remains of hundreds of OFWs who perished in Saudi Arabia with the arrival of the third batch, most of whom succumbed to Covid 19.

DOLE has so far flown home 137 remains earlier this month, with 71 more arriving to a grand reception Tuesday, July 28.

Bello said the state ceremony for the repatriated remains of OFWs was well deserved. “Our OFW heroes deserve all the honors they could get,” he added.

“I say they fought a good fight because just like what our migrant workers are known for, they worked tirelessly to make good for their families, and contributed immensely to our country,” he said.

The first 49 remains arrived on July 10, with 19 of them died due to the coronavirus, while 30 from other causes.

The second batch, composed of 88 bodies, was flown in on July 19.

Of the number, 28 were from Alkhobar, 11 from Jeddah, and 49 from Riyadh. The batch had 45 Covid-19 deaths and were immediately brought to crematoriums. The others were flown back to their respective provinces.

“All expenses for the repatriation, cremation, transportation, and other costs are shouldered by the government,” Bello said.

Of the last batch, 57 succumbed to COVID, while 14 died of other causes.

Bello underscored the whole-of-government approach undertaken to make the mass repatriation of OFW remains from KSA possible.

“To endeavor on the repatriation of the human remains of our OFWs of this magnitude is a first for the government,” he said.

“This would not have been possible without the whole-of-government approach we took. We thank the collaborative efforts of the various agencies which include the DFA, DOH, and the Bureau of Quarantine, DILG, DND, DOTr, MIAA, the Bureau of Customs, the POEA, and the Overseas Workers Welfare Administration,” said Bello.

# # #

===========================================================

Mga nasawing OFWs nararapat na parangalan – Bello

Nararapat lamang na bigyang-parangal ng pamahalaan ang libong overseas Filipino worker sa buong mundo, pahayag ni Secretary Silvestre H. Bello III nitong Linggo.

Naglabas ng pahayag ang kalihim kasabay ng pagkilos ng pamahalaan sa pagpapauwi ng mga labi ng daan-daang OFW mula sa Saudi Arabia sa pagdating ng ikatlong batch, na karamihan ay nasawi dahil sa Covid-19.

Naiuwi ng DOLE ang 137 labi nitong buwan, kung saan 71 pa ang darating at bibigyang-parangal ngayong Martes, Hulyo 28.

Sinabi ni Bello na nararapat na bigyang-parangal ang mga uuwing labi ng OFW.  “Ang ating mga bayaning OFW ay karapat-dapat na tumanggap ng lahat ng parangal na dapat maibigay sa kanila,” dagdag niya.

“Masasabi ko na ibinigay ng ating manggagawa ang magandang laban tulad ng pagkilala sa kanila na nagpupunyagi para sa ikabubuti ng kanilang pamilya, at para sa ikauunlad ng ating bansa,” aniya.

Ang unang 49 labi ay dumating ng Hulyo 10, kung saan 19 ang nasawi dahil sa coronavirus, samantalang ang 30 ay sa ibang dahilan.

Ang ikalawang batch, na may 88 labi, ay dumating noong Hulyo 19.

Sa bilang, 28 ay mula sa Alkhobar, 11 mula sa Jeddah, at 49 mula sa Riyadh. Sa nasabing batch, 45 ang nasawi dahil sa Covid-19 at agad na dinala sa crematorium. Ang iba naman ay inihatid sa kani-kanilang probinsiya.

“Ang lahat ng gastusin sa pagpapauwi, cremation, transportasyon, at iba pang gastusin ay sinagot ng pamahalaan,” ani Bello.

Sa huling batch, 57 ang nasawi sa Covid, samantalang ang 14 ay nasawi sa ibang dahilan.

Sinabi ni Bello na ang whole-of-government approach ang naging daan upang maiuwi lahat ang mga OFW na nasa KSA.

“Ito ang unang pagkakataon na nakapag-pauwi ang pamahalaan ng malaking bilang ng mga nasawing OFW,” aniya.

“Ang lahat ng ito ay naging possible dahil sa pagpapatupad ng whole-of-government approach. Nagpapasalamat kami sa pakikipagtulungan ng iba’t ibang ahensiya kabilang ang DFA, DOH, ang Bureau of quarantine, DILG, DND, DOTr, Bureau of Customs, POEA at ang Overseas Workers Welfare Administration,” ani Bello. /END

 

 

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry
2