News Release
Department of Labor and Employment
May 31, 2020

Cash, food and medical relief to over 80k OFWs

The labor department has provided cash, food and medical assistance to 81,388 overseas Filipino workers affected by the COVID-19 pandemic in various locations across the globe.

Aside from the one-time $200 cash assistance given to OFWs under the AKAP program, DOLE likewise distributed food packs, face masks and medicines through the Philippine Overseas Labor Offices (POLOs) in 40 foreign posts.

Citing POLO reports, Undersecretary Claro Arellano said 3,637 OFWs from Asia and the Pacific received food and medical relief while 66,271 come from Middle East and Africa, and another 9,403 from Europe and Americas as of Friday, May 29.

In Kuwait alone, the POLO distributed food packs to 28,179 OFWs, while there were 9,358 beneficiaries in Jeddah and 7,723 in Qatar. Meanwhile, the POLOs in the UAE reached out to 3,437 OFWs with Abu Dhabi having 1,820 beneficiaries and Dubai with 1,617.

On top of the food and medical assistance, OFWs who were found COVID positive were likewise given $200 cash assistance by OWWA. To date 2,077 COVID positive OFWs onsite received the cash assistance of whom 1,937 are landbased and 140 are seabased OFWs. Lebanon registered the most number of COVID-19 positive beneficiaries at 1,104.

Arellano said the DOLE, through its POLOs worldwide will continue its intensified campaign to help all onsite OFWs affected by the pandemic which has reached more than 320,000. —###

==========================================

Tulong pinansyal, pagkain, medikal, naipaabot ng DOLE sa 80k OFWs

  
Nakapagpaabot ng tulong pinansyal, pagkain, at medikal ang Department of Labor and Employment (DOLE) para sa 81,388 overseas Filipino worker na apektado ng COVID-19 pandemic sa ibat ibang bahagi ng mundo.

Maliban sa isang beses na pagbibigay ng $200 ayudang pinansyal para sa mga OFW sa ilalim ng programang AKAP, ang DOLE ay namahagi rin ng mga food packs, face mask at medisina sa pamamagitan ng mga Philippine Overseas Labor Offices (POLOs) sa 40 foreign posts.

Batay sa ulat ng POLO, sinabi ni Undersecretary Claro Arellano na mayroong 3,637 OFW mula sa Asia and the Pacific ang nakatanggap ng pagkain at tulong medikal habang 66,271 naman ay sa Middle East at Africa, at ang iba pang 9,403 ay mula naman sa Europa at Amerika, ayon sa datos na hanggang Biyernes, Mayo 29.

Sa Kuwait lamang, nakapagbahagi ang POLO ng mga food packs sa 28,179 OFW, habang mayroong 9,358 benepisyaryo sa Jeddah at 7,723 sa Qatar. Habang, ang mga POLO sa UAE ay nagpaabot ng tulong sa 3,437 OFW, kung saan sa Abu Dhabi ay nagkaroon ng 1,820 mga benepisyaryo at sa Dubai ay 1,617.

Dagdag pa sa pagkain at tulong medikal, ang mga OFW na nagpositibo sa COVID ay nabigyan rin ng $200 tulong pinansyal ng OWWA. Sa kasalukuyan, mayroong 2,077 na COVID positive na mga OFW ang nabigyan ng tulong pinansyal at 1,937 dito ay mga land-based at 140 ang sea-based OFWs. Ang Lebanon ay nakapagtala ng pinakamaraming bilang ng COVID-19 positive na benepisyaryo na nasa 1,104.

Samantala, ayon kay Arellano, ang DOLE, sa pamamagitan ng mga POLO sa buong mundo ay patuloy na pinaiigting ang kampanya nito upang tulungan ang mga OFW na apektado ng pandemic na umabot na sa higit 320,000.

###Paul Ang

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry