News Release
Department of Labor and Employment
November 26, 2019

Coastal clean-up, tree planting on DOLE’s 86th

With the goal of helping promote environmental awareness, the labor department will conduct a coastal clean-up and tree planting on Saturday, November 30 in Baseco, Tondo, Manila.

These pro-environment initiatives will serve as kick-off activities as the labor department marks its 86th anniversary on December 6, themed “Patuloy sa Mahusay, Mabilis at Malinis na Serbisyo”.

“As we celebrate another milestone in the department, we also want to emphasize our shared responsibility in spreading awareness on environment protection and conservation,” said Labor Secretary Silvestre Bello III.

Baseco was identified as one of the areas in Manila needing immediate clean-up and continued rehabilitation.

Joining the department in the activities are the Department of Environment and Natural Resources and the City Government of Manila.

Apart from being lined-up for this year’s week-long founding celebration, these initiatives are part of the labor department’s environmental advocacy dubbed, “Green Our DOLE Program (GODP)”.

GOPD is the DOLE’s campaign that seeks to empower its officials and employees and also its tripartite partners from labor and management towards becoming “agents of green change” in the country’s world of work.

END/Tim Laderas

===================================================

Coastal clean-up, tree planting kasado sa 86th anniv ng DOLE

Sa layong makatulong upang maipalaganap ang kamalayan sa pag-aalaga ng kapaligiran, nakatakdang magsagawa ang Department of Labor and Employment ng isang coastal clean-up at tree planting sa Sabado, Nobyembre 30, sa Baseco, Tondo, Maynila.

Ang mga inisyatibong ito na pro-environment ay kabilang sa mga panimulang aktibidad ng kagawaran kasunod ng pagdiriwang ng ika-86 na anibersaryo nito sa Disyembre 6, na may temang “Patuloy sa Mahusay, Mabilis at Malinis na Serbisyo.”

“Sa pagdiriwang natin ng natatanging yugto sa kagawaran, nais nating bigyang pansin ang ating responsibilidad upang maipalaganap ang pangangalaga at pag-iingat ng kalikasan,” wika ni Labor Secretary Silvestre Bello III.

Ang Baseco ay isa sa mga napiling lugar sa Maynila na nangangailangan ng agarang paglilinis at tuloy tuloy na rehabilitasyon.

Katuwang ng kagawaran sa aktibidad ang Department of Environment and Natural Resources and at ang lokal na pamahalaang lungsod ng Maynila.

Maliban sa pagiging kabilang sa mga aktibidad para sa isang linggong pagdiriwang ng anibersaryo ng kagawaran, ang mga inisyatibong ito ay bahagi rin ng kampanya ng DOLE para sa environmental advocacy na, “Green Our DOLE Program (GODP)”.

Ang GOPD ay ang kampanya ng DOLE na layong makiisa ang mga opisyal at empleyado, maging ang mga tripartite partner mula sa labor at management, tungo sa pagiging “agents of green change” sa mundo ng trabaho sa bansa.

END/Tim Laderas/ Paul Ang

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry