News Release
Department of Labor and Employment
July 20, 2020

Close to 100k OFWs sent to provinces

About 95,702 overseas Filipino workers repatriated by the government due to the coronavirus pandemic have been transported back to their homes, the labor department reported on Monday.

The latest batch of 1,691 home-bound OFWs, all of whom tested negative for Covid 19, took their rides back to their respective provinces on Saturday based on data of the Overseas Workers Welfare Administration.

In May, over 34,000 OFWs were sent home by the government to their respective regions, and more than 61,000 thereafter followed suit on an almost daily basis in the succeeding months.

Amid these surge of returning OFWs, Labor Secretary Silvestre Bello III has assured that the government will exhaust all means to help OFWs regain jobs they lost abroad due to the pandemic.

A tracking system called OFW Assistance Information System (OASIS) has been developed by the labor department for its Command Center to facilitate orderly and smooth repatriation and assistance to returning OFWs and outbound OFWs.

Aside from transportation assistance, OWWA, in coordination with other government agencies, Philippine recruitment agencies (PRAs), and licensed manning agencies (LMAs), provides food, hygiene kits, and accommodation to returning overseas Filipino workers.

Meanwhile, the number of OFWs affected by the pandemic seeking assistance further soared to 572,442.

Latest reports from DOLE’s overseas offices and OWWA also showed that 240,583 requests for assistance under the government’s AKAP program have been approved, with 203,585 OFWs already receiving the emergency aid.

AKAP is a one-time cash assistance of $200 or P10,000 for onsite or repatriated OFWs affected by the pandemic. The labor department has so far disbursed P2.095 billion of the P2-billion program fund as of July 19. — ### GSR

============================================

100,000 OFWs nakabalik ng probinsiya

May 95,702 overseas Filipino workers ang pinauwi ng gobyerno dahil sa coronavirus pandemic, iniulat ng Department of Labor and Employment nitong Lunes.

Ang huling batch na 1,691 umuwing OFW na pawang negatibo sa Covid-19, ay bumalik na sa kani-kanilang probinsiya nitong Sabado batay sa datos ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA).

Nitong Mayo, may 34,000 OFW ang napauwi ng gobyerno sa kani-kanilang rehiyon, at mahigit 61,000 ang napauwi sa halos sunod-sunod na araw ng mga sumunod na buwan.

Sa kabila ng tumataas na bilang ng umuuwing OFW, tiniyak ni Labor Secretary Silvestre H. Bello III na gagawin lahat ng pamahalaan upang matulungan ang mga OFW na maibalik ang kanilang nawalang trabaho sa ibang bansa dulot ng pandemic.

Isang tracking system, OFW Assistance Information System (OASIS), ang binuo ng labor department para sa mabilis at maayos  na pamamahala ng kanilang Command Center na nangangasiwa sa pagbibigay ng tulong sa mga papauwi at paalis na OFW.

Bukod sa transportasyon, ang OWWA, sa tulong ng iba pang ahensiya ng gobyeno, Philippine recruitment agencies, at licensed manning agency, ay nagbibigay din ng pagkain, hygiene kits, at matutuluyan sa mga umuuwing OFWs.

Samantala, umakyat naman sa 572,422 ang bilang ng OFW na humihingi ng tulong sa pamahalaan dahil sa epekto ng pandemya.

Sa pinakahuling ulat mula sa tanggapan ng DOLE sa ibang bansa at sa OWWA, may 240,583 ang nabigyan ng tulong sa ilalim ng programang Abot-Kamay ang Pagtulong (AKAP) ng pamahalaan, samantalang 203,585 OFW ang nakatanggap na ng emergency aid.

Ang AKAP ay tulong-pinansiyal na $200 o P10,000 sa mga OFW na naapektuhan ng pandemya at isang beses lamang matatanggap ng mga OFW na nasa ibang bansa o iyong mga nakauwing OFW. Naipamahagi na ng labor department ang P2.095 bilyon mula sa P2-bilyong pondo ng programa nitong Hulyo 19.

END

 

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry