News Release
Department of Labor and Employment
23 May 2021

Bello seeks probe of fake FB account

Labor Secretary Silvestre Bello III on Sunday deplored unscrupulous persons using his name in a bogus social media account to solicit funds purportedly to support community pantries.

The labor chief has also sought the assistance of the National Bureau of Investigation to identify and go after those behind the fake account on Facebook to generate financial support allegedly for the secretary’s would-be election bid next year.

“It is lamentable that some people would resort to this despicable scheme to besmirch my name for their advantage. And it is doubly deplorable that they would use falsehood and deception to victimize others in this time of crisis,” Bello said.

The spurious FB account carries the name “Silvestre H. Bello III” with the photo and some official and personal details of the labor secretary. The account also included as background photo the tarpaulin of DOLE’s flagship program TUPAD during the assistance payout in Tarlac with Governor Susan Yap.

The fraudulent account, that also uses the official logo of the labor department, has drawn unsuspecting officials and friends of Bello and already listed 1,211 FB friends.

The nefarious activity using the bogus FB account was brought to the attention of the labor secretary over the weekend when ‘Silvestre’ publicly posted “Pwede ba kayo mag donate sa community pantry ko.’

Subsequent posts include:

“Send ko bank details

“Hinati hati ko kasi sa ibang grupo

In the succeeding post, ‘Silvestre’ said: “Tatakbo kasi ako senador.”

He eventually posted bank account details of another person in a universal bank, and provided a mobile number not that of the labor chief.

The Labor Secretary has been using an official FB account since 2010. ###

========================================================

Pekeng FB account pinaiimbestigahan ni Bello

Nagpahayag ng pagkadismaya si Labor Secretary Silvestre Bello III nitong Linggo sa mga mapanlinlang na tao na ginagamit ang kanyang pangalan sa isang pekeng social media account upang mangalap ng pondo para diumano suportahan ang kanyang community pantry.

Humiling na ng tulong ang kalihim sa National Bureau of Investigation (NBI) para kilalanin at arestuhin ang mga taong sangkot sa pekeng Facebook account  upang  makalikom ng pondo  para diumano sa kalihim upang gamitin sa eleksiyon sa susunod na taon.

“Nakalulungkot na may mga taong gumagamit ng mga mapanlokong pamamaraan upang sirain ang aking pangalan para sa pansariling kapakanan. At dobleng lungkot ang nararamdaman ko dahil kinakailangan pa nilang magsinungaling at manloko upang makapambiktima ngayong panahon pa naman ng krisis,” pahayag ni Bello.

Ang pekeng FB account ay may pangalang “Silvestre H. Bello III”. May kalakip itong larawan ng Kalihim at ilang opisyal, pati na rin ang ilang personal na detalye nito. Kasama rin sa nasabing pekeng account ang isang background photo ng tarpaulin ng TUPAD, isang pangunahing programa ng DOLE, kuha sa ginanap na pamimigay ng tulong sa Tarlac kasama si Governor Susan Yap.

Gamit din ng pekeng account ang opisyal na logo ng labor department, kung saan napaniwala nito ang ilang opisyal ng pamahalaan at mga kaibigan ni Bello, at sa kasalukuyan ay nakapagtala na ng 1,211 FB friends.

Ang mapanlilang na  gawain kung saan gumamit  ng pekeng  FB account ay nakarating sa kaalaman ng kalihim  nitong lingo  nang i-post sa publiko ng nagpangggap na si  ‘Silvestre”  ang kahilingang:  “Pwede ba kayo mag donate sa community pantry ko.’

Kasama ang mga sumunod na post:

“Send ko bank details”.

“Hinati-hati ko kasi sa ibang grupo”

Sa kasunod na post, sinabi pa ni ‘Silvestre’: “Tatakbo kasi akong senador.”

Pagkatapos ay nag-post din ito ng iba pang detalye tulad ng bank account na pagmamay-ari ng ibang tao sa isang universal bank, at mobile number na hindi rin sa labor chief.

Sa kasalukuyan ay may ginagamit na official FB account ang Labor Chief na sinimulan niya noon pang 2010.  ###

 

 

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry
2