Ang break-out sessions mula sa magkasanib na Trabaho, Negosyo, Kabuhayan (TNK) Caravan ng Department of Labor and Employment (DOLE) at ng Department of Trade and Industry (DTI)  sa Marso 3 at 4 sa Lungsod ng Marikina ay magbibigay sa mga lalahok ng mas maraming kaalaman at kasanayan sa labor rights at business development,  ayon kay Labor Secretary Silvestre H. Bello III.

Ang dalawang-araw na caravan ay isang job at business fair na naglalayong magbigay ng daan-daang pagkakataon sa mga naghahanap ng trabaho, magbigay inspirasyon sa mga Filipino na subukan ang small and medium enterprises (SME),at ibang pang opsyong pangkabuhayan.

“Ito ay isa sa mga pangunahing prioridad ng departamento ang magkapagbigay ng mas mahusay at disenteng trabaho sa mga Filipinong naghahanap ng trabaho. Sa pamamagitan nito, maaari nating silang mabigyan ng ideya sa kung paano nila mapahusay ang kanilang mga kasanayan upang maging mas competitive sila sa labor market,” paliwanag ni Bello.

Hinimok din ni Bello ang mga Filipino na samantalahin ang mga oportunidad sa SME’s at simulan ang pagpaplano at pagtataguyod ng kanilang sariling negosyo na maaaring mag-alok ng iba’t-ibang oportunidad at magbigay ng alternatibong kita para sa kanilang pamilya.

Matapos ang opening ceremonies ay agad na sinimulan sa ganap na 9:15 ng umaga ang unang session ng caravan. Pinangunahan ni Dir. Dominique Tutay ng DOLE Bureau of Local Employment ang unang session na may temang “Kasanayan sa Paghahanap ng Trabaho”. Ito ay magbibigay impormasyon sa mga Filipinong naghahanap ng trabaho sa kung paano sila maaaring makahanap ng trabaho at ng employer na umaangkop sa kanilang mga kasanayan at karanasan sa pagtatrabaho.

Ang sabayang  session sa “Paano Magsimula at Magpalago ng Negosyo” ay pinangunahan ni Maria Victoria Magkalas ng DTI-Bureau of Small and Medium Enterprise Development. Kanyang itinuro sa mga Filipino kung papaano simulan, magtatag, at palaguin ang kanilang mga negosyo upang makamit ang tagumpay. Tinalakay din niya ang tungkol sa business planning, estratehiya, at mga panganib na dapat pagdesisyunan ng isang indibidwal sa pagtatayo ng negosyo.

May dalawang session pang ginanap sa hapon na pinangunahan ni Atty. Benjo Benavidez, Director ng DOLE-Bureau of Labor Relations na tumalakay sa “Karapatan at Kapakanan ng Manggagawa” at nagbigay sa mga dumalo ng sapat na kaalaman tungkol sa mga probisyon ng Labor Code, lalo na sa karapatan ng manggagawa, classification, mga kasanayan, health and safety, at mga benepisyo na ipinag-uutos ng batas.

Si Dir. Ahmma Charisma Satumba ng DOLE-Bureau of Workers with Special Concerns ay tumalakay sa “Handog Pangkabuhayan ng DOLE”.  Ipinaliwanag niya ang tungkol sa mga benepisyo at tulong na maaaring maipagkaloob ng departamento at iba pang tanggapan nito sa mga nagbabalak na magsimula at magpalago ng kanilang mga negosyo o sa mga may negosyo na nagnanais na buhayin muli ang kanilang negosyo na  nasira ng bagyo o kalamidad sa pamamagitan ng DOLE Kabuhayan Program.

Ang mga gustong mag negosyo ay nakakuha ng iba’t-ibang mga kaalaman mula sa “Sa Maliit na Puhunan, May Negosyong Pagkakakitaan” session na tinalakay ni Zemar Pacuribot ng DTI – Center for Innovation and Technology for Enterprises, nagbahagi siya ng ilang halimbawa ng mga negosyo na may maliliit na kapital pero kumikita ng malaki, tulad ng sa paggawa ng pabango.  Itinuro din ni Pacuribot sa mga dumalo ang iba’t-ibang paraan, estilo, at mga nilalaman na kailangan upang gawin ang mga nasabing produkto.

Hinihikayat ng labor chief ang publiko na dumalo sa nasabing caravan lalo na sa mga breakout session dahil ito ay makapagbibigay sa kanila ng naaangkop na impormasyon tungkol sa labor market

END Paul Ang/ mdd

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry