News Release
Department of Labor and Employment
7 March 2019

Construction workers urged to take local jobs

The labor department has urged skilled workers to consider local employment in the construction industry and support the government in the full blast implementation of the Build Build Build Program rather than applying for jobs abroad.

Labor Secretary Silvestre Bello III explained that slowing down the deployment of construction workers as much as 90 percent is not a way of preventing them to choose high-paying jobs overseas but to inform them of the need for manpower in the local construction sector.

“Construction workers are badly needed here in our country that’s why we are slowing down the deployment to address the manpower shortage in the local construction industry and support implementation of the infrastructure program of the President,” Bello said.

The labor chief said that around 800,000 to one million skilled workers in the field of construction, architecture, and engineering are needed up to 2022 to address labor shortage with country’s construction boom.

Bello also said that Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) is now accelerating the training and upgrading of the skills of workers to address the problem of job and skills mismatch, which is one of the reasons why vacancies in construction are not filled.

“There is a strong local jobs growth but vacancies are not filled either because of skilled workers going abroad or their skills do not match to the available jobs in the market. That’s why DOLE are working together with concern agencies to up-skills our workers and urge them to work locally,” Bello said.

END/Abegail De Vega

 

========================================================

 

Construction worker hinikayat na tanggapin ang mga trabahong lokal

 

Hinikayat ng labor department ang mga skilled worker na isaalang-alang ang lokal na trabaho sa construction industry at suportahan ang implementasyon ng programang “Build, Build, Build” ng pamahalaan sa halip na magtrabaho sa ibang bansa.

 

Ipinaliwanag ni Labor Secretary Silvestre Bello III na ang pagbabawas ng 90 porsiyento sa pagdedeploy ng construction worker ay hindi isang paraan upang pigilan silang piliin ang pagtatrabaho sa ibang bansa para sa mataas na sahod, kung hindi ang pagbibigay ng impormasyon ng pangangailangan ng manggagawa para sa local construction sector.

 

“Malaki ang pangangailangan sa contruction worker dito sa ating bansa, kaya natin binabawasan ang pagdedeploy para tugunan ang kakulangan sa manggagawa sa local construction industry at suportahan ang implementasyon ng programang imprastraktura ng Presidente,” ani Bello.

 

Sinabi ng labor chief na may 800,000 hanggang isang milyong skilled worker sa construction, architecture, at engineering ang kinakailangan hanggag 2022 upang tugunan ang kakulangan sa manggagawa para sa pag-unlad ng construction ng ating bansa.

 

Ipinahayag ni Bello na minamadali na ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) ang pagbibigay ng pagsasanay at pagtataas ng kasanayan ng mga manggagawa upang tugunan ang problema sa job at skills mismatch, na isa sa dahilan kung bakit hindi napupunan ang mga bakanteng trabaho sa construction.

 

“May malakas na pag-unlad sa trabahong lokal subalit hindi mapunan ang mga bakante maaaring dahil sa pangingibang-bansa ng mga skilled worker o ang kanilang kasanayan ay hindi angkop sa bakanteng trabaho sa merkado. Ito ang dahilan kung bakit nakikipag-ugnayan ang DOLE kasama ang iba pang kinauukulang ahensiya upang itaas ang kasanayan ng ating manggagawa at hikayatin sila na dito na lamang magtrabaho,” ani Bello.

 

END/Abegail De Vega/gmea

 

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry
2