Labor Secretary Silvestre Bello III on Monday urged the Philippine Long Distance Telephone Company (PLDT) to comply with the order to regularize more than 7,000 workers from its contractors, saying the labor department’s compliance order is already final and executory.

The labor chief made the statement following reports that PLDT is terminating a number of workers from its contractors.

“Definitely it is wrong to terminate their workers. [PLDT] has to comply with the order and regularize their workers from its contractors,” Bello said.

Even if the contract between PLDT and their service contractors are terminated, he said, the workers should not be affected and they should be regularized by PLDT while their contractors are blacklisted and cannot be engaged in service contracting.

“The order is to regularize all of more than 7,000 workers which were outsourced by the contractors because they are found to be labor-only contractors. The job, work or services of the workers are necessary and desirable to the business of PLDT, hence they should not be outsourced,” Bello said.

Aside from encouraging PLDT to submit a regularization plan, Bello expressed hope for the telecommunication company’s compliance on the order adding they will also set a meeting with the company executives to further explain the extents of the order.

“I told them already to propose their regularization plan and submit it to us. We are willing to consider. I’m sure that PLDT is also a law-abiding company. We will have a meeting with them to clear all the legal extent of the order,” the labor chief said.

On April 24, Bello issued an order to regularize 7,306 workers of PLDT and has denied PLDT’s motion for reconsideration on its resolution issued last January 10, 2018, directing the company and its contractors to grant their employees regular employment status and pay workers’ monetary benefits amounting to P 51.6 million.

#Paul Ang

======================================================

Compliance order sa PLDT, executory – Bello

Nanawagan si Labor Secretary Silvestre Bello III sa Philippine Long Distance Telephone Company (PLDT) na sumunod sa utos na gawing regular ang higit 7,000 manggagawa mula sa kanilang mga kontraktor dahil ang compliance order na inisyu sa kanila ng Department of Labor and Employment (DOLE) ay final at executory.

Ginawa ng kalihim ang pahayag kasunod ng ulat na nagtatanggal ang PLDT ng mga manggagawa mula sa kanilang mga kontraktor.

“Mali talaga ang pagtatanggal ng PLDT ng mga manggagawa. Ang PLDT ay dapat na sumunod sa kautusan at gawing regular ang mga manggagawa mula sa kanilang mga kontraktor,” wika ni Bello.

Sa kabila ng pagtatapos ng kontrata ng PLDT sa kanilang mga service provider, sinabi ni Bello na hindi dapat maapektuhan rito ang mga manggagawa at dapat silang gawing regular ng PLDT habang ang mga kontraktor ay itinuturing nang blacklisted at hindi na maaaring pumasok pa sa pangongontrata.

“Ang kautusan ay gawing regular ang higit sa 7,000 manggagawa na kinuha mula sa kanilang mga kontraktor na napatunayang labor-only contractors. Ang trabaho, at serbisyo ng mga manggagawa ay lubos na kinakailangan at naaayon sa negosyo ng PLDT, kaya hindi dapat sila nag-outsource,” dagdag pa ni Bello.

Liban pa sa paghikayat sa PLDT na magsumite ng regularization plan, nagpahayag si Bello ng tiwala sa telecommunication company na susunod ito sa kautusan kaya magtatakda na sila ng pulong kasama ang mga opisyal ng kumpanya upang lubusang ipaliwanag ang saklaw ng kautusan.

“Inabisuhan ko na sila, magsumite sila ng regularization plan sa amin at maaari naman kaming umunawa. Tiwala ako sa PLDT na susunod rin sila sa batas. Magkakaroon kami ng pulong sa kanila upang linawin ang saklaw ng compliance order,” ayon pa sa kalihim.

Magugunitang noong Abril 24, naglabas ng kautusan si Bello na gawing regular ng PLDT ang 7,306 na manggagawa at ibinasura rin ang kanilang motion for reconsideration sa resolusyon ng DOLE noong Enero 10, 2018 na nag-aatas sa PLDT at mga kontraktor nito na bigyan ng regular na estado ng trabaho at bayaran ang monetary benefit ng mga manggagawa na nagkakahalaga ng P51.6 milyong piso.

#Paul Ang

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry