Muling ipinaalala ni Kalihim Silvestre H. Bello III ang babala sa publiko laban sa mga mapanlinlang na indibidwal na ginagamit ang kanyang pangalan sa social media upang manghingi ng pera.

 

Nagpalabas ng babala si Bello matapos siyang makatanggap ng tawag sa isang nangangalang Michael Mendoza na nagsabing nag-deposito siya ng kabuuang Php 200,000 sa isang account na ibinigay umano ng tumawag sa kanya na nagpakilala bilang Kalihim.

“Ito ay upang ipaalam sa publiko na walang kahilingan mula sa akin o mula sa Kagawaran na naghihingi ng tulong,” ani Bello.

Hinikayat din ni Bello ang publiko na huwag pansinin ang mga mensahe o tawag na nagso-solicit gamit ang kanyang pangalan sa social media.

“Kung may matatanggap kayong solicitation gamit ang aking pangalan sa anumang social media account, huwag ninyo itong pansinin. Ito ay isang scam,” dagdag niya.

 

Hiniling din ni Bello sa publiko na itawag sa DOLE Hotline 1349 ang anumang impormasyon na katulad ng nasabing panlilinlang.

 

END/TDL/GMEArce

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry