Ang mga benepisyaryo ng Tulong Panghanapbuhay sa ating Disadvantaged/ Displaced Workers (TUPAD) Program o Emergency Employment Program (EEP), na nasalanta ng bagyong Nina ay hindi na kinakailangang magpundar ng sariling protective equipment at micro-insurance para sa serbisyong pangkomunidad na hatid ng tulong panghanapbuhay.

Ipinalabas ni Labor Secretary Silvestre H. Bello III ang Department Order No. 171 na nagsasaad na ang mga gawain at trabahong handog para sa mga nasabing benepisyaryo ay hindi itinuturing na mapanganib ayon sa Rule 1013 ng Occupational Safety and Health Standards.

“Dahil sa ating kagustuhan na maghatid ng karagdagang tulong para sa mga benepisyaryo ng TUPAD na sinalanta ng bagyong Nina, hindi na nilang kinakailangang magpundar ng sariling protective equipment at micro-insurance dahil ang trabahong handog ng programa ay itinuturing na hindi mapanganib ayon sa Rule 1013 ng Occupational Safety and Health Standards, series of 1989,” wika ni Bello.

Sinabi rin niya na ang programa ay bahagi ng pinalawig na suporta ng Department of Labor and Employment (DOLE) sa paghahatid ng tulong pangkabuhayan sa mga biktima ng kalamidad.

“Laging handa ang DOLE na maghatid ng tulong at suporta sa mga biktima ng bagyo, lalo’t higit sa mga displaced workers na muling makabalik sa kanilang normal na buhay sa pamamagitan ng pagbibigay ng pansamantalang tulong panghanapbuhay,” pahayag ni Bello.

Sa ilalim ng programa, ang mga benepisyaryo ng TUPAD ay magtatrabaho sa kanilang komunidad sa loob ng sampung araw, na mayroong arawang sahod na P285.00.

Sa panahon ng kanilang pagtatrabaho, ang mga benepisyaryo ng TUPAD ay mabibigyan rin ng enhancement training para maihanda sila sa trabaho na naghihintay matapos ang kanilang emergency employment.

###Abegail De Vega

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry